BFTP 30

96.2K 1.3K 20
                                    

Nakasandal ang ulo ko sa kanya habang nakaakbay sya sa akin. Pinaglalaruan lamang nya ang kamay ko na kanina nya pa hindi binibitawan.

" Hmm, malayo pa ba? " tanong ko sa kanya pagtapos ko ayusin ang pwesto ng ulo ko sa balikat nya para mas komportable ako.

" Malapit na. " pinagpatuloy nya lang ang ginagawa nya.

Nagmuni muni pa ko bago ko ipinikit ang mga mata ko, gusto ko lang ifeel ang lahat. Ang sarap sa pakiramdam yung ganito, yung magkaayos na kami. Hindi ko nga inaasahan na magkakabati kami dito. Nakakalungkot nga lang kahit papano dahil kailangan pa namin mag-away bago maging ganito.

Napapaisip din ako. Gusto ko pa din talaga iexplain sa kanya yung dahilan ng lahat kung bakit nangyari yung dati kahit pa sinabi nyang hayaan na yun, sa tingin ko dapat nya pa ding malaman.

Nakapikit pa din ako nang magsalita sya. " Alam mo bang gusto na kitang pakasalan ngayon. We've been through a lot. And I don't think na kakayanin ko pa if you're going to leave me again. " I frown. Hindi na ako gaanong nagulat na sasabihin nya iyon. I just know him too well. Hinahaplos ng thumb nya ung ring finger ko.

Pinilit kong matawa ng kaunti. " Kasal agad? Kakabalikan pa nga lang natin. "

" But I want to.. " inangat ko na ang ulo ko para tignan sya.

" Di ba sabi ko sayo, I won't leave you again. There's no more reason. " ngumiti ako sa kanya.

Binitawan nya na ang pagkakahawak sa kamay ko para haplusin ang pisngi ko.

" I'll still think about it. " he smirk.

" Bahala ka. " natatawa kong sabi.

Nang makapagpark na ang kotse, inalalayan ako ni Dave sa pagbaba.

" Burj Khalifa? " tanong ko sa nabasa kong sign kaya lumingon ako sa kanya.

" Yes. " tipid nyang sagot tapos ay hinawakan nya na ulit ang kamay ko at naglakad na kami. Medyo naiilang akong may kaholding hands in public, hindi na kasi ako sanay. Sya lang naman ang huli kong nakahawak kamay habang naglalakad pero matagal na nga yun.

" You look embarass? " his confused sa pinapakita kong expression.

How will I explain this to him? Argh. " I-i feel a-awkward?.. Eh kasi naman it's been a long time since may kahawak kamay akong naglalakad, look ang daming tao oh. " tinignan ko pa ang paligid bilang pagtutukoy ko. Yung iba ay napapatingin din sa amin.

" Matagal na? Sinong huli? " oh, bakit parang nakasimangot na sya.

" O-oo. Syempre ikaw. " nahihiya na ko, medyo napapayuko na tuloy ako.

" Wala kang iba? " bumagal ang lakad namin.

" Wala. " sinabayan ko pa ng pag-iling iling. Tumigil sya saglit tapos ay binilisan nya na ang paglalakad namin.

Slow motion pa ko habang inaangat ang ulo para tignan sya.

Nakita kong hindi na sya nakabusangot. At nakaguhit nasa mukha nya ang pagkaaliwalas. Akala nya siguro may iba pa kong naging nobyo o may iba pangnakipag'hhww' sakin. Napapangiti naman ako, napansin kong lumingon sya sakin kaya ngumuso na lamang ako.

Nakarating na kami sa 124th floor. Hindi pa din ako makapaniwala na naexperience kong pumunta dito. Ang laki lang talaga ng ngiti ko ngayon.

Ang ganda, lahat na lang ata dito maganda. Hindi na ako matatapos mamangha e. Nauna na akong lumapit sa glass wall. Nagulat pa nga ata si Dave nung binitawan ko ung kamay nya. Narinig ko kasing napasinghap sya sa ginawa ko.

Hindi naman ako masyadong lumalapit, yung tamang layo lang dahil nga takot din ako sa matataas. Naaamaze lang ako na makita mula sa taas ang halos kabuuan nitong Dubai.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now