CHAPTER FOURTEEN

2.7K 65 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN

NAALIMPUNGATAN si Kyle nang maamoy ang pamilyar na pabango'ng iyon. It was a sweet relaxing scent. Isa lang ang lumilitaw sa isipan niya na nagmamay-ari ng pabango'ng iyon.

'Ang babae'ng iyon.'

Itinaboy niya sa isipan ang ideya'ng iyon. Imposibleng mapadpad doon ang babae. Baka guni-guni niya lang ang naamoy. Mas mabuti pa'ng bumalik na lamang siya sa pagtulog.

Pero hindi niya mapasunod ang sarili niya. Pumupuno pa rin sa ilong niya ang mabango'ng amoy na iyon na para ba'ng katabi niya lang ang may-ari niyon.

It was relaxing though. Para siya'ng ipinaghehele pabalik sa pagtulog. Pero naku-curious ang utak niya kung tama nga ang hinala.

Nang hindi makatiis ay iminulat na niya ang mga mata. Tumambad sa mga mata niya ang mga sapatos na may takong na kulay itim with pink stripes. Sunod niya'ng nakita ang tila perpekto'ng hubog ng mga binti na iyon na halatang walang stockings. Wala man lang kagalus-galos ang mga iyon. Kita rin niya ang kaputian ng tuhod nito dahil hanggang itaas ng tuhod ang skirt nito.

Kumilos ang babae. Ipinatong nito sa isa'ng binti ang isa pa'ng binti. Napansin niya'ng umakyat ng kaunti ang skirt nito at tumambad sa kanya ang maliit na parte ng bilugan at mapuputing hita nito.

'Darn it, Kyle! Tinutukso ka ng babae'ng iyan! Ilayo mo diyan ang paningin mo! Baka kung saan pa mapunta ang imahinasyon mo!'

He took all his strength to remove his gaze on her thighs. Nabaling ang paningin niya sa libro'ng nakapatong sa kandungan nito. Lumipat ang paningin niya sa mukha nito. Hindi nga siya nagkamali sa hinala. Ang babae nga'ng ito ang nasa paligid niya. Si Jazmine.

Abala ito sa pagbabasa kaya hindi siya nito napapansin. Napakunot-noo ito, kumibot-kibot ang mga labi. Pagkuwa'y lumiwanag ang mukha at nagsulat sa notebook nito. He found her cute while she's changing her facial expressions.

'Snap it out, Kyle! Kanina, binti niya ang pinagdidskitahan mo. Ngayon, ang mukha naman niya.'

Naalala niya noong gabi na gumawa siya ng hakbang para makuha ang cellphone niya dito. Wala sa plano niya ang ilapit ang mukha dito. He can get his cellphone kahit na malayo ang agwat nial sa isa't isa. Pero sadya nga yata'ng napag-trip-an niya ito ng gabi'ng iyon. Bato nga yata siya dahil nagawa niya'ng pigilin ang sarili na madala sa sitwasyon. Kahit na ba dahil doon ay natitigan niya ito ng malapitan at nabasa niya ng malinaw ang kislap ng mga mata nito.

"Kyle! Gising ka na pala!"

Natauhan siya nang marinig ang nabibigla'ng tinig nito. Saka niya napansin na nakatingin na ito sa kanya. And worst, nahuli siya nito na tinititigan niya ang mukha nito.

'What the heck?'

"Bakit ka nandito?" pagalit na tanong niya. Ofcoarse, it was only his defense mechanism. Ayaw niya'ng mag-isip ng hindi maganda ang babae'ng ito. Knowing the likes of her, napaka-advance mag-isip nito.

'Wala nga ba talaga siya'ng dapat isipin na masama after she caught you staring at her?' Parang gusto niya'ng batukan ang sarili. 'Darn!'

"Nakita kasi kita dito kaya nilapitan kita," nakangiti'ng sagot nito. "At saka, naniniguro lang ako na wala'ng iba'ng babae-- o lalaki na lalapit sa'yo. Mahirap na."

"What?" Wala namang babae na nakakalapit sa kanya. She was the first. At teka, lalaki? Ang mga kaibigan niya lang naman ang mga lalaking nakakalapit sa kanya.

Oo nga pala. Ang alam nga pala nito ay bakla siya.

Although he hates that idea, hindi na lamang siya nagsalita tungkol doon.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now