CHAPTER THIRTY

2.6K 63 0
                                    

CHAPTER THIRTY

LUMABAS sa kotse niya si Rey nang sa wakas ay makitang lumabas sa kumpanya nito si Karen. May gusto siyang liwanagin dito.

He was really surprised nang ungkatin ng kanyang anak na si Jazmine ang tungkol kina Jessa at Francisco. As far as he knew, bukod sa kanya, si Karen lamang at ang mga kabanda ni Francisco ang nakakaalam ng naging relasyon nito at ng asawa niya.

Ang mga kabanda ni Francisco ay may kanya-kanya nang buhay sa ibang bansa. Si Karen lamang ang nasa malapit at alam niyang nagtanim ng galit sa asawa niya, malakas ang kutob niya na ito din ang nagsabi kay Jazmine ng lahat.

Pinigilan niya ang babae sa braso. "Karen!"

Natigilan ito ng makita siya. Nang makabawi ay inis na binawi ang kamay. Subalit hindi niya iyon pinakawalan.

"Ikaw ba ang nagsabi kay Jazmine?"

"Ng alin? Bitiwan mo nga ako, Rey!"

Hinigpitan niya pang lalo ang hawak dito. "Ikaw ba ang nagsabi sa anak ko ng tungkol kina Jessa at Francisco?"

Umangat ang isang kilay nito. Lumaban ng titigan sa kanya. "What if I am?"

Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo.

"Damn you! Ano'ng sinabi mo sa kanya?" He took all his strength para hindi ihagis ang babae sa gitna ng kalsada.

Subalit tila hindi ito apektado sa galit na ipinapakita niya. "Watch your words, Rey! Baka nalilimutan mong nasa teritoryo kita?" Nilingon nito ang security guard na napatingin din sa kanila.

Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka bumulagta na ito doon ngayon. Marahas na binitiwan niya ito bago pa ito makapagtawag ng security. Nahaplos nito ang namumulang braso.

"Ano'ng mga sinabi mo kay Jazmine?"

"I told her what she needs to know para layuan ang anak ko."

Tumingin siya dito na tila nagkaroon ito ng dalawang sungay sa ulo. "Si Kyle? Gusto mong layuan ng anak ko ang anak mo? That was absurd, Karen! That was irrational!"

"Bakit hindi? You're daughter was just like her mother. Sisirain lang din niya si Kyle tulad ng ginawa ng nanay niya sa asawa ko!"

"Baka nalilimutan mo kung ano ang mayroon sina Jessa at Francisco noon? Francisco loved Jessa. Not you!"

Lalong tumigas ang itsura nito. "And you're fine with it, huh? Ganyan ka ba kamartir sa babaeng iyon? Baka nalimutan mo rin na pinaikot ka lang niya?"

Nagtagis ang bagang niya. Ikinuyom niya ang mga kamay para pawiin ang pangangati niyong suntukin ang babae.

"I love her kaya kung ano man ang nagawa niya noon ay pinatawad ko na siya. Nang mamatay ang asawa mo ay itinuon na niya sa amin ng anak niya ang atensyon niya."

"Of coarse! Ano pa nga bang magagawa niya, hindi ba? Wala na ang asawa ko para ahasin niya! Hindi ko malilimutan na siya ang dahilan kung bakit namatay ang asawa ko!"

Noon hanggang ngayon ay matalas pa rin ang dila nito. Ilang beses na nga ba nilang pinagtalunan ang bagay na iyon noon lalo na nang sampahan nito ng kaso ang asawa niya?

"Huwag mong ibunton kay Jessa ang lahat. It was an accident at si Francisco ang nagda-drive ng kotse! Walang kasalanan ang asawa ko!"

"Walang kasalanan?" sarkastikong tumawa ito. "Kung hindi dahil sa panlalandi ng asawa mo, hindi mapupunta sa ganoong sitwasyon si Francisco! It's all your wife's fault!"

Gusto na niyang pilipitin ang leeg nito. Siya ang naiinsulto sa mga sinasabi nito tungkol sa asawa niya.

"Kaya ba gusto mong pahirapan ang mga bata ngayon? Ha, Karen? Iyon ba ang gusto mo? Ang pahirapan pati sarili mong anak dahil hindi mo malimutan ang pagtataksil sa 'yo ng asawa mo?"

