BFTP 14

91.9K 1.3K 22
                                    

Bumuti na ang pakiramdam ko kanina pagkagising, siguro nga kulang lang ako sa pahinga at malaking tulong na din yung gamot na pinainom sakin. Nakaupo ako ngayon sa helicopter habang nakatingin sa labas dahil naglalakad na papunta dito si Audrey. Simple lang din ang suot nya, just like me ay naka shirt and pants lang sya kaso nakaheels samantalang ako ay nagflats.

Malapit na sya dito nang may tumawag ata sa cellphone nya kaya lumakad muna sya sa gilid para sagutin ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako at lumingon na sa harapan, kapag minamalas ka nga naman ng kahit papano noh.. makakatabi ko pa dito sa upuan yung maldita na yun. Sa tingin ko talaga may alam yung babaeng yun tungkol sa akin, sa amin ni Dave. Napansin ko kasi nung gabing una kaming nagkita, e para bang kilala nya na agad ako tyka yung sinabi nya kahapon, nagtataka pa din ako.

Bago sya tuluyang pumasok dito ay binigyan nya muna ako ng mapanuring tingin kaya agad akong nag-iwas. Kung hindi lang ako kagagaling sa sakit malamang ginantihan ko na rin ang pagtataray nya sakin, aba marunong din naman ako noh, swerte nya lang ngayon.

Pagkaupo nya ay lumingon sya sakin at syempre nakapaskil pa din sa pagmumukha nya ang katarayan.

" Ms. Llanes, you should know your limitations, hindi yung tulad kagabi that I saw you sa room ni Dave, tama ba yun ha? And just to inform you, your boss is soon to be my boyfriend kaya kung pwede matuto kang dumistansya. " Aba, ano ba talagang problema ng isang 'to ha!? Kung makapagsalita akala mo kung sino tyka kakakilala lang namin pero kung makaasta sa akin parang ewan eh. Di ko na tuloy napigilan ang sarili ko.

Nilingon ko din naman sya agad ng may bahid na napagtataray.

" Is he even your suitor? *napangisi naman ako* Sa pagkakaalam ko Ms. Santos hindi mo na dapat pinoproblema kung ano mang meron sa amin and isa pa you're not my boss. " then I give her my sweetest smile. halatang bigla syang namula, namula sa galit. Umayos ito ng upo at akmang magsasalita ulit nang biglang umupo na ang piloto at si Dave sa harapan. Hindi man lang namin namalayan na dumating na pala ang mga ito.

Pagkasuot ng seatbelt ay lumingon sa amin sa likod si Dave..

" Is everything fine? " parang nagtataka ang mukha nito.

" Yes, Sir. " ako na ang sumagot dahil mukhang nabwiset ko talaga ang isa dito sa tabi ko.

" Okay. "

After half an hour ay mukhang kalmado na ang babaeng katabi ko dito dahil kanina ay parang hirap itong huminga sa sobrang inis, buti nga sa kanya. Ako naman dito ay hindi mapakali dahil nasa ere na naman kami pero syempre ay hindi ko pinapahalata na para bang mahihimatay na ako dito.

At hindi nagtagal ay hindi ko na napigilan ang pagkanerbyos ko, kung saan saan na ako lumilingon. Kapag babaling naman ako sa side ko e parang gusto ko ng mawalan ng malay dahil ang taas talaga, kapag titingin naman ako sa harapan ay nakakatakot pa din e, kaya ang huling pwesto ng ulo ko ay nakayuko. Parang napansin na ata ako ng katabi ko kaya nagsalita ito..

" Ohh, Kayla? Kayla right? " may halong pang-aasar ang tono nya. Sabi na eh, nakakainis naman may dahilan pa tuloy ito para makaganti.

" Ok ka lang ba? " naiinis na ako sa babaeng ito. Nag-angat ako ng tingin at napansin kong lumingon na ulit dito sa amin si Dave.

Hinawakan naman ni Audrey sa balikat si Dave na may pahaplos haplos pa sabay sabing " You know what babe, dapat siguro magpalit ka na ng assistant mo dahil mukhang hindi makakatagal si Ms. Llanes sa'yo, if you're really concern about her naman maybe you can just assign her sa company na lang as an office girl. What do you think? " malambing nyang litanya.

Tinignan naman ako ng mata sa mata ni Dave, hindi ko mabasa ang emosyon niya " Don't tell me what to do. " medyo nakakatakot ang boses na sagot nya kay Audrey. Buti nga sa'yo

Nilambing naman nya ulit ito.. " Relax, sinasabi ko lang naman " pinatong nya pa ang isa nyang kamay sa kabilang balikat ni Dave at umaktong parang pinaparelax nya nga ito. Yumuko na lang ako dahil hindi pa din nag-iiwas ng tingin sa akin si Dave, ang lalalim pa naman ng mga binibigay nyang tingin sa akin.

---

That ride was pretty intense though kahit papaano ay maganda na din dahil nakaganti naman ako sa bruhildang yon, mabuti ng alam nyang hindi ako natatakot sa kanya.

Nagcoffee lang saglit dito si Oudrey then umalis na din, ang arte nga kanina eh kung makapulot at lambing kay Dave akala mo girlfriend mukhang naiirita na nga yung isa. Nasa opisina na kami ngayon dapat pauuwiin na ako para makapagpahinga ang kaso may mga kelangan daw munang tapusin agad na kakailanganin bukas kaya magsstay muna ako dito for 2 hours.

Break namin ngayon at kakatapos ko lang kumain pero mukhang hindi pa din ata kumakain ang boss ko kaya napagdesisyunan kong dalhan sya ng pagkain.

Ang ganda lang naman ng bumungad sa akin pagpasok ko sa opisina dahil bumalik pala yung babaeng impakta at may nilapag syang paper bag na mukhang galing sa isang restaurant habang kinukuha nya ang pagkain sa loob nun ay inunahan ko na sya magsalita.

" Ahm Sir, I bought you some foods po, hindi pa po kasi kayo kumakain eh. " napatingin naman sila sakin, akmang lalakad na ako papunta sa kanya ay bigla syang nagsalita. Pinagpatuloy lang ni oud ung paglalagay nya ng binili nyang pagkain sa table ni Dave.

" Thank you, but Audrey also bought me foods. Sayo na lang yan. " pagbabaliwala nya sakin at binaling nya na agad ang tuon sa laptop nya. Napabagsak na ng tuluyan ang dalawang balikat ko nasaktan na naman ako sa sinabi nya. Hindi ko alam ang irereact. Parang kanina lang pinagtanggol nya ako kay Audrey sa helicopter teka, pinagtanggol nga ba? O kaya ayaw nya lang akong palitan bilang assistant dahil mas gusto nya akong pahirapan pa.

Lumingon naman sa akin ang babae sa gilid nya " He's not your obligation 'anymore'. Di mo na kelangan maging concern ng sobra, Ms. Llanes. Ako ng bahala sa kanya. " at sya naman ngayon ang nagbigay sakin ng isang matamis na ngiti sabay taas ng kaliwang kilay. May pinapahiwatig na naman ba sya? masyado nya kasing inemphasize yung word na 'anymore'. Ano ba talagang alam nya?

Wala na talaga akong nagawa, at bumalik na lang ako ng tahimik sa desk ko.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon