CHAPTER TWENTY THREE

2.6K 66 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE

"I MET you at the club that night

Where I was spinning records

And my heart said hey now, hey now..."

"Nakaka-inlove naman ang kantang iyan."

"Oo nga, Donita. I'm sure mas lalo kang na-inlove kay Grendle."

"Eh, ikaw, Krizhia, hindi ka ba lalong na-inlove kay Aser?"

"Ofcoarse naman, ano? Katulad din yata natin itong kaibigan natin... Oy Jazmine, tulo laway ka na naman kay Kyle." Ito na ang nagsara ng nakabukas na bibig niya.

Tinabig niya ang kamay nito.

"Huwag kayong panira." Muli siyang tumingin sa bandang tumutugtog sa stage. Acoustic lang ang tugtog ng mga ito pero nagwawala pa rin ang mga manunood.

Hindi niya pinansin ang pagtatawanan ng dalawa. Ang gwapo talaga ni Kyle habang tumutugtog. Napakagaling nitong maggitara!

'Nakakainlove!' Itinaas niya ang camera at kinuhanan ito. 'Ang dami na ng picture mo sa akin, Kyle my loves. Pwede ka na sigurong ma-develop sa akin?'

"You said you were please to meet me

Through the sweet smell of your perfume

Blew me away now, away now, away now...

Later on that week we went out

Talked under the stars

Until the next day now, day now, day now..."

Nagulat pa siya nang mula sa lente ng camera niya ay tumingin sa gawi niya si Kyle. She clicked the camera before he takes away his gaze. Hindi niya alam kung guni-guni lamang ba niya ang nakitang bahagyang pagngiti nito. Anyway, malalaman niya iyon kapag nai-develop na niya ang picture na iyon.

"Ang galing mo talaga, Kyle! You're the best!" tili niya. Duda siya kung narinig nito iyon dahil sa dami ng mga tumitili ring babae.

"Jazmine, picture-an mo naman ang buong banda. Hindi puro si Kyle," kalabit sa kanya ni Krizhia.

"Kayo na lang. Mas magandang subject si Kyle," nakangising sagot niya.

"Aba, aba. Mas gwapo naman si Grendle ko kay Kyle, ano?"

"Para sa camera ko, si Kyle ang pinaka-gwapo, Donita."

Muli siyang sumilip sa lente. Kita'ng kita niya doon ang kanyang amore.

"Every minute I'm not with you

I hope I'll see you soon

There's just something that happens

When you walked into the room..."

Kita niya ang pagbuka ng labi ni Kyle pasabay sa kanta. Looks like he really enjoys playing that song.

"And instantly I feel so complete

It hits me right about the time you kiss my cheek

And you give me this feeling

It's like no other feeling

But it knocks me off my feet..."

Sumulyap ito sa kanya. May pinipigil na ngiti sa mga labi nito.

Hindi niya mapigilang mapangiti. She clicked her camera once more. He's very charming.

Dahil sa lyrics ng kanta na iyon ay naalala niya ang kalokohan niya nang nagdaang gabi. She was about to kiss his cheek pero ang gilid ng labi nito ang nahalikan niya.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now