CHAPTER SEVENTEEN

2.6K 69 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NATAKPAN ni Jazmine ang tenga nang magsitilian ang mga kaklase niya.

"Parang naka-shoot lang 'yong lalaking iyon, nagwawala na kayo," naiiling na sabi niya sa mga ito.

Naaya siya ng mga kaklase na manood ng practice game ng mga varsity player ng university nila. Kaya heto sila ngayon sa gym, nakaupo sa bench at todo cheer sa mga ito. Ang mga kaklase niya lang pala ang nagchi-cheer. Pumapalakpak lang siya kapag nake-carried away siya sa laro.

"Syempre naman! Gwapo 'yong naka-shoot, eh. 'Tsaka, crush namin," ani Angel.

Nagsisang-ayunan ang lima pa'ng kasama nila doon at kinikilig na nagsihagikgikan.

'Asus! Mas gwapo pa si Kyle sa mg iyan, eh.'

Wala sila'ng klase sa last period nila na iyon. Kung hihintayin niya kaagad si Kyle sa tapat ng building ng mga ito ay maghihintay pa siya ng tatlo'ng oras kaya minabuti niya'ng sumama muna sa mga ito.

"O-M--! Si fafa Jeremie, lalaro na!" tikwas ang mga daliring itinuro ni Chela, ang bakla'ng kaklase nila, ang lalaki'ng kapapasok lamang sa game.

"Wow, oo nga!"

"Ang gwapo niya!"

"Go, Jeremie!" Sabay-sabay na cheer ng mga ito.

Tingin niya ay nagkaroon ng mga hearts ang mata ng mga ito habang nakatingin sa isa'ng partikular na lalaki sa court.

Siya naman ay pinalaki pa ang singkit na mga mata para masiguro'ng hindi lamang siya dinadaya ng paningin.

"Siya nga iyon!" sambit niya. Ito ang lalaki'ng nakipagkilala sa kanya noong nakaraang araw. Jeremie nga pala ang pangalan nito.

"Ano ba, Jazmine, maki-cheer ka naman!" malakas na hinampas siya ni Chela sa balikat.

"Basketball player pala siya?"

"Oo naman! MVP kaya siya, kahit last year lang siya nakasali sa varsity at second year pa lamang siya."

"Talaga'ng alam mo na ang lahat ng iyan, ha, Angel?"

"Ako pa! Kapag mga gwapo talaga, dapat ini-stalk ang mga iyan. Di ba, Chela?"

"Naku, si Chela pa? One week pa lang tayo dito sa university, kilala na niya ang lahat ng gwapo dito," buska ni Cristina dito.

"Oo nga, gawain niya kasing mang-stalk, eh," dagdag na buska ni Elma.

"Mga tse! Natural aalamin ko ang mga detalye'ng iyan." Irap nito sa mga kaibigang nagtatawanan. Bumaling ito sa kanya. "Girl, hindi ka kasi sumasama sa amin madalas kaya hindi ka nae-expose sa mga gwapo. Anyways," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "... tama lang pala na hindi ka sumasama sa amin. Baka maagaw mo lahat ng pinagnanasaan ko, eh!"

Natatawa'ng hinampas niya ito sa balikat. "Grabe ka naman!"

"Joke only!" Nag-peace sign ito at malandi'ng tumawa.

"'Oy, hindi na kailangan ni Jazmine ng iba'ng papable. Palagi naman niya'ng kasama ang super-papable and available na si Kyle ng Rebel Slam band. Isama mo pa ang bago'ng member na si Mackey at drummer na si Clyde," ani Angel.

'Hindi na available si Kyle!' Pinigil niya ang sarili'ng isigaw iyon.

Grabe, wala talaga siya'ng masabi sa kaalaman ni Angel sa mga 'heartthrobs' sa university!

"Rebel Slam band? Close ka sa kanila, girl?" ani Chela matapos tumili nang mai-shoot ni Jeremie ang three-point shoot na iyon.

Ngumiti siya. "Medyo."

"'Kakainggit ka!" tili ni Ana.

"Oo nga! Crush ko din ang mga member n'on, eh!" sabi naman ni Cynth.

"Pakilala mo naman ako kay Clyde."

"Naku, Cristina, 'hi' pa lang nasasabi mo doon, ibibigay na agad ang number niya sa'yo," aniya.

"Talaga? Baka naman deadma-hin ako niyon?"

Si Clyde? Mande-deadma ng babae'ng lalapit dito? Hindi niya napigilan at napahagalpak siya ng tawa.

"O, bakit ka tumatawa?"

Tumingin siya kay Cris. Itinigil niya ang pagtawa. "Hindi ka di-deadma-hin niyon. 'Swear." Itinaas niya pa ang isa'ng kamay.

"Oh, my God! Naka-three points na naman siya!"

Naagaw ang pansin nila sa tili ni Chela. Napatingin siya sa mga naglalaro.

"Ang galing mo talaga, Jeremie!"

"Go, Jeremie!"

