BFTP 2

124K 1.8K 19
                                    

"Aaahhh! Gosh, it feels so good to be back!" nilingon ko ang kasama ko dahil sa lakas ng kanyang boses ay halos agaw atensyon na kami dito.

"Hhhmmm" sabay amoy niya sa simoy ng hangin.

Tinapik ko siya sa balikat nang di naman gaano kalakas. "Hey Tam, lower your voice naman. Di ka ba nahihiya? Ang daming tao oh! Pinagtitinginan na tayo" saway ko sa kanya.

"Hayaan mo sila." mataray niyang sagot sa akin sabay umismid ang malditang ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Kalalabas lamang namin ng airport, tapos sumigaw ba naman na para bang walang makakarinig na tao. Talaga naman!

Pagkapunta namin sa parking area ay agad na sumakay na kami sa isang van, pinasundo kasi kami ng parents ni Tamara sa driver nila. May sarili namang bahay si Tam kaya doon muna ako mananatili for 2 days then lilipat din ako sa condo. May kaya ang pamilya nila, nakapunta na ako ng isang beses sa bahay niya noong magbakasyon kami for 1 week dito. Medyo matagal na din iyon. Nagkakilala kasi kami sa work sa States at sa iisang apartment lamang kami tumutuloy, siya lang ang maituturing kong pinakamatalik na kaibigan mula noon hanggang ngayon.

"Grabe friend, kadarating lang natin pero we have to work na tomorrow. Hmp! As in bukas na ba talaga kailangan?" kanina pa niyang protesta.

Hindi ko alam kung paano ko naging kaibigan ang babaeng ito. Kahit saang anggulo mo kasi tignan, ay mas madami ang pagkakaiba namin. Tulad kanina sumigaw tapos nang-ismid tapos ngayon naman parang tanga, excited na parang ayaw magtrabaho bukas. Mas madaldal din itong kaibigan ko kaysa sakin. Kaya nga nakakarindi na minsan dahil walang tigil sa kakasalita kadalasan pa naman ay walang kwenta ang sinasabi.

Pagkarating namin sa bahay ni Joyance ay ipinahatid na niya agad ako sa isang kasambahay patungo sa guest room upang makapahinga. Hindi na ako nagulat nang makita ang taglay na kagandahan ng kwarto, alam ko naman kung paano mag-ayos si Tammy, gusto niya lahat maganda sa paningin, lahat nasa ayos at malinis. Hindi naman ganito ang ayos noong huli akong pumunta dito, medyo tanda ko pa iyon pero mas maganda ata ngayon. Sa pagkakaalam ko kahit wala siya dito sa pamamahay niya, every month ay tumatawag siya para ipaiba iba ang ayos ng mga silid kahit na wala namang tumutuloy. Lumapit ako sa kama at inilapag ang bagahe ko, kumuha lang ako ng pamalit at nagshower na.

Pagkatapos magshower ay nilibot ko muna ang kwarto, malaki ito kaya nakakapagod din na magpalakad lakad. Naisipan ko nang mahiga. Hay. Grabe nakakapagod din ang byahe!

Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan. Hindi ko man lang pala namalayan na nakaidlip na ako.

"Ma'am Kayla, baba na daw po kayo sabi ni Ms. Tamara. Nakahanda na po ang dinner."

"Ahm. Sige, susunod na lang ako." nagmadali akong bumaba dahil gutom na din naman ako.

Nasa palagitnaan na kami nang pagkain nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan ng caller ay nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko pa ba o hindi na. Ang boss lang naman kasi namin ang tumatawag. At alam ko naman kasing itatanong lamang niya kung nandito na kami sa Pinas at ipapaalala ang pasok namin kinabukasan. Sinagot ko na dahil malamang hindi iyon titigil sa katatawag kahit pa na iyon lang naman ang sasabihin.

"Hello. Yes po, Sir?" bungad ko agad.

"Ms. Llanes, nakarating na ba kayo sa Pilipinas?" oh, di ba! sabi na at iyon ang itatanong niya. By the way, pinoy din ang boss namin pero may lahing Brazilian, fluent naman siya sa pagsasalita ng tagalog kahit lumaki siya sa States.

"Opo. Kani kanina lang po kami dumating, Sir."

"Okay. Good to hear that you're both safe na nakabalik diyan. Anyway, I just want to remind you na bukas kayo pupunta sa VilCorp. ha!"

"Yes po. We know, Sir."

"Okay. I guess you'll also meet the CEO tomor-" narinig kong nagsalita ang secretary ng boss namin. "Ohh, I have to go. Kanina pa pala ako hinihintay. We have a board meeting. Good Luck Ms. Llanes and Ms. Sarmiento. Bye!" at tuluyan na nga niyang binaba ang telepono.

"Ano sabi?" tanong agad ni Tammy.

"Wala naman. Kinamusta lang kung nandito na ba tayo and of course pinaalala nya yung para bukas." walang gana kong sagot.

"Aaah, as usual." then pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Hay. kahit medyo poker face ako ngayon, mayroong kaba pa din akong nararamdaman para bukas. I don't know why pero sana talaga maging maayos ang lahat.

Naputol na naman ang pag-iisip ko nang magsalita siyang muli.

"Nga pala. Naresearch mo na ba yung tungkol doon sa company?"

"Hindi pa." siguro ay mamaya na lamang.

"Kahit kung sino man lang yung CEO?"

"Nope." iinom na sana ako ng juice nang maisipang magtanong muli. " W-wait alam mo ba kung ano ung meaning nung Vil, sa VilCorp?" medyo iba kasi ang kutob ko tungkol doon.

"No, but I heard it's the surname ng may-ari."

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now