BFTP 23

85.8K 1.3K 16
                                    

Ayan, mukha na akong tao. Ok na siguro itong make up ko, kelangan ko lang naman magretouch dahil sobrang haggard na ang itsura ko. Ang daming inasikaso kanina. Halos lahat ay hindi magkandaugaga sa sobrang busy.

May 15 mins pa bago matapos ang oras ng trabaho ko ngayong araw at dahil maaga ko na tapos lahat nang pinagawa sa akin kaya relax relax na lang muna ako ngayon. Ang usapan namin ni Mike ay dapat sa bahay nya na lang ako susunduin para makapagpalit muna ako pero pinagpilitan pa din nyang sunduin ako ngayon kaya hinayaan ko na lang. Ayokong gamitin si Mike para pagselosin si Dave tutal mukhang wala naman pakelam yung isang yun pero hindi pa din ako susuko sa kanya, not now na napatunayan kong mula nung magkita kami ulit, lahat nang pinigilan kong emosyon for years ay bumigay na lang bigla at habang nagtatagal ay mas lalo lamang lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya kung sana ay ganun din ang pakiramdam nya. I just have to keep distance away from him, sumusobra na kasi sya sa pananakit. Hindi ko na kasi sya maintindihan.

" Saan ka pupunta? " bungad nya agad sa akin pagkalabas ko sa cr. Ngayon ko lang ata nakita ulit yung bakas nang pagtataka sa mukha nya.

" Bakit mukhang nag-ayos ka pa kung uuwi ka lang din naman? " dagdag nya pa. Seryoso na naman ba sya? Anong problema mo?

" Sa pagkakaalam ko ho wala namang masama kung aayusan ko ang sarili ko and isa pa hindi nyo na po kelangang alamin kung saan ako pupunta right after my work. " gulat lang naman ang nagrehistro sa pagmumukha nya ngayon, shemt, bakit kahit ano panggawin nyang ekspresyon hindi nababawasan ang kagwapuhan nya. No way, hindi dapat ako madistract sa kanya. " Excuse me " sabi ko bago sya lagpasan.

Nalagpasan ko na sya ng kaunti nang hawakan nya ang kaliwang braso ko at hinarap nya ako sa kanya.

Matalim ang binibigay nyang tingin. " Just answer my first question. " talagang gusto mo malaman? Alright then.

" I'm going to have some 'good' time with a 'good' friend of mine. Mr. De Vera " kaswal kong sagot sa tanong nya.

" Good time? " pilit syang natawa saglit bago ulit nagsalita. " Manhid ka ba? O sadyang nagpapaligaw ka lang? Hindi mo pa ba napapansing may gusto sya sayo " yung mga tingin nya nakakalusaw, seryosong galit.

" I guess that's not a problem of yours? " pinilit kong magtaray sa kanya.

" Damn. " gigil nyang pabulong.

Napapatingin na ang ibang empleyado sa amin, yung iba pilit umiiwas. Takot lang nilang mapagalitan.

Hinila nya ako papunta sa loob ng opisina nya. Nagulat naman ako sa ginawa nya. He immediately closed the door then he turned around, hinawakan nya ng dalawang kamay ang ulo nya. Para syang frustrated. What's wrong with him? He's acting so weird this past few days.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon