BFTP 18

88K 1.2K 17
                                    

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nung pumunta kami sa Batangas at isang buwan na nga din kami dito sa Pinas. Mamaya na babalik si Tammy sa States, gabi ang flight nya. She'll stay there for at least a week or two para maasikaso na ang lahat bago sya ulit bumalik dito. Ipapasa nya na lang yung resignation letter nya then I don't know may aayusin pa sya tapos short vacation na din daw.

Naapproved naman na ang application form nya sa VilCorp. as a regular employee. Pagkabalik nya ay trabaho na agad kaya susulitin nya na daw dun.

Naglalakad na ako papunta sa entrance ngayon, as usual nagbatian kami ni Manong Ping na guard dito at tulad nang nakasanayan ko, bago ako sumakay ng elevator ay dumadaan ako sa reception para kunin ang kung ano na namang meron para sa akin ngayon. Pagkapasok ko kasi nung kinaumagahan ng sumunod na araw na galing kami sa Batangas ay tinawag ako ni Amanda na receptionist dito tapos may bouquet of red roses syang iniabot sa akin at nakalagay sa letter na kasama nun ay..

" Flowers for a beautiful lady. Hope you like it. Dumaan ka lagi dito para makuha mo ang everyday gift ko for you. Have a nice day. Take care.

Love,

Mr. Unknown "

Di nga ako makapaniwala na may ganun akong matatanggap, and take note kababalik ko lang dito sa Pinas.. sino naman ang nakakakilala sa akin? Tyka sino ang mag-aaksaya ng oras at pera para may maibigay sa aking regalo araw araw, di ba? Tinanggap ko ang bulalak na binigay nun at tinanong kung sinong nagpapabigay pero ang sabi ay dineliver lang daw. Hindi nga ako naniwala na araw araw ay may gift daw pero sa gulat ko ay kinabukasan meron nga dahil tinawag akong muli ni Amanda at nagpatuloy yun sa mga sumunod pang mga araw kaya nasanay na akong dumaan dito sa reception.

Ngayong araw breakfast ang natanggap ko? Hot coffee and pancake, amoy pa lang mukhang masarap na. Napangiti naman ako.

" Ang swerte mo talaga, Ms. Kayla. Ang sweet nang nag-effort nito para sayo. " tila kinikilig pa ang  pagkakasabi ni Amanda sa akin.

" Oo nga eh. Sino kaya sya? Anyway, mauna na ako ha? Have a nice day. " at nginitian ko na lamang sya.

" Hayaan mo Ms. K. kukulitin ko lagi ung nagddeliver at kapag nalaman ko kung sino yang secret lover mo sasabihin ko agad sayo. Hihihi. Sige po, have a nice day din! " masigla nyang sabi sakin. Hyper talaga 'tong isang ito.

Pumunta na nga ako sa elevator at sumakay, may kasabay akong tatlong babae tyka dalawang lalaki. Mukhang mababait naman sila, yung dalawang babae kilala ko dahil kadept. ko sila. Magsasara na sana itong pinto nang biglang bumukas ulit. Nakayuko ako kaya napataas tuloy ako ng ulo at lumingon lingon sa gilid ko nang maglabasan ang mga kasama ko dito. Agad ko namang nakita na nakatayo ang boss namin sa labas nitong elevator. Medyo nataranta naman ako, palabas na din sana ako nang maglakad papasok si Dave at nagsalita malapit sa akin.

My Boss is My ExOù les histoires vivent. Découvrez maintenant