"Pinagtaksilan niya ako dahil inakit siya ng asawa mo!"

"Nagpaakit siya dahil mahal niya pa rin si Jessa!" Natigilan ito sa ginawa niyang pagsigaw. "Bakit hindi mo na lang tanggapin na kahit hanggang sa kamatayan ay mas gustong makapiling ng asawa mo si Jessa? Na ikalawa ka lang sa puso ng asawa mo? Ako, tanggap ko na iyon noon pang pakasalan ko si Jessa. Iyon ang tinatawag na pagmamahal, Karen. Ang tanggapin ang kabiyak mo kahit sino at ano pa siya."

"Hindi ako kasing martir mo, Rey. Ngayong wala na si Jessa, ang anak mo naman ang lumalapit sa pamilya ko. Nagsisimula pa lang sila pero nasaktan na ni Kyle ang anak ni Jayson!" tukoy nito sa ikalawang asawa. "Imagine? Naging ganoon kabayolente ang tahimik kong anak dahil sa anak mo!"

Nagulat siya doon. Pero siya na rin ang nagbigay katwiran sa ginawa ng binatilyo. "Siguro ay may hindi magandang ginawa kay Jazmine ang lalaking iyon kaya nagalit si Kyle. Can't you see, Karen? Your son loves my daughter!"

"No! I won't let your daughter ruin him! Besides, nakakasiguro ka ba na ikaw nga ang ama ni Jazmine?"

Hindi na siya nasorpresa doon. He was prepared for this. "Yes. Anak ko si Jazmine. Hindi anak ni Francisco tulad ng gusto mong palabasin. Nang ipanganak pa lang siya ay ipina-DNA ko na siya. And she's mine."

Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. "I wonder, pinagtaksilan ka ni Jessa because of my husband pero parang tanggap na tanggap mo si Kyle para sa anak mo."

"Dahil kinalimutan ko na ang lahat ng iyon. Napatawad ko na silang dalawa. At gusto ni Jazmine si Kyle. So please stop this nonsense! Hindi lang anak ko ang sasaktan mo! Pati na rin ang anak mo!"

Umiling ito. "I think not. Pasasalamatan ako ni Kyle sa paglalayo ko sa kanya sa anak ng taong naging dahilan ng pagkamatay ng daddy niya."

Marahas na napabuntong hininga siya. Napakahirap paliwanagan at kausapin ng babaeng ito.

"Bahala ka! But think about what I've said, Karen. At huwag mo na ring idamay sa galit mo ang anak ko. Wala siyang kinalaman dito!"

"Sinupin mo iyang anak mo kung ayaw mo siyang madamay, Rey. Huwag mo na siyang palapitin kay Kyle."

Pinukol niya ito ng masamang tingin bago bumalik sa sariling kotse. Pinasibad niya iyon paalis doon.

Hindi niya makakayang pagbawalan ang anak niya. Alam niyang labag iyon sa kagustuhan nito. Baka lalo lang itong magtampo sa kanya.

Pero natatakot din siya sa maaaring gawin dito ni Karen. He knew her. Isang tao lang ang nakalusot sa pagkadominante nito. Si Francisco...

----------------------

PINUNASAN ni Jazmine ang mga luha sa pisngi niya gamit ang panyong ibinigay ni Sean. Kahit paano ay nahimasmasan na siya.

"Okay ka na ba?"

"Bakit ganoon, Sean?" bagkus ay sagot niya. "Bakit kailangang maging kumplikado ng lahat?"

"Everything in life is complicated, Jazmine. Lalo na sa love."

"It's beyond that complication, Sean." Nilingon niya ito. Mataman itong nakikinig sa kanya. "Paano kapag pinapalayo ka ng nanay ng mahal mo dito? Lalayo ka ba?"

He smiled. "Depende."

"Sa reason?"

Umiling ito. "Depende kung palalayuin ako ng mahal ko sa kanya. Nang magmahal ka, or ako, ang mahalaga lang ay ang tao na iyon. Bakit ba, eh hindi naman ang nanay niya ang pakikisamahan at makakasama ko habang buhay sakaling magkatuluyan kami."

Oo nga naman. "Pero paano kapag may isang sikreto na pwedeng makasira sa inyo? Na pwedeng maging dahilan para magalit siya sa 'yo? Or worst, a reason para iwan ka niya."

