BFTP 42

65.7K 969 21
                                    

Nararamdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ng isang kamay sa akin. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata, medyo malabo pa ang paningin ko. Naaninag kong tumayo ang isang lalaking nakahawak sa kamay ko na sa tingin ko ay si Dave.

Narinig ko ang boses ni Tito Gregg at ipinatawag nya kay Xander ang doktor.

Lumilinaw na ang paningin ko. Yumuko sya para mas mailapit ang sarili sa akin. Hinaplos nya ng marahan ang ulo ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pinaghalong pag-aalala, lungkot at kaba.

" Thanks God, you're finally awake. " para syang takot na takot na hindi ako magigising.

Kahit pa nakatitig kami sa isa't isa ay nakikita ko sa peripheral vision ko ang sabay sabay na paglapit nila Tamara.

" Dave.. " mahinang pagtawag ko sa kanya. Medyo nanghihina pa ako, wala pa din akong lakas.

Hinaplos nya lang muli ang ulo ko at binigyang halik sa aking noo.

" Oh my gosh, ija. Natakot kaming lahat kanina. " medyo nanginginig pa si Tita Sandra nang magsalita.

" Are you feeling fine now, Ate? " mukhang ninenerbyos din ang boses ni Shevi.

" Friendship naman e, para akong aatakihin kanina. " nakahawak pa talaga sya sa dibdib nya na para nga bang aatakihin.

Ngumiti ako sa kanila at pinilit magsalita. " I'm fine. Wag kayong mag-alala, wala lang ito. " sa pagkakataong ito, alam kong may mali na. Natatakot na ako pero hindi ko kailangan pang ipakita.

Maya maya lang ay pumasok na si Xander at ang isang nurse. Lumingon ang lahat sa kanila. Pumwesto lang sa gilid si Xander samantalang lumapit naman sa akin ang nurse.

" Excuse me, Ma'am.. I'll just check your vital signs. " tumango na lang ako.

" Ahm, Miss where's the doctor? " tanong ni Tita.

Tumigil muna ito saglit sa ginagawa sakin at tumingin kay Tita Sandra.

" She'll be here in a minute po. Dinaanan lang po yung ibang results. " at bumalik na sya sa pagchecheck.

Eksaktong pagtapos ng nurse ay pumasok ang isang lalaking doktor.

" Do you feel anything wrong, Ms. Llanes? " pagtatanong muna nito sakin.

" Sa ngayon po, wala naman Doc. "

Nasa tabi ko pa din si Dave nang magsalita sya. " Doc, how is she? Is there any problem? " nag-aalala pa din sya.

Nag-iba naman ang facial expression ng doctor. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko.

" Ahh about it. I'm sorry but unfortunately.. " tumingin ito sa akin.

" You have A L L or what we also called as Acute Lymphocytic Leukemia. Well, it is a type of cancer of the blood and bone marrow... " Para gusto ko ng lamunin ng lupa ngayon. Hindi ko na maintindihan ang mga sumunod pang sinabi ng doktor. Natutulala na lang ako. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko. Hindi nga ako nagkamali, nagbalik na namang muli.

Naramdaman ko ang unti unting panghihina ni Dave dahil dahan dahan nya nang nabibitawan ang kamay kong hawak nya ng mahigpit kani kanina lang.

Napalingon ako sa kanya. Natutulala din sya katulad ko, parang hindi magsink in sa utak nya ang mga sinasabi ng doktor. Oo, masakit malaman na may karamdaman na naman ako pero bakit parang mas masakit ata ang nakikita ko ngayon kay Dave? Ako ang nanghihina para sa kanya.

" Dra. Grace Tamayo will be here later to explain everything about Ms. Llanes' condition. She's her doctor actually.. well, I guess you all know that, right? So talagang sya ang nakakaalam lahat. " Yun na lamang ang narinig ko na sabi ng doctor bago ito umalis.

Pagkalabas nya ay nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Tinignan ko sila isa-isa. Maski sila parang nawala sa sarili. Si Tam nakatingin sa akin, parang gusto nya magsalita o magtanong pero hindi nya magawa.

Narinig ko ang pagsinghap ni Dave kaya agad akong napalingon sa kanya.

" Excuse me.. " mahina pero may diin nyang sabi sa aming lahat.

Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa tuluyan na syang makalabas ng pinto.

Hindi ko alam pero bigla na lang kumawala ang luha sa mata ko hanggang sa sunod sunod na at napapahikbi na ako. Hindi ko na ata kinaya ang bigat ng emosyon na dala ko. Lumapit si Shevi sa akin at inalo ako. Nagsilapitan na din silang lahat para patahanin ako.

" Everything will be alright, wag ka ng umiyak ija. " rinig kong sabi ni Tito.

" Friendship.. " humihikbi na din si Tam.

" He just need some fresh air. Babalik din sya. " sabi naman ni Tita.

Kanya kanya pa sila ng mga sinasabi para tumigil na ako sa kakaiyak.

Mag-iisang oras nang wala si Dave. Iniwan nya na ba ako? Ayaw nya na sakin? Sumusuko na agad sya? Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng mga katanungan sa sarili ko.

Pero alam kong hindi, hindi nya gagawin yun. Babalik si Dave. Kinailangan nya lang talaga siguro ang mapag-isa.

Nahihirapan na ako sa sitwasyon ko pero kakayanin ko 'to. Susubukan ko.

Sana lang ay hindi magalit sila Dave kung sakaling malaman nila ang mga sasabihin ni Dra. Grace mamaya. Alam kong mauungkat ang tungkol sa sakit ko sa nakaraan. Ang paglilihim ko.

Sana ay maintindihan nya. Sana hindi nya ako iwanan dahil ngayon pa lang sigurado na ako na kahit anong mangyari ay hindi na ako ang bibitiw sa kanya. Hindi ang sakit na ito ang muling hahadlang sa amin.

---

Susme! Magpapasukan na.. baka ma-on hold pa ito :/

Thursday naaa!

Ugh.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now