BFTP 12

88.9K 1.4K 19
                                    

Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan ngayon dahil may problema daw yung elevator kaya inaayos pa. Dahan dahan lang ang paglalakad ko, sumasama lalo pakiramdam ko.. kasalanan nya ito eh. Bahala sya kung matagalan man ako, hindi naman sya yung may sakit eh.

Pagkababa ko ay dumiretso na agad ako sa isang coffee shop dito, good thing wala masyadong tao.  Sa di kalayuan ay mukhang may nagkakasayahan, parang may party..

Pagkarating ko sa counter ay tinignan ko na agad ung mga nasa list. Ang daming pagpipilian, I know some of it.. couldn't believe na meron na din pala dito sa Pinas ang ibang coffee na sa other country mo lang matitikman.. no doubt na masasarap lahat and of course ang presyo ay tumatagingting na mahal na naman. Di naman maarte pagdating sa kape si 'Sir Villarueva' kaya ako na ang pumipili.

" A french press of komodo dragon blend " yun na lang. It's really awesome, kaya nga isa yun sa mga paborito ko.

" Okie, Ma'am " then umalis na yung babae. Umupo muna ako saglit habang naghihintay.

I'm checking my phone, at puro si Tam lang naman ang laman ng messag-- Oh, wait.. nagtext din pala kanina si Mike, he's asking kung pwede na ba talaga ako mamaya. I was kinda shocked dahil may biglang umupo sa kabilang side ng table ko kaya naman bigla akong napaangat ng tingin.

" Heeey! " bati ng kaharap ko sa akin.

" Hi, what are you doing here? " si Mike lang naman

" I texted you kung pwede ka na ngayon, but you didn't reply. Buti na lang nakita kita dito.. Ahm, andun ako kanina sa party. It's open for everyone, sama ka! " pagpapaliwanag nya at nag-aya na nga din.

" Sorry, Mike pero medyo busy ako ngayon eh. " matamlay kong sagot

" Akala ko ba pinayagan ka na ng boss mo? " nagtatakang tanong niya.

" Yeah, but unfortunately may bigla syang pinagawa and he needs it immediately kaya kelangan ko pa magfocus dun. "

" Okay. Siguro pagbalik na lang talaga natin sa Makati? " he asked me while smiling.. makikita mo sa mga mata nya na umaasa syang 'oo' ang isasagot ko.

" Sure, sure. Why not! "

" Wait, you look pale. Are you okay? Alam mo wag ka munang magpakastress ngayon. " mahahalata mo talaga ang pag-aalala sa kanya.

" No, I'm okay " pagsisinungaling ko. " Madami pa akong aasikasuhin na papers and isa pa may pupuntahan pa ko. "

" You know what? That's too much.. halata namang pagod ka na at parang may sakit. Magpahinga ka muna. Alam ba yan ng boss mo? "

" Yes, alam niya pero I'm really fine. Don't worry. " ngumiti ako ng bahagya.

" Sasamahan na lang kita sa pupuntahan mo para sure na magiging okay ka lang. Ohh, bawal tumanggi! " ang kulit talaga neto.

" Alright. " pagsuko ko.

Muli na nga akong bumalik sa taas para ibigay ang coffee ng magaling kong boss, naghihintay naman sa lobby si Mike.

Pagkapasok ko sa room ni Dave ay nakaupo pa din sya dun at busy sa pagtatype sa laptop nya.

" Here's your coffee, Sir. " nilapag ko ito malapit sa kanya. At lumakad na din palayo. Bubuksan ko na sana yung door knob ng magsalita sya.

" You can have some rest. Mamaya mo na lang puntahan si Mrs. Defrino " walang buhay nyang sabi.

Ngayon niya pa naisip yan. Hindi pwede, ngayon ko na lang pupuntahan tutal gusto nya naman talaga akong pahirapan di ba? Napangiti naman ako ng mapait sa salitang 'pahirapan' oo, yun naman talaga eh. Wag na syang umarteng concern. Akala nya siguro kapag pinahirapan nya ako, masasaktan din ako, na mararamdaman ko din yung naramdaman nya noon. Hindi nya lang alam matagal na din akong nasasaktan..

