CHAPTER THIRTY ONE

2.7K 60 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

HINDI mapakali si Kyle sa classroom nila. Hindi nagre-reply si Jazmine sa mga text niya. Nang subukin niya itong tawagan ay hindi ito sumasagot. Nang ulitin niya ang pagtawag dito ay naka-off na ang cellphone nito. Nag-aalala na siya. Baka may kung ano'ng masamang nangyari na dito.

He really needs to see her para makasiguro. Nang tumuntong ang lunch break ay kauna-unahan siyang lumabas ng klase nila. Wala si Mackey dahil hindi niya ito kaklase sa subject na iyon. Tuloy-tuloy siya sa labas. Maaga silang pinalabas ngayon kaya siguradong maaabutan niya si Jazmine sa classroom nito.

Ngunit hindi na pala niya kailangang pumunta pa sa classroom nito. Sa labas pa lang ng Accountancy building ay nakita na niya itong naglalakad mag-isa. Tila lumundag ang puso niya pagkakita dito. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Wala naman palang nangyaring masama dito.

Hinintay niya itong makalapit sa kinatatayuan niya. But to his surprise ay nilagpasan lamang siya nito.

Hindi ba siya nito nakita? Pero hindi. Nakita niyang nag-angat ito ng paningin kanina bago muling yumuko at naglakad ng deretso.

Kunot noong nilingon niya ito.

"Jazmine!"

Tumigil ito sa paglakad. Pero hindi humarap sa kanya. Lalo siyang nagtaka. Ano bang nangyayari dito?

"Hindi mo ba ako nakita?"

Tila napipilitang humarap ito sa kanya. "Kyle..." paanas na sabi nito. Ni hindi ito tumingin sa kanya.

He knew at that moment, may nagbago dito.

"Is there any problem?" alalang tanong niya.

Umiling ito. "W-wala."

"Hindi iyan ang nakikita ko sa 'yo."

"Don't mind me . B-bakit ka ba nandito?"

Tila umurong ang dila niya sa sainabi nito. Anumang gusto niyang itanong at sabihin dito ay tila nawala. Sa tanong nitong iyon ay tila ba hindi nito gustong nandoon siya.

'And why she isn't smiling at me?'

Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Parang ibang Jazmine ang nasa harapan niya ngayon. Gone with the sweet smiles and flirty eyes on her lovely face.

Gusto niyang itanong kung ano'ng problema nito. And tell her that he's worried about her kaya siya naroon. Subalit iba ang lumabas sa bibig niya.

"I... I just want to make sure that you're still alive. Nagtataka sina Mackey kung bakit hindi ka na pumupunta sa building namin."

Napakagat labi ito. Kung ano man ang iniisip at nararamdaman nito ay hindi niya alam. She kept her eyes away from him. Kaya paano niya malalaman?

"G-ganoon ba? H-hindi na siguro ako makakapunta doon. Busy na kasi ako. Pakikumusta na lang ako kay Mackey."

'Darn! Bakit ba si Mackey ang naidahilan ko?' Huminga siya ng malalim upang ipunin ang lakas ng loob. Never in his whole damn life na na-offend siya ng ganito sa ibang tao. Sabagay. Hindi na ibang tao si Jazmine ngayon.

"Hindi mo na ba ako pupuntahan doon?"

She became uneasy. Maya-maya'y umiling ito.

"H-hindi na siguro. P-pasensya ka na nga pala sa kakulitan ko, ha? Alam kong sumusobra na ako at naiinis ka na minsan sa akin. Huwag kang mag-alala. Hindi na mauulit iyon. Sige, alis na ako."

Naguguluhang nasundan niya ito ng tingin nang tumalikod ito. Hindi niya alam kung normal lang ba na makaramdam siya ng kurot sa puso sa bawat katagang sinambit nito. It feels like she was leaving him. Parang pagkatapos ng paghaharap nilang iyon ay magbabago na ang lahat sa kanila.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now