BFTP 44

72.7K 930 10
                                    

Umuwi muna ang lahat kagabi para magpahinga maliban lamang kay Dave, kakaalis nya lang ngayong umaga para dumaan sa kompanya dahil may mga importanteng bagay syang kailangang ibilin dun. Pinabili ko na din sya ng makakain ko, nagrequest kasi ako ng McDo foods. Siguro'y dadaan na din yun sa condo nya para makapagpalit ng damit.

Hindi naman ako inaantok dahil kakagising ko lang kanina, kaya ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko sana bumaba para maglakad lakad dun sa garden nitong ospital kaso ay mas nadagdagan na ang panghihina ng katawan ko ngayon.

Itinaas ko ng bahagya ang pwesto nitong kama ko, manonood na lang siguro muna ako para malibang kahit papaano.

Kinuha ko na ang remote sa gilid ng kama ko, pipindutin ko na sana para buksan yung tv ng biglang may kumatok. Isa pa muling pagkatok at bumukas na ang pinto.

Nakita ko agad ang dumungaw na si Mike, mabilis akong natagpuan ng kanyang mga mata pagkatapos nyang tignan ang paligid ng kwarto.

" Sofhie.. " punong puno ng lungkot ang mga mata nya. Ako tuloy ang naaawa para sa sarili ko.

" Mike, a-anong ginagawa mo dito? " pero binalewala nya lang tanong ko at lumapit sya sakin, pinagmasdan nya ako saglit bago muling nagsalita. "  So totoo nga ang sinabi ni Tamara. " that girl again, ang daldal talaga.

" Maupo ka nga muna. " nakakailang na naman kasi. Titig na titig lang sya sakin.

Muli nya lang ipinawalang bahala ang sinabi ko. " And why didn't you tell me about your relationship with Alexander? Pinaasa mo ko, Sofhina.. all along I thought that you're still single. You don't even know how much pain it cause me when I knew about it. " hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Dapat talaga noon ko pa man nabanggit sa kanya.

" Hindi kita pinaasa, alam mo yan.. " tumingin ako ng diretso sa kanya. Totoo naman e. " Okay sorry if hindi ko nasabi sayo but I guess hindi kita kelangan iinform tungkol dun dahil una pa lang nalinaw ko na sayo na wala kang pag-asa, Mike. " parang mauubusan na naman ako ng hangin. Kahit hindi pa man ako ganun kagalit ay kailangan ko na agad maghabol ng hininga.

" Mike, please let's just not talk about it. " madali na akong manghina kaya I need to take care of myself. Hindi ko dapat hayaang maistress lang agad ako ng ganito.

Ilang minuto syang nanahimik at iniba na ang usapan. " Wala bang nagbabantay sayo? Where's that Villarueva, huh? " naiirita nyang sabi habang awang awa na nakatingin sa akin.

" Of course, meron. Umalis lang sandali si Dave, nandito na rin sya mamaya. " mahinahon kong pagkakasabi.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya habang nakakunot ang noo.

" Umupo ka na nga muna. Tyka pwede ba wag mo nga akong tignan na parang naaawa ka. O come on, Mike.. I'm perfectly fine. " parang natawa naman ako ng mapait sa isip ko, ang lakas ng loob kong sabihin na ayos lang ako samantalang alam ko naman talaga sa sarili ko na hindi.

" Fine? Ganyan ba ang itsura ng maayos? Have you looked at yourself, Sofhie? Ang putla putla mo and can't you see those bruises on you? " nagpipigil sya ng galit. Bruises? I check on myself and tama sya may mga ilan ilan ngang maliliit na pasa ang banda sa braso ko. Natatakot tuloy ako lalo kapag nakakakita ng mga ganito sa akin.

Magsasalita sana ako ng may pumasok na nurse sa room. " Ayy, sorry for disturbing you, Ma'am.. Sir. Ibibigay ko lang po itong mga gamot na kailangang bilhin sa baba. " inexplain nya pa sa amin bago sya umalis.

" Give me that prescription, I'll buy you those medicines. " sinusubukan nya ng maging marahan ang tono ng pagsasalita.

" Wag na, si Dave na lang.. " sabay baling ko sa side table at ilalapag sana yung reseta sa akin.

My Boss is My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon