BFTP 6

102K 1.6K 28
                                    

"What!?" pasigaw na tanong ng magaling kong kaibigan. Ikinuwento ko na kasi sa kanya lahat ng pinagsasabi ni Dave. Yan nga, di masyadong halata na gulat sya.

"Can you please calm down?" sabay abot ko sa kanya ng baso para uminom muna ng juice at mahimasmasan.

"Ayan, inumin mo muna para kumalma ka." muli kong sabi.

"How can I calm down? After all the things you've said. Like si Dave ang boss natin ngayon. Kung nagpakita ka lang kasi ng picture niya noon eh di sana alam ko itsura niya. Tapos P.A. ka na niya at ang bongga sa lahat ay- Ako! Ako lang ang babalik sa States and you're gonna be left here. Take note, with him ha with him talaga. Omg! Omg! Omg!" sabay inom ng juice.

"Don't be so exagge. Of course I'm still gonna find some ways para di ako maiwan sa kanya."

"What if di ka makagawa ng paraan ha?" pagtataray nya.  Ano ba itong babaeng 'to masyadong nega.

"Ahm. I-i don't know?" mahina kong sabi. Hindi ko naman kasi talaga alam.

"See? di mo nga alam kung pano. Okay. Ganito na lang." pasuspense pa.

"Ano?"

"Magpapaiwan na lang din ako dito. Magreresign na ko sa CKG, mag-aapply na lang ako dito."

"Huh? you sure 'bout that?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Of course. Hello, we're best friends!"

"Ms. Kayla kanina ka pa po hinahanap ni Sir Villarueva, bakit po ngayon ka lang?" natatarantang litanya sakin ni Maxine.

"Huh? Why?" takang tanong ko naman sa kanya.

" This is your first day po as his personal assistant di ba?"

Nasapo ko naman ng kamay ang noo ko. Oo nga pala, nako!

Dali dali na kong pumunta sa kanya.

At pagkapasok ko sa opisina niya ay mukhang bad timing na naman. I guess he's not in a good mood today. His table is a total mess. Nagkalat lahat ng papers. And what's worst? Is that ang sama ng tingin nya sa akin ngayon. Nakapatong ang dalawa niyang kamay sa table habang nakatayo.

"Where the heck you came from? I've been waiting for you! Madami akong kelangan asikasuhin ngayon at imbis na kanina mo pa ko tinutulangan, late ka pa. Did you forget that this is your first day as my PA?"

I was speechless for a minute, I think 'madness' is his middle name. Like hold on. Nagulat ako sa bigla nyang panenermon pero nakabawi naman ako mula sa katahimikan.

Gusto ko sana siyang sagutin kaso baka mawalan ako ng trabaho agad, mahirap pa naman makahanap ngayon. Makasigaw naman kasi parang wala ng bukas. Wala naman siyang sinabi na madami pa lang gagawin ngayon. Hindi man lang nagbigay ng schedule kahapon tapos ngayon ganyan na sya kaagad. Napaisip tuloy ako. Hindi kaya may pinanghuhugutan ito? Base sa nasearch ko he's good in handling his business. Ang sabi pa nga it's just like a piece of cake for him kahit na madaming ginagawa ay natatapos niya agad. I really think may iba pang pinanggagalingan ang galit nya.

"S-sorry, Sir. I woke up late. Don't worry it'll never happen again." pagpapaliwanag ko pero syempre humirit pa ulit ako.

"And besides. Sir, you've never told me na kelangan ko pong pumasok ng maaga. You didn't give any schedule ng mga gagawin ko po." Alright. may sariling utak ang bibig ko at bigla na lang talagang ganito. Nako.

"Excuse me? Are you blaming me? Bakit di mo kinuha kay Maxine the moment na nalaman mo that you're my new P.A? Ginawa mo na dapat ang responsibility mo and the first thing you should did ay inalam mo ang schedule ko!"

Oo nga naman. Nawawala na ata ang common sense ko. Kasi naman. Napahiya pa tuloy ako.

"Sorry, Sir." ayon na lamang ang nasabi ko at baka ano pa ang maisip ko at mahambalos ko ito!

Grabe lang. Sinasadya niya ata ang pagpapahirap sa akin. Katatapos lang ng lunch break namin at napag alamanan ko na ang mga naging P.A. ni Dave ay sobrang relax lang at hindi napapagod. Yes, ayan ang kwento sakin ng mga katrabaho ko. Ang sabi pa nga nila kaya daw kahit laging galit sa mga P.A. niya ay masaya pa din ang mga yon dahil kaunti lang daw talaga ang ginagawa nila. Like seriously? Bakit kapag ako na, parang talo pa ang pagkastress ng mga college!

Anyway, nagkakanda ugaga na ko dito sa mga papeles na pinapaasikaso sa akin ng magaling na boss.

"Te Odio!" mahina kong sabi habang nagtatype sabay tingin sa mga papers at kopya ng ibang information. Ayy. May ipophoto copy pa pala tyka may kailangan pang iprint. Naguguluhan na ako. Ang dami kong ginagawa!

"Ugh. This is too much!" napalakas ata ang pagkakasabi ko habang nagpophoto copy. Psh. Sana hindi narinig ng lalaking iyon.

Nagulat naman ako ng may nagsalita. Muntikan na akong mapatili.

"Complaining?" Kung isigaw ko kaya sa pagmumukha niyang 'Oo!'

"No, Sir." poker face.

"Good. Bilisan mo na dyan. You must at least finish half of it bago dumating ang helicopter." then lumabas na siya ng pinto.

And yes, helicopter nga dahil may meeting siya sa Batangas at kailangan kong sumama. Dapat si Maxine kaso hindi ko maintindihan kung anong trip niya at ako ang isasama. Kesyo madami daw gagawin si Maxine, kesyo ganto, kesyo ganyan, kesyo aba malay ko!

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExOnde histórias criam vida. Descubra agora