"Shoot!"

"I love you, Jeremie!"

Dahil siguro sa kaingayan ng mga kasama niya ay napatingin sa gawi nila ang lalaki. Ngumiti ito nang magtama ang mga paningin nila. Mukha'ng nakilala siya nito. Sumaludo pa ito bago tumakbo sa kabila'ng court.

"OMG! Hihimatayin na yata ako!" kinikilig na sumandal sa kanila si Chela. Hawak pa nito ang dibdib. "Nginitian niya ako!"

"Asa ka pa'ng bakla ka. Ako kaya ang nginitian niya!"

"Isa ka pa'ng nangangarap, Angel. Sa akin siya ngumiti, ano!"

"Elma, ako ang nginitian. Feel ko ang eyes niya sa eyes ko!"

"Naku, Cris, nagha-hallucinate ka na naman!" ani Ana.

"Ah, basta. Mangarap kayo ng gising d'yan. Ako ang nginitian niya. Period!" irap ni Cynth sa mga ito.

Bagaman nagtatalo ang mga ito ay hindi pa rin nalimutang mag-cheer nang maka-shoot ang crush.

Napatabingi na lamang ang ngiti niya. Ganito ba ka-charismatic ang Jeremie na iyon? Bakit hindi niya feel?

'Wala na kasi'ng room sa puso. Occupied na,' anang isa'ng tinig sa isip niya.

Napangit siya. 'Naman! Ganyan ako ka-loyal kay Kyle my loves!'

------------------------------------

"JAZMINE!"

Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Napakunot-noo siya nang mapagsino ito. Si Jeremie.

"Hi!" anito nang makalapit.

Gumanti siya ng ngiti dito. "Hi din! Tapos na ang practice niyo?"

"Yup. Katatapos nga lang, eh. Pupunta ka ba sa building namin?"

"Oo."

"Sabay na tayo."

Tumango na lamang siya. Wala na naman siya'ng magagawa. Sumabay na ito sa paglakad niya.

"Buti nanood ka kanina ng practice namin?"

"Ah, oo. Niyaya kasi ako ng mga classmates ko." Tumingin siya dito. Nakatingin din ito sa kanya. Alanganing ngumiti siya. "Pasensya ka na pala at napakaiingay ng mga kasama ko."

"Hindi ka ba kasali sa kanila na nag-cheer?"

"Pumapalakpak lang ako. Baka kasi sumabog na ang gym kapag sumabay ako sa pagtili nila."

Natawa ito. "Oh, I see. Anyway, okay lang naman ang pagchi-cheer nila. Nakakadagdag nga ng lakas ng loob, eh."

Napansin niya na titig na titig ito sa kanya. Bahagya tuloy siya'ng nailang. Parang iba ang pinapahiwatig ng mga tingin na iyon. Gayunpaman ay hindi niya iyon binigyan ng malisya. New found friend niya ito at mukha ito'ng mabait. Bukod pa sa gwapo ito.

Ibinaling na lamang niya ang mga mata sa daan.

"Ahm... Jazmine, can I ask a question?"

Nabibigla'ng lumipad ang paningin niya dito. Nahihiya'ng ngumiti ito sa kanya habang nagkakamot ng batok.

"That is, kung wala ka pa'ng partner... Pwede ba?" sabi pa nito.

"Bakit?" naguguluhang sabi niya. Wala kasi siya'ng iba'ng maisip sabihin. "I mean, bakit ako?"

"Kasi..." Huminga ito ng malalim. "Well, to tell you the truth... P-palagi kita'ng tinitingnan tuwing naghihintay ka sa tapat ng building namin. I-I don't know. Palagi ka'ng hinahanap ng mga mata ko kapag ganito'ng oras."

Napatanga lamang siya dito. Ngayon lang siya nakakita ng gwapo'ng namumula at nauutal habang nakikipag-usap sa babae.

'Jazmine, hindi siya basta nakikipag-usap sa'yo! Nagtatapat na siya, you silly!'

Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ito. Well, talaga namang speechless siya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang may nagkalakas ng loob na magtapat sa kanya ng seryosohan. Usually ay naiintimidate sa kanya ang mga nagkakagusto sa kanya o di kaya'y natotorpe.

"And... I... I know i-it's too early to tell kasi no'ng isa'ng araw lang ako nakipagkilala sa'yo. B-baka sampalin mo ako." Kita niya sa mga mata nito ang takot pero naroon din ang sinseridad. "But I just want to say. I..."

"Jazmine!"

Sa gulat sa sumigaw ng pangalan niya ay natalisod tuloy siya. Mabuti na lang at nasalo kaagad siya ni Jeremie. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig.

Nakita niya si Clyde at si Mackey na palapit sa kanila. Kasunod ng mga ito si Kyle na matiim ang pagkakatitig sa kanya. Saka niya napagtanto ang ayos nila ni Jeremie. Nanlamig ang pakiramdam niya.

'Oh my! Kyle my loves, hindi ako nagtataksil sa'yo!'

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now