"Hmm..." Saglit na nag-isip ito. "I guess, depende iyon sa acceptance niya at sa love niya sa akin. Maybe she needs to have some time to think it over. Alamin kung ano ang mas matimbang. Ako o ang sekreto na iyon? Ganoon."

Kataka-takang ina-absorb ng utak niya ang sinabi nito samantalang ang mga idinakdak ng mga professor niya ay hindi man lang pinakinggan ng utak niya.

"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal sa 'yo ni Kyle?"

Napatingin siya dito. Pagkuwa'y iniiwas niya ang paningin. "Hindi pa naman kami." Isa pa iyon sa masaklap na katotohanan. Paano niya itong mabibigyan ng rason para siya ang piliin? Bali-baligtarin man ang mundo, mas matimbang pa rin dito ang ama nito.

Waring nagulat ito. "Hindi pa ba? Kanina ay nagsasaya na ang mga kaibigan niya, ah? Narinig kong tinutudyo na nila si Kyle dahil kayo na."

Napakunot noo siya. Sinumpong na naman siguro ng kabaliwan ang mga kaibigan nito.

"It seemed fine with Kyle, though. Lumapit pa siya sa akin para itanong kung nasaan ka. I think hinihintay ka niya doon. I said, baka 'ka ko umuwi ka na. He looks sad, at the same time ay mukhang nag-aalala siya sa 'yo."

Ganoon ba ito ka-keen observer kaya kahit ang poker face na si Kyle ay nabasa nito? Wala naman sa personality nito ang mang-trip katulad ng mga pasaway na member ng Rebel Slam ay pinaniwalaan na lamang niya ang sinabi nito. Iyon din naman ang gusto ng puso niya. Minsan ay gusto niya talagang pinapaasa ang sarili kahit alam na niya ang ending.

"Natatakot ako, Sean."

"Don't be. Mahina ka kapag nagpadala ka sa takot mo. And you will only lose." Inalalayan siya nito sa pagtayo. "We need to go. Baka ma-lock pa tayo dito sa loob ng library."

"Okay." Hinayaan nitong akayin siya nito palabas. Hindi na niya pinansin ang mga matang napasunod sa kanila. Wala naman silang ginawang masama.

Napansin niya ang basang polo nito. Ngayong nahimasmasan na siya, nakaramdam siya ng hiya dito. Nadamay pa tuloy ito sa pagsisintir ng kalooban niya.

"Sorry nga pala, Sean." Nilingon siya nito. Pinilit niyang ngumiti. "At salamat na rin."

"Do you feel better now?"

Nagkibit balikat siya. Naguguluhan pa rin siya at natatakot. Siguro, pag-iisipan niya muna ang mga sinabi nito. Feeling niya ay ang mga sinabi lang nito ang may sense sa nilulumot niyang utak.

Nakakaunawang tinapik siya nito sa balikat. "Everything will be fine. You just need to accept that life really sucks all the time."

Napangiti siya sa biro nito. "Salamat sa pagdamay, Sean."

"Walang anuman. Masaya akong makatulong sa isang kaibigan. Anyway, may sundo ka ba ngayon? Sumabay ka na lang sa akin. I can't leave you with that condition. Ipapa-drop by na lang kita kay dad sa bahay ninyo."

"Nakakahiya naman yata sa 'yo. Maaabala ka pa at ang daddy mo."

"It's okay. My dad will understand."

Hinayaan niya na lang ito sa gustong mangyari. Baka nga may mangyaring masama sa kanya kapag mag-isa siyang umuwi sa ganito kagulong isip niya. She doubt kung susunduin siya ng daddy niya ngayon. Kahit kaninang umaga ay hindi niya ito kinibo at nagtaxi siya papasok sa eskwela. Kung susunduin man siya nito ay hindi rin siya sasakay sa kotse nito.

Gusto niya munang pag-isipan ang lahat. At nagtatampo pa siya sa ama niya lalo na sa mommy niya.

Tungkol naman kay Kyle, pagkatapos niyang ma-absorb ang katotohanan ay hindi pa niya kayang magpakita dito. To think na ang mommy niya pala ang dahilan kung bakit hindi nito nalaman kung gaano kagaling ang daddy nito at kung bakit hindi nito naranasan na alagaan ng ina. Pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maiiharap dito...

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon