BFTP 41

67.1K 1K 25
                                    

" Tam, baka gusto mong bilisan ang pagmamaneho? baka maabutan tayo ng pagong e. " paano ang bagal nya magdrive, nakarating na ata yung truck na naghakot ng mga gamit ko tapos kami wala pa sa kalahati ng daanan galing sa bahay niya.

Hininto nya ang kotse sa gilid. Pati paglingon sa akin ay naapektuhan din ng katamaran nya, dahan dahan pa talaga. " Ikaw na lang gusto mo? " sabay lahad sa steering wheel. Pilosopa!

" Umayos ka nga, bilisan mo na kasi. " ang aga aga ganito sya.

" Yun na nga, ang aga aga pa! Inaantok pa ko te " nanlaki ang mga mata ko, nabasa nya ba ang nasa isip ko?

" Dalian mo na lang baka nag-aantay na sila dun e. " napapakamot na ako sa batok ko.

" Ito na nga di ba? " wala namang pinagbago yung bilis ng kotse. Hay nako!

Maya maya ay tumunog ang cellphone nya. Tinitignan ko lang sya habang nagsasalita.

" Ohh? Okay. "

" Aryt. Aha! "

" I understand. hmmm " tango lang sya ng tango habang sumasagot sa kausap nya na hindi ko naman alam kung sino.

Nanahimik sya sandali bago sumilay sa pagmumukha nya ang abot langit na ngiti. Anong meron?

" Omg! Okay. Okay. Bye " para na syang kinukuryente. Sinulyapan nya lang ako saglit bago binilisan ang pagmamaneho.

" Hoy, dahan dahan naman.. Ano bang meron? " napahawak na ako sa pinto. Susme!

" Sabi mo di ba? " hindi na sya nagtapon ng tingin sa akin pero nasulyapan ko ang nakakaloko nyang pagngisi.

" Ano bang meron at AYY bigla kang nabuhayan ng dug-dugo? " makarating pa ba kami nito ng ligtas at maayos sa condo ko.

Hindi nya na ako sinagot at nagfocus na lang sa daanan. Nakarehistro pa din sa itsura nya ang kasiyahan. Ako naman ay nakafocus sa pagdadasal na sana makarating kami ng buhay.

Pagkadating namin sa lobby ng condominium  ay sinalubong agad kami ni Shevi. Ang laki nga ng mga ngiti nya. Para syang uod na nilagyan ng asin na hindi mapakali.

Walang pinagkaiba ang ngiti niya sa ngiti ng kaibigan ko.

" Ate Kaylaaa! " sabay yakap sa akin ng madiin.

Pagkalas nya mula sa pagkakayakap sakin ay humarap sya kay Tamara sabay abot ng kamay. " Hi, I'm Shevi. You are? "

" Tamara. " nagshake hands silang dalawa sabay beso at nagbulungan, dahil malakas ang pandinig ko ay narinig ko naman ang sinabi nila.

I bet you already know about it, Ate Tamara?

Tinap ni Joyance ang likod nya.

Well known..

" So close na kayo nyan? " naghiwalay na sila. Kinawit ni Shevs ang braso nya sa braso ko at nagsimula ng maglakad. " Ikaw talaga Ate. Selos agad? " natatawa na lang kaming tatlo nang pumasok sa elevator.

May labing limang palapag ang gusaling ito kasama na ang pinakarooftop, sa 10th floor pa ako.

Nasa gitna ako ng dalawang ito, at kanina ko pa naririnig ang bungisngisan nila.

Nilingon ko si Shevi.

" Tell me Shandra Devi Villarueva.. What do you mean by your message, saying that you can't wait to see me and hear me cry as I answer? " I said as I fiercely command her to tell the truth.

Eksakto namang bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na kami.

" Ano na? " pangungulit ko pa din.

Wala ata syang balak mag-explain sakin dahil ang itsura nya ay parang inosente na walang naririnig pero nakangisi habang naglalakad kami.

Sumingit naman sa pangungulit ko si Tam.

" Friendship naman, relax pwede? Bawal mastress. Kelangan blooming. " bumungisngis na naman sya. Makakasapok na talaga ako ng tao.

Narinig ko din ang pagsabay na ng tawa ni Shevi.

" Ugh.What is wrong with the two of you? " binilisan ko na ang paglalakad.

" Hey, wait lang ate! "

" Friendship, waiiit! "

Malapit na ako sa pinto nang makaramdam ako nang matinding pagkahingal, parang bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko.

Naabutan na nila akong dalawa, pinilit kong ayusin ang itsura ko kahit na may nararamdaman na.

Ako na mismo ang humawak sa door knob at ipinihit na iyon. Gusto ko na munang maupo.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita ko sila Tito, Tita at Xander sa loob. A-anong gi-ginagawa nila dito? Nasaan si Dave?

Ang lalaki din ng mga ngiti nila. Nakapasok na ang ilan sa mga gamit ko, nakaayos na nga e. Ngayon ko lang napansin ang nagkalat na madaming petals ng rosas pero hindi ko muna iyon pinansin lahat bagkus ay hinanap ko ang kanina ko pang gusto.

Natagpuan na ng mga mata ko ang sofa, gusto ko ng lumapit at maupo doon kaso ay sinalubong pa ako nila Tita ng yakap.

Mas lalong akong nahihilo. Parang mandidilim na ang paningin ko. Bumibilis ang pintig ng puso ko na parang hinihingal na nga.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Lahat sila ay tumingin na doon. Dahan dahan akong lumingon para masilayan ang kung sino man iyon, baka ba kasi si Dave na iyon.

His wearing his unknown angelic smile. Nakita kong may bitbit syang bouquet of flowers at mukhang may hawak pang maliit na bagay sa kabilang kamay.

Kahit parang babagsak na ako ay nananatili akong matatag na nakatayo.

Narinig ko ang mahinang pagtili nila Shevi at Tamara nang makalapit na ng tuluyan si Dave sa akin.

Nanghihina na talaga ang buong katawan ko.

Tinitignan niya lamang ako ng mata sa mata. Sa totoo lang ay hindi ko na sya makita ng malinaw ngayon, lumalabo na ang paningin ko pero hindi ko pa din ganun ipinahahalata sa kanya at sa kanila.

" Love, we've been through a lot and I don't think na kaya ko pang palagpasin ang pagkakataong ito. I don't have much to say because words are not enough for me to explain my true feelings for you. "

Lumuhod na sya. Hindi ako makangiti. Kung sa ibang pagkakataon ay kinikilig na siguro talaga ako pero sa ngayon..

" Sofhina Kayla Diego Llanes, will you.. marry me? "

Nanlabo na talaga ang paningin ko. Parang pagod na pagod ang katawan ko at pabagsak na.

Narinig ko na lang bago tuluyang mawalan ng malay na isinisigaw nila ang pangalan ko at parang natataranta na ang mga boses nila..

---

ANO NAAAAAAAA!? xD Comment comment din ho noh? ;)

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now