BFTP 11

91.1K 1.4K 33
                                    

Dinampot ko ang hinulog nya, at patuloy lang ang pag-iyak while staring at the necklace. Alam kong nakailang masasakit na salita na ang binitawan niya sa mga nagdaang araw pero siguro I deserve this kind of treatment from him. I broke his heart, iniwan ko siya and I know from the moment na nagkita kami ay mahihirapan na ako, I guess I have to face the consequences of my decision years ago..

Pagkapasok ko sa loob ay may mga nag-uusap pa din samantalang yung iba ay mukhang umalis na pati din si Mike ay wala na, and of course there he is.. parang wala na namang nangyari kanina.

Umupo na ako ulit sa tabi nya, this is kinda awkward and I've got no choice but to also act like nothing happened.

" Are you ok, Ms.--? " nag-aalalang tanong nung kanina pang nakikipag-usap saking may katandaang babae na napag-alamanan ko na si Mrs. Fortilejo pala dahil nabanggit kanina. Naramdaman ko namang napatingin si Dave.

" Kayla po. Yes, I'm fine " nginitian ko na lamang sya.

Sumama ata ang pakiramdam ko, as much as I want to leave this place ay hinde pa pwede. Nanghihina ako, I think I need some rest.

Ilang minuto pa ulit sila nagkwentuhan nang mapagdesisyunan na ng karamihan na umalis ganun din naman si Dave.

" I still got a lot of things to do. Magsstay pa naman ho kayo dito di ba? " tanong nya kila Mr. Gomez and Mr. Fortilejo pagkatayo nila.

" Oo naman, iho. Chance ko na ata ito para makapagrelax. " saad ni Mr. Gomez at tumawa ng bahagya.

Ipinatong naman ni Mr. Fortilejo ang kamay nya sa balikat ni Dave. " Grab the chance, ika nga. Mauna na ako sa inyo, I'm sure kanina pa naghihintay ang aking Misis. " nakangiti nyang sabi

" See you around, then. " sagot ni Dave sa dalawa at umalis na nga din kami.

---

Nasa elevator kami pabalik sa floor namin. " For now, fix my appointments. I'll just call when I need you. " napakadominante nya talaga magsalita, tango na lamang ang isinagot ko. Good thing after few seconds ay lumabas na kami. Nauna na sya lumabas at may kabilisan ang kanyang paglalakad kaya hindi ko na naabutan.

Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakalayo na sya sa akin dahil kada segundo ata na magkasama kami ay hindi ako mapakali na para bang ano mang oras ay mahihimatay ako.

Pagkapasok ko sa room ay inilapag ko na sa bed side table ang bag at folders na bitbit ko at diretso ng humiga sa kama. Mukhang magkakasakit pa ata ako idagdag mo pa na iniisip ko yung nangyari kanina lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko. Gusto ko ng magresign tutal wala naman ibang dahilan para magsama kami, ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon namin eh. Kaso mahirap ng maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, and of course maganda na din ang offer sa akin dito, I have some financial problem and ayoko naman na mas lalong pahirapan ang lahat kung mawawalan pa ko ng trabaho.

Nakapikit pa din ang aking mga mata, feeling ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Halos makatulog na ako nang biglang tumunog ang phone ko. Dahan dahan akong bumangon. Mabagal ang pagkilos ko dahil sa sobrang panghihina. Tumigil saglit ang pagtunog, eksakto naman pagbukas ko ng bag ay muli itong nagring. Agad ko itong kinuha at sinagot.

" What took you so long to answer your phone? " nagulat naman ako sa galit na boses na iyon.

" Sir? " nagtatakang tanong ko, di ko pala nabasa kung sino yung tumatawag.

" May iba pa ba? Expecting a call from someone, Ms. Llanes? " seryoso pero may halong sarkastiko ang tono niya.

" No, s-sorry Sir.. it's just I'm not feeling well kaya hindi po ako agad nakatayo ng kama. " mahina kong pagsagot sa kanya.

" Pumunta ka dito ngayon. " yun lamang at agad nya ng binaba ang telepono nya.

Napabuntong hininga naman ako. Kahit medyo nahihilo pa din ako ay pumunta na ako sa katabing kwarto ng room ko.

Nakadalawang katok ako bago sya nagsalita..

" Come in. "

Pagkapasok ko ay nakaupo sya sa may parang office table nya, madaming papeles sa tabi.

" Kunin mo itong mga papers then pakireview and summarize, I need all of it tomorrow bago umalis. " hindi na sya tumingin pa at sinabi na lang iyon. Napangiwi naman ako kahit gusto ko man magreklamo dahil sa dami nun ay mas mabuting wag na lamang.

" Is that all, Mr. Villarueva? " matutulog na lang muna ako pagbalik sa room, kelangan ko lang siguro magpahinga saglit para bumuti ang pakiramdam ko. Mamayang gabi ko na lamang pagpupuyatan yun.

" I want coffee.. " ano ba ito? Papunta nga lang dito sa kalapit nyang kwarto ay parang babagsak na ako, tapos uutusan nya pa ko bumaba para bumili? alam naman nyang di ako okay ngayon.

" And pumunta ka din kay Mrs. Defrino, may mga ipapapirma pa sya. That's all " pinal nyang sabi. Is he really serious!? Nasa kabilang dulo pa ng resort ang tinutuluyan nun. Anyway, buti na lang nakapag-isip agad ako.

" Okie, Sir. Ipapadeliver ko na lang po dito yung coffee mo and I'll contact Mrs. Defrino's secretary para ipunta dito ang mga kelangan pa nilang ipasign. I'll go ahead, Sir. " agad na akong tumalikod at akmang hahakbang pa lang nang bigla syang magsalita..

" What did you say? Di ba sabi ko ikaw mismo. " nakakatakot ang boses nya na nagpalingon sa akin, nakatingin na ito at feeling ko ay malulusaw ako. I have to defend myself!

" Pero, Sir.. masama po talaga ang pakiramdam ko. " eh sa totoo naman eh, may balak ata itong patayin ako sa pagod.. ang dami na ngang inutos tapos kelangan lahat ako gagawa eh pwede nam---

" Not my problem. Do it! " at tuluyan na nga akong walang nagawa.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExOnde as histórias ganham vida. Descobre agora