BFTP 26

87K 1.2K 8
                                    

Kinuha ko agad ang  phone ko sa gilid, 7:30 am? Ang aga ko naman magising? Anyway, ayoko pa sanang bumangon, gusto ko muna magmuni muni. 15 mins pa siguro tapos babangon na ako

Malapit itong kama ko sa malaking window glass, kitang kita ko ang magandang tanawin dito, ang ganda ng dagat. Base sa research ko itong Burj Al Arab ay one of the most luxurious hotel in the world, kaisa isang 7 star hotel. At itong nakikita kong dagat ay ang Jumeirah Beach.

Pakiramdam ko ang swerte ko ngayon. I stayed in some famous hotels pero hindi pa sa ganito kagarbo. Well, I'm totally amazed. Magaling talaga pumili si Dave kaso nga lang wala talaga syang pakielam kung mahal man o hindi.

Pagtapos ko magsawa sa kakamasid sa magandang tanawin sa labas ay napag-isipan ko nang bumangon. Gising na kaya si Dave? Alam kong hindi naman nya ako cook or katulong pero feel ko gumawa ng breakfast para sa kanya pero it doesn't mean na titigil na ako sa pagiging cold sa kanya. He needs to learn. Hindi lahat ng inaasta nya nakakatuwa. Hindi ko pa din nakakalimutan ang mga pinagsasasabi nya sa akin. Lahat lahat!

Bumaba na ako sa hagdan, kakaiba din ito e, pati hagdan napakalaki. Napakaganda lang talaga dito. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay naaamoy ko na ang masarap na pagkain. I can smell some delicious bacons. May nagluluto?

Is it Dave? pero parang tulog pa ata yun. Nagpatawag ba sya ng cook? Binilisan ko na ang paglalakad ko, sinusundan ko ang amoy ng pagkain hanggang sa makarating na ako sa kusina.

Okay, teka tama ba itong nakikita ko? Dave is cooking? Napatingin ako sa mesa, nakalapag na doon ang fried rice then may hotdog tyka scrambled eggs.

Lumigon na sya, mukhang kakatapos lang magprito ng bacons at hawak nya pa ang pan papunta sa table para ilagay sa plate ung pagkain.

Tumingin sya sa akin. I saw it! I saw him, ngumiti sya.. pero bahagya lang.

" Good morning. Come on, let's eat. " at inusog nya ang isang upuan na parang pinapaupo na nga ako doon kaya lumapit na ako.

Hindi ako makapagsalita. Sinusundan ko lang ng tingin ang ginagawa nya. Kumuha sya ng mga plato, tapos ay mga kubyertos. Inilapag nya din ang pitchel na may juice. Pagkaraan ay umupo na din sya sa tapat ko.

" Kain na. Usual breakfast, ayaw mo ba? Papaorder na lang ako. " natauhan naman ako sa sinabi nya.

" A-ah no need. Na nagulat lang ako. Dapat hindi ka na nag-abalang magising ng maaga para makapaghanda lang ng almusal, Sir. " kahit nautal ako nung una ay pinagpatuloy ko pa di ang pagsasalita ko at syempre ung halos walang ekspresyon para alam nyang galit pa din ako.

" Okay lang. I just want to cook breakfast for us. " yan na naman yung mga nakakalusaw nayang tingin. Ano ba naman 'to! Nag-uumpisa pa lang ang cold treatment ko pero parang matatapos din agad. Ano bang meron sa kanya at sa unang beses ko pa lang na pagtataray ay nag-iba na sya ngayon.

Hindi ko na lamang sya pinansin. Binaling ko na lang ang sarili ko sa pagkain. Matatapos na kami nang magsalita sya para magtanong. " Did you do a research last night? Where are we going later? "

Oo nga pala, nagresearch naman talaga ako kaso bakit ako ang masusunod. Eh di sya na lang, mamaya kung ano pang sabihin nya. Tutal sya naman ang boss ha! Tyka masyado madaming magagandang lugar dito, I can't even decide.

Medyo natagalan ako bago nagsalita. " I don't know. Ikaw na lang ang bahala, Sir. " walang buhay ko namang sagot sa kanya. Akala nya ha.

" Quit calling me Sir, tutal we're not in the office nor talking about any business here. " naiirita na ang itsura nya.

" Fine. " madali akong kausap.

" Hindi ka ba nagsearch? " iritable na talaga sya.

" No. " pagdideny ko.

" Don't start with your monosyllabic words. Alright, di ka nagsearch, ako na lang ang mamimili. " mabuti pa nga. Hindi na ako umimik.

Ako na ang nagprisinta maghugas, nakakahiya naman kasi di ba? Baka isipin pa nyang na nanamantala pa ako.

Maliligo daw muna sya at pagkatapos ko daw dito ay maligo na din ako dahil aalis kami. Sinama pa talaga ako sa pamamasyal nya.

Medyo nainip din ako sa byahe. Pagbaba ko sa kotse ay nakita ko ang malaking sign na nakalagay ay 'Global Village' alam ko ito ha! Nakita ko din ito sa sinearch ko kagabi at Sabi doon ay maganda daw dito. Parang pinagsama sama ata ang mga countries.

Wala kaming imikan hanggang sa makapasok kami sa loob. Libot libot lang naman kami. Gusto ko magpicture kaso pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong ipakitang masaya ako ngayon. Bahala sya dyan. Kumain kami ng lunch dito dahil may mga pagkainan naman.

Ang abnormal nya talaga, hindi na ako sanay kapag hindi sya masyado nagsusuplado. Kung ano ano pinagtututuro nya, tinatanong ako kung gusto ko ba daw ng mga souvenier na ganito ganyan.

Nakaroon lang ako ng chance na makapagpicture ng madami nung nagcr sya. Halos iposas nya na nga ako sa kanya. Bago pa sya pumasok sa men's room sinabihan pa akong wag lalayo. Hindi naman ako bata para turuan nya. Tsk!

Nandito ako ngayon malapit sa parang bridge sa ilalim nito ay parang Grand Canal Venice sa Italy. Muntikan na ako mapatalon sa gulat nang marinig ang boses nya. " Where have you been? Bakit ka lumayo? "

Nang makahinga na ako ng maayos ay nagsalita na ako. " Hindi naman ako sobrang lumayo. Don't overract. I'm not a little girl. " naiinis kong sagot.

" Don't overreact? Sige nga, masasabi mo pa kaya yan kung mawala ka. Can't you see? Madaming tao dito! " sumisigaw na ang boses nya.

" Pwede ba wag kang sumigaw. Huwag kang gumawa ng eksena. " umiinit na din ang ulo ko. Naninigaw na e.

Ang sama na ng tingin nya sa akin. Halatang nagpipigil sya ng galit. Namumula na nga ang mga mata nya. " Umalis na tayo. " at nauna na syang maglakad.

Talagang wala kaming pansinan kahapon pagkauwe. Pareho kaming nagkulong sa kwarto. Bumaba lang kami para kumain ng gabihan pero wala pa ding pansinan. Tapos balik ulit sa kanya kanyang kwarto.

Sasama ako ngayon sa meeting nya with Mr. Rashid and Mr. Hudson, malamang assistant. Ang hirap nga lang kumilos kapag may galit kayo sa isa't isa. Yes, galit.. galit talaga!

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon