CHAPTER SIX

2.7K 69 1
                                    

CHAPTER SIX

NAGLALAKAD si Jazmine papasok sa school ng hapon na iyon. May klase pa kasi sila ngayong alas tres at late na siya. Alanganing oras kasi kaya hindi siya naihatid ng daddy niya at nahirapan na naman siya'ng kumuha ng taxi. Ewan ba niya, malas yata talaga siya sa pagpara ng taxi, palagi siya'ng nilalampasan ng mga ito.

Medyo naiinis siya sa schedule niya ngayong araw. Nakalisya iyon sa schedule ni Kyle. Siguradong nakauwi na ito ngayon.

'Haay. Di bale, may bukas pa naman.'

Tsine-check niya ang assignment niya kung kumpleto nang makarinig ng malalakas na tinig sa daan.

"Sino'ng tinatawag mo'ng basura, ha? Ipapakita namin sa'yo kung sino'ng magmumukhang basura!"

"Makikita mo ang hinahanap mo!"

"Puro kayo satsat! Ipakita niyo sa aksyon!"

Naku, mukha'ng may mag-aaway pa yata sa parte'ng ito. Nilingon niya ang gawi ng school, hindi kita doon ang entrance dahil sa malaki'ng monumento ng paaralan sa tapat.

Ibinaling niya ang paningin sa mga nag-aaway. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maispatan doon si Kyle at si Mackey. Si Mackey ang kaharap ng dalawang estudyante, ang isa ay may hawak pa'ng tubo ang isa naman ay nakitaan niya ng bakal sa kamay. Si Kyle naman ay nakaupo lang sa motorsiklo nito at nanunood sa mga ito.

Nagsimulang sumugod ang dalawa. Naiwasan ni Mackey ang may hawak na tubo at itinulak iyon sa likuran. Ang may puncher naman ay sinipa nito sa tiyan bago sinapak. Mukhang nagalit ata'ng lalo ang may hawak na tubo. Nang tumayo ito ay napabaling ang paningin nito kay Kyle.

"Ikaw? Ano'ng tinitingin-tingin mo diyan, ha? Gusto mo rin ng sakit ng katawan?"

"Si Mackey nga hindi niyo makaya, kaya bakit idadamay mo pa ako diyan? Nakakaantok kayo'ng panuorin." Naghikab si Kyle.

"Ah, ganoon?"

Napatili siya nang sugudin nito si Kyle.

"Oh my God! Kyle!" Nagtatakbo siya palapit dito.

Gulat na napalingon sa kanya si Kyle. Pero agad din ito'ng nakabawi at umiwas sa paghampas ng tubo ng lalaki. Mabuti na lang at hindi ito natamaan pati ang motorsiklo nito.

"Hoy, ikaw! Ako ang kalaban mo, hindi siya!" Hinatak ni Mackey ang lalaki'ng may hawak ng tubo at binigwasan ito.

"Okay ka lang ba, Kyle?" aniya agad nang makalapit dito. "Natamaan ka ba? May masakit ba sa'yo?"

"Gawain mo ba talagang umeksena sa mga away?" kunot na kunot ng noo'ng sabi nito.

Hindi niya pinansin ang kasarkastikuhan ng boses nito.

"Nagulat kasi ako no'ng makita'ng hahampasin ka ng lalaking iyon. You know, ikaw ang involve kaya syempre nag-aalala ako."

"Wala ka namang maiitulong kaya nanahimik ka na lang dapat sa isa'ng tabi."

"Okay, sorry! Nag-alala lang naman talaga ako sa'yo--"

"Whatever." Ibinaling nito ang paningin sa papalapit na si Mackey.

Nainis ba ito sa ginawa niya? Naku, nag-uumpisa pa lang siya sa pagpapa-cute dito. She can't afford to make him totally mad at her. Wala sa loob na nahawakan niya ang braso nito at niyugyog iyon.

"Sorry na."

Napatingin ito sa kamay niya. "Will you take your hands off me?"

Saka niya napansin na masama ang pagkakatingin nito sa kamay niya'ng nasa braso nito. Dali-dali siya'ng bumitaw. "Ay, sorry..."

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon