BFTP 10

100K 1.5K 27
                                    

Hanggang ngayon ay nagdadamdam ako sa mga sinabi sa akin ni Dave kanina, di ko akalain na ganun na lamang ang tingin niya sa akin pero hindi ko sya hahayaang makita na masyado niya akong nasaktan, hindi ko ipapakita na mahina ako.. hindi sa harap niya.

Nakaupo na kami ngayon, isang malaking table ang nasa harapan namin. Nagsisimula na magdatingan ang iba pa. Tahimik lang ako dito, habang sya sa tabi ko ay may mga kausap na.

" Your girlfriend? " bigla naman akong napabaling sa tanong ng isang lalaking may katandaan na, tingin ko ay mga nasa early 40's na ito. Hindi ako nagkakamali at sa akin nga nakatingin ang matanda, napalingon naman ang iba pa nilang katabi.

" No, she's my assistant " pormal na sagot naman ni Dave.

" Ohh, really? Doesn't look like one ha.. " Sabi naman ng isang babaeng may katandaan na din na katapat ko sa table, ngumiti naman sya sakin, bilang ganti ay ngumiti din ako.. mukha naman syang mabait

" She's beyond perfect. Di ako magtataka if maging kayo. " saad ng isang lalaki na parang asawa ata nung babae. Sabay natawa naman silang lahat.

" Hey, pinagtutulungan nyo ho ata ako. " pabirong sabi ng boss ko. Marunong din naman pala 'to makisakay

Muli namang nagtawanan ang iba..

" Hijo, wala ka pa bang balak magnobya or should I say mag-asawa? Ayaw mo ba itong magandang dilag sa iyong tabi. " pagtutukoy ng katabing matanda ni Dave.

" Pressure ha. If I'll marry this lady beside me.. will you accept my offer to your company na ba, Mr. Samaniego? " natatawa nyang sagot

" Why not? " mabilis namang tugon ng matanda at tumawa na naman sila. Samantalang ako ay nakikinig lang at ngumingiti sa kanila.

" What are y'all talking about? Baka pwede nyo naman ho ishare " naagaw naman ang atensyon ng lahat, parang pamilyar sa akin ang boses kaya mabilis akong napalingon sa bandang kaliwa ng kabilang side ng lamesa.

" Ohh-- Sofhie? "

" Mike? " bakas ang pagkagulat sa aming pagtawag sa isa't isa.

" You know each other, Mr. De Vera? " tanong naman ng magaling kong katabi

" Of course. " sagot ni Mike habang ngiting ngiti naman itong naglalakad palapit sa katabi kong upuan at nakatingin sa akin

" We're good friends back in the States. " pagpapatuloy nya sa pagsasalita habang papaupo.

" Okay, go ahead.. have some chitchat, mukhang ngayon lang kayo nagkita. Don't mind us. " nakangiting sabi ng isa pang matandang babae.

Nag-usap na nga muli ang iba habang si Mike ay nakatuon na pala ang pansin sa akin, mukhang kanina pa nga ata nakatitig ito sakin.

" Kamusta na Mic Mic? " masigla kong tanong sa kanya pero tila binge ata ito at nakatingin pa din sa akin.

" Uyy, Mike! " mahina ko lamang na pagtawag ulit baka makaagaw ng atensyon kung lalakasan ko pa ang boses ko. Tila wala pa din ito sa sarili

" Hey, Michael? Mike? Cael? Lucas? Luke? Lake? LMNOP? " hala, problema neto? Medyo nainis naman ako dahil para na itong abnormal, lahat na ata ng nickname ko sa kanya ay nabanggit ko na pero wala pa din syang kibo.

" Michael. Luke. De. Vera. Please come back to earth! " medyo may kalakasan at madiing pagbanggit ko na sa buong pangalan niya, mabuti na lang at walang nakapansin.

" H-huh? You saying something? " natawa naman ako ng bahagya.. lutang nga ito.

" Kanina pa ho kita tinatawag.. anong problema mo? " nagtatakang tanong ko

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon