BFTP 17

87.8K 1.2K 8
                                    

" Sure ka? Ayaw mo na magdinner dito? Malapit naman ng matapos yung niluluto ni Manang eh. " sabi ko kay Mike, paano nakipagkwentuhan lang sya ng kaunti at nakipag-asaran kay Joyance tapos ito nga ngayon at aalis na agad.

" No, Thanks. May kelangan pa kase akong tapusin saglit sa office then uuwi na din ako. "

" Hayaan mo na sya, friendship. Malaki na yang MIKEketong na yan. " lunapit sa tabi ko si Tam sabay cross arm nya pagkaharap kay Mike. Nako, nang-asar na naman.

" Ewan ko sayo, TAMaraw " sagot naman nung isa at umiling iling pa.

" Whatevs. "

Nagsalita na ako at baka mapahaba pa ang kaabnormal nila. " Sabi ko naman kase sayo Michael, huwag mo na akong ihatid. Tignan mo may gagawin ka pa pala. Gabi na, dapat magpahinga ka na. 

"

Siniko naman ako ng katabi ko. " Hey, someone's concern here. Kinikilig na yung isa dyan. " panunukso nito sa amin. I just rolled my eyes.

" Ayos lang naman. Just like what I've said, saglit lang ako dun. Unti lang naman ung aasikasuhin pa. Don't worry " Ngumiti naman sya ng abot tenga.

" Oh, why are you smiling like that? " nagtataka kong tanong sa kanya para kasi syang ewan.

" Kinikilig nga kase. " singit na naman ng katabi ko.

" Wala lang. Concern ka kasi eh. " aba!

" Ewan ko sayo, concern as a friend yun. Sige na, umalis ka na para matapos mo na agad ung mga kelangan mong gawin at makauwi ka ng maaga. " sabi ko na sa kanya.

" Fine. Relax, alam ko naman.. wag mo nang ipamukha, masakit oh. " sabay hawak sa bandang kaliwa ng dibdib nya at umaaktong nasasaktan. Mukha nga syang nagbibiro pero alam kong deep inside nasasaktan talaga sya. Ayoko naman syang paasahin kaya mabuti ng alam nya.

Hinampas naman sya ni Tamara sa braso. " MIKEketong, alis na. Ang drama mo! " sabay tinulak tulak pa.

" Teka nga, kanina ka pa ha. Pasalamat ka babae ka. " ito na naman tayo.

" So? Dun ka na nga "

Binuksan na ni Mike ang pinto ng kotse nya at bago sya tuluyang pumasok ay tumingin muna sya sakin. Seryoso ang itsura nya. Saglit lang naman yun then umiwas na sya. Nagpaalam lang sya ulit at umalis na nga.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now