" I can handle it. Gagawin ko na para matapos agad. " walang buhay ko ding sabi sa kanya. Gustuhin ko mang magpahinga na dahil nga hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, mas mabuti na sigurong tapusin ko muna yun at baka umalis pa si Mrs. Defrino mas lalo lang akong mahihirapan maghanap. Magpapahinga na lang ako pagtapos ko pumunta dun.

" Pinagpapahinga ka na nga, nag-iinarte ka pa. " nagpintig naman agad yung mga tenga ko sa narinig ko kaya lumingon ako agad sa kanya, nakatayo na sya sa gilid ng table nya na napara bang nakasandal habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod na nakapatong sa mesa at bahagyang nakalingon sa akin.

" Eh, di ba ito naman ang gusto mo? Pahirapan ako? Don't act like you're concern. " may bahid na galit kong sabi sa kanya.

" Ohh, so now nagpapakadakila ka ng assistant? Alright, go ahead.. I'm sure habang papunta ka dun susulitin mo na ang oras habang kasama mo si Mr. De Vera. " galit na din ang tono niya

What the? Pano nya nalaman? Tyka ano bang klaseng utak meron 'to? Bakit ganyan sya mag-isip! Lalong sumasama pakiramdam ko sa kanya. Ang sakit na lalo ng ulo ko.

" Ginagawa ko na nga yung trabaho ko. And what are you saying? Paano mo nasabing kasama ko si Mike!? A-ano bang problema mo? "

" Yah right. Just keep on denying. I have my own ways. " sabay talikod at balik sa upuan niya.

Ayoko ng makipagtalo pa at kahit mag-explain ako, sarado lang ang tenga at utak nyan kaya hindi sya makakaintindi.

" Bahala ka. I'm just doing my job. " pabulong kong sabi pero alam kong kahit papaano ay narinig nya yun. Lumabas na agad ako.

---

Tumayo agad si Mike mula sa pagkakaupo sa sofa dito sa gilid ng lobby. " Ayos ka lang ba talaga? Parang lalo kang namutla. " salubong naman niya sa akin.

" Oo nga. Let's go. " pag-aaya ko na sa kanya.

Habang naglalakad kami papunta sa tinutuluyan ni Mrs. Derfino ay nakaramdam na ako ng matinding pagsakit ng ulo, umiikot na ang paningin ko, nanghihina ako na para bang babagsak na ang katawan ko at ang huli ko na lang naalala ay ang pagtawag ni Mike sa pangalan ko.

( 3rd Person's POV )

Agad naman syang nasalo ni Michael, ipinunta nya agad ito sa kanyang tinutuluyan.

" Sabi ko na eh, pwedeng mangyari 'to Ang tigas naman kasi talaga ng ulo mo. " pabulong na sabi ng binata sa sarili habang inihihiga nya si Kayla.

Kadarating lang ng doctor na tinawag nya para tumingin kay Kayla. Habang chinecheck pa ang dalaga ay tinawagan na ni Mike si Dave para sabihin ang nangyari.

Sinabi lamang ng doktor na kailangan ng dalaga ng pahinga dahil masyado daw itong stress at may lagnat na nga. Nagbigay muna ito ng reseta ng mga ipapainom na gamot bago tuluyang umalis. Sakto naman na kadadating lang ni Alexander.

" How is she? Ibabalik ko na sya room. " bungad agad ng binata kay Michael.

" Anong klaseng boss ka ba? You already know that she's not feeling well tapos ang dami mo pang pinapagawa. " galit na tugon niya kay Dave.

Tinignan naman siya nito na parang nairita sa mga sinabi.

" I'll take her. " madiin nyang sabi then lumapit na sya sa wala pa ding malay na dalaga at binuhat ito.

" Ako na muna mag-aalaga sa kanya baka lalo pa syang mapaano sayo. " saad ni Michael.

Binigyan sya ni Dave ng matalim na tingin. " She's my responsiblity. I can handle it. "

Wala ng nagawa pa ang binata at may galit na inabot ang reseta ng doktor. " This is your fault. Make sure na magiging maayos siya. " nanggigigil na saad ni Mike sa kanya.

Kinuha ni Alexander ang inabot sa kanya at nilagpasan na lamang niya ng lakad si Michael at lumabas na ng pinto.

Read. Comment. Vote.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now