CHAPTER FOUR

3.2K 81 1
                                    

CHAPTER FOUR

FIRST day of school.

Sila lang ni Clyde ang may subject nang alas otso kaya naman ito lang ang kasabay niyang pumasok nang araw na iyon.

"Wow! Excited na ako!"

Napaismid si Kyle. Parang alam na niya kung bakit excited si Clyde.

"Marami sigurong cute girls na magiging classmate ko sa HRM. I will definitely enjoy my college life!"

'Sabi ko na nga ba.'

Naghihikab na huminto siya sa general bulletin. Nakapaskil kasi doon ang mga schedule ng bawat kurso. Tumapat siya sa Engineering section. Tiningnan niya kung saang room ang first subject niya. May kopya siya ng schedule pero naiwan niya sa bahay nila. Nakatamaran niyang tandaan ang bawat schedule at subjects.

"Aray! Ano'ng problema mo, ha?"

Napalingon siya sa kabilang gilid niya nang may sumigaw doon. Isang lalaki ang nakatingin ng masama sa isa pa'ng lalaking mas bata dito. Kulang na lang ay lamunin nito ng buhay ang pobre.

"Hindi ko naman sinasadya, Kuya."

"Hindi sinasadya? Walang ganoong bagay sa mundo! Lahat ng narito ay sinadya. Ano? Suntukan na lang, gusto mo?"

"N-naku, hindi po, Kuya--"

"Mister Lubigan, ano na namang gulo ito?" singit ng isang nakapolo at nakasalaming lalaki. Mukhang instructor ito doon.

"Gusto ata ng away nito, sir, eh," turo nito sa kaaway, or rather, sa inaaway.

"Naku! Hindi po, Sir. Nasagi ko lang po siya dahil nawalan ako ng balanse. H-hindi ko po sinasadya. Pasensya ka na, Kuya."

"O, iyon naman pala, Mister Lubigan. Masyadong mainit ang ulo mo. Ke aga-aga parang gusto mo'ng tumambay sa dean's office."

Umismid lang ang lalaki. Pero hindi na ito nagsalita. Akmang aalis na ito roon nang mapagawi ang mga mata sa kanya.

Kung siya ang tatanungin, hindi siya nasindak sa ipinakita nito'ng katakawan sa gulo. He just stared at him with no reaction on his poker face.

Lihim na napaangat ang isang kilay niya nang tanguan siya nito. Pagkuwa'y umalis na ng tuluyan doon.

"Type ka yata no'n, 'tol," tatawa-tawang buska ni Clyde.

"Hindi nakakatawa." Ibinaling niyang muli ang paningin sa bulletin board.

Humalakhak naman si Clyde.

"Seriously, I like his attitude. Ang galing niyang manindak. Pati instructor, wala siyang takot. Tsk. Idol ko na siya."

May sasabihin sana siya dito pero nabitin iyon nang biglang may matinis na tinig na tumawag sa kanya mula sa likuran.

"Kyle!"

Napalingon siya doon. Napakunot-noo. Bakit narito ang nakakainis na babaeng ito?

"O, Jazmine! Dito ka rin nag-aaral?"

Oo, ang babaeng iyon ang tinutukoy niya. Hindi niya nagustuhan ang pag-upo nito sa table niya nang walang pahintulot noong isang linggo. Pagkatapos niyon ay palagi na lang itong sumusulpot sa mga gig nila at nagpapa-cute sa kanya. Sobrang nakakairita talaga

Napasimangot siya. Ang malas naman niya at pareho pa sila ng papasukang university.

"Ah, Clyde, nandito ka rin pala." Ibinaling agad nito ang paningin sa kanya. "Kamusta ang weekend? dito ka rin pala mag-aaral? Destiny nga naman, oo."

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now