BFTP 34

79.5K 1K 5
                                    

" Yes, tama ang iniisip mo. " natatawa tuloy ako. Nilagpasan ko si Tamara at umupo na ko sa sofa.

Tinignan ko lang sya, ang tagal nya lumingon. Mabagal pa ata magsink in sa utak nya.

" Friendship! " pagtawag ko sa kanya.

Nakatalikod pa din sya nang magsalita. " Woah, what was that? Ka-kayo na? I mean ulit? " tumuturo pa sya sa pintuan na pinaglabasan ni Dave kani kanina lang.

Mabilis na syang humarap at inulit ang tanong. Nanlalaki pa ang mga mata.

Tumango tango na lamang ako bilang sagot.

" BUNTIS KA BA!? " dali dali syang lumapit sa kinauupuan ko, pinagmasdan nya ako ng mabuti. Sumigaw pa talaga sya. Ako naman tuloy ang nanlaki ang mga mata.

" Omygosh, of course not! " nakakatakot din talaga mag-isip ang isang 'to. Kakaiba e.

" What made you think of that? Nagkabalikan lang kami, pwede ba wag kang exagge? " sabi ko sa kanya habang pinapaupo. Ako ang mababaliw dito e.

Maarte pa syang kumamot sa ulo. " Aba, malay ko ba! Mamaya may nangyari sa inyong milagro tapos napag-usapan nyong kayo na lang ulit.. tapos baka malaman ko magpapakasal na agad kayo kasi kelangan ng baby nyo ng pamilya noh. " napapakunot noo na lang ako at napapataas ang sulok ng labi sa mga pinagsasabi nya.

" Ano ba namang isip yan, Tam? Ang dumi ha! "

" E malay ko ba nga kasi.. "

" Ewan ko sayo. " kinuha ko ung maliit na pillow dito at niyakap ko.

Umusog sya ng kaunti sa akin, tapos hinampas ako ng marahan sa braso at mahina pang nagsalita na parang bumubulong.

" So, ano na nga? " tumingin ako sa kanya na parang nagsasabi na, 'ano na naman?'

" What happened? " dugtong nya pa. I rolled my eyes. As usual, gusto nyang malaman lahat. Tsismosa na naman sya.

Nangalabit pa ulit, mangungulit lang 'to. I'm sure hindi ako tatantanan nito hanggang sa susunod na mga araw pero ayos lang, titigil din naman yan kapag nagsawa na. Pagod ako ngayon, ayoko nang mapahaba pa ang usapan tyka nagugutom ako pero alam kong hindi din naman ako kakain.

Tumayo na ko at naglakad " Ayy nako, Tam. Basta kami na ulit, okay? Yun na yun. Next time na lang ako magkukwento. I'm really tired. "

" Bye. Goodnight! " sigaw ko nang banda nasa hagdanan na ako. Lumingon ako sa kanya.

Tinaas nya lang ung kamay nya na para bang pinapaalis na nga ako " Tsk. Whatevs! Magkwento ka bukas ha? " sigaw nya pa nung nakailang hakbang na ako.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lamang sa pag-akyat.

Nakapagpalit na ako ng damit. Nakapag-ayos na din ako ng mga gamit.

Nakakapagod 'tong buong linggo ko. Kinuha ko muna itong bag ko na nakapatong sa mesa. Pagkaupo ko sa gilid ng kama ay hinanap ko na ang phone ko, panigurado kasing nagtext si Dave.

Pagtingin ko ay '10 messages and 21 missed calls' agad ang bumungad sa akin.

Grabe naman talaga, parang kanina lang magkasama kami ah.

Binasa ko na isa isa ang mga messages nya.

I'm in the car. Kumain ka na then have a good night sleep, love.

Wag ka na muna pumasok bukas. Magpahinga ka na lang.

Are you still awake? Can I call you?

Why aren't you answering my calls? I've been callin-

Naputol ang pagbabasa ko nang tumawag sya. Sinagot ko naman ito agad.

My Boss is My ExWhere stories live. Discover now