BFTP 15

87.8K 1.3K 10
                                    

I'm now walking down the hallway, buti na lang nakalabas na ako sa opisina nya. Simula nung dumating kanina para maghatid ng lunch ung Oud na yun ay hindi na sya umalis. Naiilang nga ako na naiirita, napahiya kaya ako kanina, nakakainis. Panay pa ang tingin nya kanina at syempre hindi nawala ang paghaharot nya kay Dave. Ano na nga ba ginagawa nila? Ngayong silang dalawa na lang ang naiwan doon.

" Hoy bakla, ayos ka lang? Keri mo pa ba? " nagulat naman ako ng tinapik ako ng Jack na ito na Rose nga sa gabi.

" Ano? " anong keri? ang alin?

" You're namumula kasi ateng. Di mo na keri hotness ni Boss noh? *tumawa sya ng kaunte* Chos! So, ano nga? Whylalush? Binati kita tapos dinaanan mo lang ako. Kanina pa kita tinatawag. Kalerkey ka atey! " Ahhhhh.. ayoko na silang isipin pa, kahit ngayon lang talaga. Ayaw ko muna mastress ng bongga. Tignan mo may nakapansin pa.

Sasagot pa lang ako nang dumating naman si Lea..

" Kay, kamusta trip nyo ni Sir? " Kay? Nung nakaraang araw Lay tawag nya ha? Anyway..

" Okay naman. " ngumiti na lang ako sa kanya.

" Pero why ka tulalaley? Tyka namumuley? " di ata nila ako tatantanan. Nagsimula na kaming maglakad nang mabagal sa hallway.

" Ahh, hindi naman eh? Wala ito. " ano pa ba isasagot ko, alanganamang umamin ako di ba?

Tumigil ako saglit para harapin silang dalawa. " Teka nga, may trabaho pa kayo di ba? Gusto nyo bang mapagalitan ni Mrs. Gondsa? Uuwi na kaya ako noh. " at para tantanan na muna nila ako ay ginawa ko ng panakot ung masungit naming head sa dep. Tignan lang natin kung hindi pa sila maawat.

Binigyan nila ako ng masamang tingin. Hala, ano naman ginawa ko? Parang sinabi lang eh. Tinulak ako ng marahan ni bakla " Aish, ikaw te ha tinatakasan mo lang ang mga tanong namin. "

" Oo nga, nananakot ka na agad ngayon. " gatong pa ni Lea sa sinabi ni Jack.

Natawa naman ako ng bahagya. Eh sa totoo naman kasi. Nagring yung phone ko kaya di na ako nakasagot sa kanila dahil kinuha ko na agad ito sa bag ko at pagtingin ko nga sa screen, ang caller lang naman ay ang mahal kong kaibigan. Bago ko ito sagutin ay nagpaalam na ako sa kanila. Nagpaalam na din naman sila at nagmadali na nga nang lakad, mukhang natakot nga na mapagalitan ni Mrs. Gondsa.

Sinagot ko na ang tawag at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

" Tam, bakit di ka pumasok? " bungad ko sa kanya.

" Eh ikaw? Bakit di ka pa umuuwi? Aba akala ko kanina pa kayong umaga nakabalik? Di ba dapat diretso ka na dito? Sabi ni Blesh kanina ka pa daw nandyan sa office? *ako pa ang nasermunan ngayon ha, ang haba naman ng litanya nito. Sya nga ang tinatanong ko di ba?

Pumasok na ako sa elevator. Ako lang mag-isa. " May kailangan pa kasing tapusin kanina kaya nagstay muna ako. And by the way, may mga kwento ako sayo mamaya. "

" Fine. Anyway, I can't wait sa ikukwento mo. " nailayo ko ng kaunti ung phone ko sa tenga ko, paano ba naman kasi ay nagulat ako sa pagtili ng kausap ko. " O.my.gosh.! Wait, don't tell me nagkabalikan na kayo agad? " tumili ulit sya pero bigla ding tumigil na para bang hindi makahinga ng maayos, may sira talaga ito. Kahit hindi ko sya nakikita ngayon, alam kong pinapaypay nya na ung isa nyang kamay sa kanya " Ang bilis ha! " habol pa nya, pag-iisip nga naman neto oh. Napapoker face na lang ako.

" Ano ka ba, syempre hindi. At malayong malayo ang mga nangyari sa mga iniisip mo. Sige na, sige na, I have to go. Mag-usap na lang tayo mamaya. And mag-eexplain ka pa kung bakit di ka pumasok ha!? "

" Aryt. Ciao! " at ganun na nga lamang natapos ang pag-uusap namin. Sakto namang bumukas na ang elevator, naglakad na ako palabas habang pinapasok itong phone ko sa bag. Pag-angat ko ng tingin ay may nakita akong pamilyar na papasok sa entrance nitong building. Siningkitan ko ang mga mata ko para mas makita ang taong iyon, medyo blurred na kasi ang vision ko. At mukhang tama nga ang iniisip ko.

Agad namang nakalapit ang lalaking tinutukoy ko.

" Hi " masigla nyang bati.

" Hey, what are you doing here? Nakabalik ka na din pala? May appointment ka ba with Mr. Villarueva? " medyo kunot noong tanong ko sa kanya.

" None. Gusto lang kitang sunduin. Bawal ba? " huh? bakit naman? ah, baka ngayon nya na ako gustong ayain sa labas, pero teka kababalik lang namin dito. Pahinga naman noh.

" W-why? Kaya ko namang magtaxi mag-isa tyka if ngayon ka magyayaya lumabas. Please Mikey, other day na lang. I just want to have some rest today. " lumungkot ng kaunte ang mukha nya pero agad din naman syang ngumiti kahit papano.

" Di naman kita yayayain lumabas. Gusto lang talaga kitang sunduin. Alam ko namang kelangan mong magpahinga dahil kagagaling mo lang sa sakit. I'll give you a ride. Tara na! " nag-umpisa na sya maglakad. Agad ko namang hinawakan ang kanang braso nya para pigilan sya.

" Wag na. Kaya ko naman eh. Salamat na lang. " binigyan ko na lamang sya ng ngiti.

" I insist. I'll take you home. Come on, Sofhie. " nilahad nya ang braso nya. Sige na nga sasabay na ako sa kanya, di naman sya ibang tao eh tyka nakakahiya kung mag-iinarte pa ko. Ikinawit ko na ang left arm ko at nakita kong napangiti sya ng malaki. Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now