BFTP 20

85.8K 1.2K 31
                                    

Dumiretso na agad ako sa pantry bago pa ko magwala nang tuluyan dahil sa lalaking yun. Makatanong naman siya kung marunong ako, parang hindi naman nya alam. Kung magpatimpla nga sya sakin ng kape noon akala mo mauubusan lagi.

Umupo muna ako habang hinihintay ung pinapainit kong tubig. Nakatunganga ako ngayon dahil nakalimutan kong bitbitin ang cellphone ko. Medyo may kalakihan itong pantry at ang pwede lang pumunta at gumamit dito ay ang CEO, assistant which is me at syempre pati na din ang secretary na si Maxine.

Habang pinipilit kong magrelax ay hindi ko mapigilan ang mapaisip, eh kung lagyan ko kaya ng lason itong coffee? Pero wag na lang, sayang naman ang isang babaeng maganda na tulad ko kung hahantong lang ako sa presinto.. teka nga, lumalabas na naman ang over confidence kong side mukhang nahahawa na ako kay Tam. Anyway, hindi ko na lang din sya lalasunin dahil may kasalanan pa ko sa kanya noon at kelangan pa naming makapag-usap para maexplain ko lahat lahat na sana naman ay maintindihan niya. Alam kong hindi pa ngayon ang tamang oras para gawin ko iyon kaya titiisin ko muna itong pagpapahirap niya sa akin kapalit na din ng sakit na dinulot ko sa kanya nang iwanan ko siya. Tumigil naman ako sa pag-iisip at tumayo na ako para magtimpala ng kape.

Palabas na ako nang dumating naman si Maxine. " Ms. Kayla? Bakit po ikaw ang nagtitimpla ng kape? " mukhang namamangha ang tingin nya sa akin.

Ngumiti muna ako sa kanya. " Assistant eh. " may halong pagkasarkastiko ang sagot ko.

" Kaw talaga, Ms. Kay " natawa sya ng kaunti. " Hindi lang po siguro ako sanay na makita na ikaw ang pinagtitimpla ng kape ni Sir. "

Ngumiti na lang ulit ako sa kanya. " Sige, dalhin ko na 'to dun. Mauna na ako. "

" Sige po. "

I took a very very very deep breath before I opened the door, may hawak syang isang bukas na folder sa kaliwa nyang kamay at nakatingin sa computer screen, busy pa din pala siya. Napatingin sya sa akin pagkapasok ko nang tuluyan.

" Ano pang tinitingin tingin mo? Give me my coffee. " ang sungit ng tingin nya. Kanina naman mukha lang syang stress pero hindi ganyan kasungit. Siguro ay may problema ito ngayon.

Lumakad na ako palapit sa kanya. " Here you go, Sir. " pagkalapag ko ay kinuha nya na ito.

Halos mabuga naman nya ang ininom na kape sa desk nya. Hala, masarap naman yun ha. Kahit galit ako o masaya, hindi naman naaapektuhan ang lasa ng ginagawa kong kape o niluluto ko. Tyka yan pa nga ung gusto nyang lasa noon ah.

" Ano ba naman 'to! " muntikan na akong mapatalon sa gulat sa lakas ng boses nya.

" Why does it taste like this? Marunong ka ba magtimpla ng kape ha? " ang lakas pa din ng boses nya.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now