BFTP 31

86.5K 1.2K 9
                                    

Katatapos lang nang pirmahan ng kontrata. Kanya kanyang pwesto sa mga stand up cocktail tables ang mga bisita. Pumwesto kami ni Dave sa isang table, may mga nagseserve ng finger foods. May mga lumalapit sa kanya and as usual pure business ang pinag-uusapan. Nakakailang na nga kumilos.

" Are you okay? Gusto mo na bang umalis? " nag-aalalang tanong nya pagtapos makausap ang mga lumapit kanina.

" Ayos lang ako. " ngumiti ako kaya gumanti din sya ng ngiti. Nilagay nya na naman ang kamay sa bewang ko.

" Kelangan talaga may ganyan pa? " halos mapairap na ako sa narinig kong boses. Half smirk na lumalapit sa amin si Audrey. Pati ba naman dito?

" Why are you here? " parang gulat din si Dave nang malaman na nandito si oud.

" Business? " inilapag nya ang basong hawak sa table.

Napukaw ang atensyon naming tatlo ng may lumapit na tatlong lalaki at isang babae sa amin, sa tingin ko ay mga kaedad lang namin sila. Mga mukhang half pinoy.

" Dave and Audrey? Kayo na ba? " pagbibiro nung isang lalaki nang makalapit na sa amin. Agad kong napansin ang panga nya, ang ganda lang parang nahulma talaga ng perpekto na nagpapadagdag sa kagwapuhan nya. Medyo messy ang buhok at parang abo ang kulay ng mga mata.

Humawak naman sa braso nung lalaki ung kasama nilang babae. Girlfriend nya siguro ito. " Ano ka ba, Toby.. can't you see? Sa isa nakapulupot si Davey. " ang cute nya, lumalabas pa ang dimples habang nagsasalita. Layered straight hair at nakafull bangs. May pagkamorena.

" Bro, would you like to introduce us to this beautiful lady? " lumapit pa sa akin yung isang lalaki na may pagkakulay asul naman ang mga mata. Pinagmamasdan nya ako. Parang ngayon lang sya nakakita ng tao. Napasiksik pa lalo tuloy ako kay Dave dahil naalibadbaran ako sa tingin nya.

" Girlfriend or Fiancè? " tanong naman nung isang brownish ang buhok. Mukhang masayahin masyado ang mga 'to.

Sumabat naman si Audrey. " Of course not! " problema na naman nito?

" Or maybe wife? " sabat naman nung isa. Nag-apir pa silang dalawa habang tumatawa. Mas lalong nanginig sa inis si Audrey.

" Fiancè " halata ang pagkagulat sa mga mata nila nang biglang magsalita si Dave.

Agad na nakarecover si Audrey sa reaction nya at napatikhim. " Fiancè? Really? " napangisi sya ng mapait. " May plano ka pa lang pakasalan ang isang babaeng nang-iiwan? Di mo naman sinabing gusto mo pala ng 'not so sure relationship' huh? " nacurious yung apat at napabaling ang tingin kay Audrey.

" Woah! Relax " ramdam siguro nung lalaking blue eyes ang tensyon kaya nagsalita na sya.

" He-he. Saan muna yung ring, bro? " dagdag pa nung Toby habang kumakamot kamot sa batok.

" Soon. " nakita ko ang pagngisi ni Dave nang sumagot sya. Mas hinihigpitan nya lang ang pagkakahawak sakin. Nagwalk out si Audrey. Bigla namang lumapit sakin yung babae, hinila ako palayo ng kaunti at nagpakilala. Tuwang tuwa pa ang itsura nya.

Tinignan ko naman si Dave at nakita kong nag-uusap na sila nung mga lalaki, mukhang nagkakasayahan na.

Ito namang si Hannah ay wala ng tigil sa kakabato ng mga tanong tungkol samin ni Dave.

Nakaupo ako ngayon kaharap ang isang vanity mirror dito sa kwarto ko. Lumingon ako sa phone ko na nakalapag para tignan ang oras, 5:38 pm na. Ano kayang ginagawa ni Dave?

Hinawi ko ang iilang hibla ng mga buhok ko para iipit sa tenga. Wala pang sinasabi si Dave kung kelan kami babalik sa Pilipinas pero sa tingin ko baka bukas na din kami aalis tutal wala naman ng kelangan pang asikasuhin dito.

My Boss is My Exحيث تعيش القصص. اكتشف الآن