CHAPTER TWO

3.8K 93 1
                                    

CHAPTER TWO

NAGPATULOY si Jazmine sa pagkuha ng larawan nang may humatak sa braso niya.

"Jazmine! Nandito ka rin pala!"

Napalingon siya dito. Agad na lumiwanag ang mukha niya.

"Krizhia!" Kaklase at close friend niya ito noong high school. Ito ang girlfriend ni Aser, ang kaibigan ni Kyle.

Hinatak siya nito paalis sa gitna ng nagwawalang fans ng The Rebel Slam. Sa sobrang pagkabusy niya sa pagkuha ng pictures ni Kyle ay hindi na niya napansin ang kaingayan ng mga ito.

"Hey, bakit ba? Ang ganda ng view ko doon, eh."

"Hindi ka dapat nakikihalo sa mga babaeng iyon. Lalo kang hindi mapapansin ni Kyle niyan, sige ka."

Napangiti siya ng matamis nang mahimigan ang panunudyo nito. Gustung-gusto niya talagang tinutudyo sila ni Kyle.

"Eh, paano niya ba ako mapapansin? Tips nga diyan. Anyways, magkakaschoolmate na kami kaya magagawa ko na ang lahat para mapansin niya."

"Unang-una,ayaw ng mga lalaking iyan na hinahabol sila ng babae. Gusto nila, sila ang humahabol... But sa kaso ni Kyle, siguro kailangan talagang babae ang humabol diyan. Kita naman sa hilatsa ng mukha na walang interes sa mga babae, eh. Anyway," tinitigan siya nito na may pilyang ngiti sa labi. "... we'll help you."

"We?"

Isang babae ang lumapit sa kanila. She's Donita, the girlfriend of the vocalist, Grendle.

"Yep. We," singit nito. "Kami ng mga kaibigan niya. Although hindi pa ako nakakaganti sa kanya sa pagtatawag ng pangit sa akin ng ilang beses, tutulong pa rin ako para makuha mo siya. Makakaganti lang ako sa kanya kung maiinlove siya." And she smirked.

Napangiti na rin siya ng maluwag.

"Tutulungan niyo din pala ako, pinatagal niyo pa."

Natawa ang dalawa.

"Para may suspense," ani Donita.

Gawin bang katatakutan ang love story nila ni Kyle?

"Besides, kailangan muna naming asikasuhin ang mga boyfriends namin bago pakialaman ang wirdong antukin na iyon," sabi naman ni Krizhia.

"So it's a deal, ha? Wala nang bawian, tutulungan niyo ako kay Kyle."

"It's a deal!"

"At dahil ako ang pinakamagaling magplano dito, here's the plan." Lumapit pa sa kanila si Krizhia. "It's seducing Kyle operation."

"Ang laswa naman yata niyan, Krizhia."

"Heh! Huwag mong sabihing hindi mo pinagnanasaan si Kyle, Jazmine?"

"Eh..."

"Anyways, ito ang plano... Kailangang maakit si Kyle sa iyo."

"Hindi ba't kailangan muna niyang mapansin ni Kyle?"

"I already think about that, Donita. Knowing him, hindi pumapansin ng babae iyon."

Natatandaan nga niya, kahit isang beses ay hindi niya nakitang sinulyapan man lang ni Kyle ang kagandahan niya.

"Yeah. So, paano ba ako mapapansin ni Kyle?"

Ngumisi si Krizhia. Makahulugang tiningnan siya.

"I had an idea. But first, kailangan ko munang malaman kung hanggang saan ang tapang at tibay ng loob mo."

"Basta para kay Kyle, kasintibay ng bakal ang loob ko, ano? Kaya ko ring lumunok ng bato para mapansin niya."

"Good!"

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now