CHAPTER THREE

3.3K 77 1
                                    

CHAPTER THREE

"HI, Kyle!" masiglang bati ni Jazmine with matching beatiful smile and eyes. Grabe, iba ang tibok ng puso niya habang kaharap ito! Sasamantalahin na niya habang nakatingin ito. Minsan lang ang pagkakataong ito! "Ako nga pala si--"

He turned his gaze away.

"Grendle, iiwan na kita dito."

Ang nagmamarathon niyang puso ay tila nahulog sa bangin nang tumalikod ito at naglakad palayo. Hindi siya kaagad nakapag-react.

Nang makabawi ay nilingon niya si Donita at Grendle.

"Nagugutom daw siya kaya hahanap siguro iyon ng makakainan," ani Grendle na parang nahinuha na ang itatanong niya.

"Ganoon ba? Pwes, susundan ko siya."

"Ha?"

"Go, Jazmine! Nasa likod mo kami."

"Wait--"

Hindi na niya hinintay makapagsalita si Grendle. Nagmamadaling sinundan niya si Kyle. Narinig pa niya ang usapan ng magkasintahan.

"You can't be that serious, girlfriend. Pigilan mo ang friend mo na iyon. Knowing Kyle, maiirita lang siya lalo sa iniisip niyo."

"Ofcoarse he will, boyfriend. Our plan will work. Pustahan pa tayo, eh."

Hindi na niya pinakinggan ang iba pa'ng pinag-usapan ng mga ito. Nakita kasi niya si Kyle na pumasok sa isang fast food chain. Sinundan niya ito doon.

Walang gaanong kumakain sa fastfood na iyon dahil nanunood lahat ng battle of the bands. Madaling nakabili si Kyle at ngayon ay palapit sa isang mesa sa sulok dala ang tray ng pagkain nito.

Lumapit siya sa counter at bumili din. Hindi naman siya nagugutom kaya fries at sundae lang ang inorder niya. Makakatulong ang paborito niyang chocolate sunday para madagdagan ang lakas ng loob niya.

Binitbit niya ang tray papunta sa mesang pinwestuhan ni Kyle. Mahirap na, baka maunahan pa siya. Walang paalam na inilapag niya doon ang tray at naupo sa harapan nito.

Nag-angat ng paningin si Kyle mula sa kinakain. Napakunot-noo ito ng makita siya.

She just give him a her big sweet smile.

"Hi!"

Nilinga nito ang paligid. Pagkuwa'y nakasimangot na ibinalik sa kanya ang paningin.

"Do you mind?"

"What?"

"There's so many empty tables, miss. Nakakasikip ka dito sa mesa ko."

"It's not your table. Sa fastfood ito, 'no? Malaki naman ang table at kasyang kasya ang mga tray natin. Pwede pa nga'ng patungan ng aquarium, eh." Hindi nagbago ang itsura nito habang nakatingin sa kanya. Ni hindi nakuha ang humor sa sinabi niya. Mukhang gusto talaga siyang palayasin doon. Pero gaya nga ng sabi niya kina Krizhia, kaya niyang lumunok ng bato para mapansin lang nito.

"Besides, malungkot kumain ng mag-isa at hindi naman siguro masamang makishare sa table," dagdag niya pa. "Let's eat. Ako nga pala si Jazmine. High school friend and classmate ako ni Krizhia." Inilahad niya ang kamay sa harapan nito.

Tinitigan lang nito iyon. Kumibot ang mga labi nito. Pagkatapos ay kibit-balikat na binalingang muli ang kinakain.

At hayun, deadma na naman siya.

Bago pa siya mapahiya ng bonggang-bongga, binawi na niya ang kamay. At least tumigil na ito sa pagpapaalis sa kanya. Kaya nga lang ay hindi naman siya nito pinapansin. Para ito'ng walang kasama sa mesa.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now