BFTP 27

83.2K 1.2K 9
                                    

Sa World Trade Center ang meeting nila. Tumagal 'to nang halos isa't kalahating oras. Mga 8:35 na nga nagsimula dahil nalate yung dalawa.  Hindi nga ako mapakali kanina dahil panay malalagkit na tingin ang binibigay sa akin nung Mr. Hudson. Pansin ko naman na kapag lumilingon sa akin yun ay halos takpan ako ni Dave para hindi makita, lagi nyang inaagaw ang atensyon nito. Medyo malaking pasasalamat ko na din sa kanya dahil kahit magkagalit kami ay marunong syang makiramdam na naiilang ako. Si Rashid naman ay mukhang mabait, kabaligtaran nung kaibigan nyang mukhang manyakis.

Actually ay inimbitahan nila kami para kumain, buti nalang at tumanggi si Dave. Ayoko na makasama yung Mr. Hudson na yun.

Pumunta kami ngayon sa isang coffee shop. Para naman akong mag-isa lang dahil yung kasama ko ay nakatutok lang sa laptop nya, busy siguro dahil may ippresent sya mamaya kay Mrs. Nasr, nirereview nya pa atam. Napaaga ang schedule ng meeting nya with her dahil napaaga flight ni Mrs. Nasr papuntang France madami daw kasing aasikasuhin yun dun, after one week pa makakabalik eh hindi naman na kami makakapaghintay nun dahil may mga aasikasuhin pa din sa Pinas.

Mag-eeleven na, kaya nililigpit nya na ang laptop nya. Kanina ko pa ubos itong inorder na coffee and slice of cake. Pinapaorder nya nga lang ako ng pinapaorder, di naman ako gutom kaya cellphone ko na lang ang kinalikot ko.

Good thing dito din ang meeting with Mrs. Nasr kaya hindi na kami mapapalayo. As usual mukhang maganda naman ang kinalabasan ng lahat dahil nakipagdeal na sa kanya ito.

Nasa sasakyan ulit kami, nasa itsura nya na ang pagod. Sigurado akong hindi sya nakatulog ng mabuti dahil inasikaso nya pa ang tungkol sa mga proposal.

" Dito na lang tayo maglunch. " sabi nya agad sa akin pagbaba namin sa sasakyan. Nakabalik na kami sa hotel. Pinahatid nya na sa room ang mga gamit na dala namin.

We went directly straight to 27th floor where we can find Al Muntaha Restau. It's stunning view captures me, I just can't take my eyes off it. European cuisine ang meron dito.

Inihatid kami ng waiter sa isang table malapit sa glass wall . Kung nasa ibang pagkakataon ay magandang isipin na date namin ito. Well, how I wish though.

Kakaunti lamang ang tao dito. Habang inaantay na namin ang order ay nakatingin lang ako sa labas. What else should I say? Ayoko sana maging awkward na naman but I've got no choice, pareho kaming nagkaka-ilangan.

" Ohh, what a coincidence? Never thought na nandito ka din nag-sstay. " that voice again. Argh. Lumingon ako sa nagsalita sa gilid namin. Ngiting ngiti na naman sya. Tinignan ko si Dave, only to find out na nakapoker face lang din sya like me.

" Can I join? " nakaharap sya kay Dave.

" Sorry Audrey but we only got two seats. " wala pa din kasigla sigla ang pagsasalita ni Dave.

" Oops, may kasama ka pala. Sorry, how rude of me. Hi, Kayla! " ngumisi na naman sya. Pasalamat sya wala akong dalang sinulid at karayom kundi ora mismo tinahi ko na yang bibig nya.

I just gave her a bitter sweet smile. Isa pa 'tong panira e.

" Okay. I'm with my friends naman so I'll join them. By the way, may bar dito sana makapunta ka mamaya Dave, Skyview Bar. I'll be there. " thank gosh umalis na sya at thank gosh ulit dahil dumating na ang pagkain.

" Kayla, stop that unnecessary eating noises. " agad naman akong napatigil sa paghihimay ng pagkain. Hindi ko na pala namamalayan na ang ingay na ng ginagawa ko.

Napasimangot naman ako. Ewan ko basta naiinis ako, lalo na sa mga nangyayari tapos nagpakita pa yung oud na yun. Nakakairita na lahat! Dagdag mo pang red days ko ngayon. Argh.

Nakasimangot na din sya sa akin. Pinagpatuloy ko ulit ang pagkain. Nakakawalang gana naman oh. Kapag wala ka talaga sa mood hindi mo na mapigilan pati mga kinikilos mo.

" Kayla, I said stop that! " may iilang malalapit sa table namin ang napalingon dahil medyo tumaas ang boses nya.

" Ano ba?.. Kumakain lang naman ho ako, Sir. " ayan, sarkastiko na ako ngayon.

Matunog nyang ibinaba sa plato nya ang mga kubyertos.

" Are gou trying to be sarcastic ha? Stop calling me Sir. " gigil pero mahina lang ang boses nya.

" You're still my boss. So, I should call you that. " naningkit lalo ang mga mata nya at kumuyom ang kamay nyang nasa lamesa.

" What is your problem? " umaapoy na sya sa galit. Kahit ako ay ganun na din.

" Ako pa talaga tinatanong mo? How 'bout you, what's your problem? " nagtatagis na ang mga panga nya tanda ng sobrang pagkagalit.

Mabilis nyang kinuha sa wallet ang isang credit card, inilapag nya yun dito sa mesa. At hinawakan naman nya ang kamay ko, may pagkahigpit ang pagkakahawak nya. Hinila nya ako palabas. Nagtitinginan na halos lahat, nakita ko ding napalingon si Audrey pati ang mga kaibigan nya.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon