CHAPTER THIRTY-NINE

3K 68 0
                                    

PINATAY ni Kyle ang makina ng motorbike niya nang maiparada iyon sa garahe nila. He felt good tonight.

And that's because of her.

Napangiti siya nang maalala ang pagkanta ni Jazmine. Simula nang makilala yata siya nito ay palagi na lang nitong idine-dedicate ang lahat ng kinakanta sa kanya. He was thankful, though. Ayaw niya lang talagang nalalagay ito sa mahirap at hindi nito inaasahang sitwasyon.

He hymns what she sang a while ago as he enter their hous. Masaya siya ngayong gabi. Kinausap niya sina Grendle kanina at pumayag ang mga ito sa plano niya sa panliligaw kay Jazmine. Excited pa nga na nagbigay ng suggestions ang mga ito.

"Saan ka galing? Gabing-gabi na, ah."

Napahinto siya. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang sa ibaba ng hagdan ang nakahalukipkip na ina. Saka niya napansin na bukas pa ang lahat ng ilaw sa mansyon kahit hating gabi na. Halatang hinihintay siya nito.

"You don't want to know." Wala siya sa mood na makipag-away dito. Akmang lalagpasan niya ito subalit humarang ito sa daraanan niya.

"I want to know, Kyle," maawtoridad na sabi nito. Tumiim ang pagkakatingin sa kanya. "Are you with her?"

Napabuntong hininga siya. Sinalubong niya ang mga mata nito.

"Yes! Happy now?" sarkastikong sabi niya. Alam na niya ang patutunguhan ng diskusyong ito. And he doesn't want to spoil his mood. Muli niyang sinubukan na lagpasan ito.

Ngunit tila wala talaga itong balak na palayain siya sa usapan na iyon.

"Ano pa bang dapat kong sabihin para layuan mo ang babaeng iyon?"

"You don't need to say anything dahil hindi ko siya lalayuan."

Tila lalong uminit ang ulo nito.

"I can't believe you, Kyle! After her mother did to us? She ruined our family, damn it!"

"No, she didn't. Pareho sila ni dad na sumira sa mga pamilya nila. And I can't blame dad. Ang mommy ni Jazmine ang totoong mahal ni daddy."

"Inakit niya ang daddy mo! God! You're just like your father. So naive! Pero hindi ko hahayaang bilugin din ng anak ng Jessa na iyon ang ulo mo!"

Naiinis na humarap siya dito. Sa mga sinasabi nito ay nasisira na ang gabi niya.

"Bakit ba napakadali mong husgahan si Jazmine? You don't even know her!"

"She's just like her mother! Hindi ko hahayaang sirain ng babaeng iyon ang buhay mo!"

"No, mom! Ikaw ang sumisira ng buhay ko sa mga ginagawa mo!"

"Ako?" Hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya. Pagak itong tumawa. "Ako pa ngayon? I'm just doing this to protect you."

"You're not protecting me!"

"Huwag mo ako'ng sigawan, Kyle! I am still your mother and I'm doing everything para mapabuti ka!"

"Is that so?" nang-uuyam na sabi niya. "Then, you're doing it wrong!"

"What?" Naguguluhang tumingin ito sa kanya.

"You're only doing this for yourself!"

"I am your mother, Kyle, and I only want the best for you. While she, she's just som kind of a girl that will ruim you! Mahirap bang intindihin iyon? How can you be so selfish?"

Hindi na niya napigil ang pag-alpas ng galit at hinanakit sa dibdib. Hindi niya gustong patuloy nitong igiit sa kanya na layuan si Jazmine.

Diretsong tumingin siya sa mga mata nito. Puno ng hinanakit ang mga mata niya. Umaasa siyang makikita din nito doon ang sakit na nararamdan niya.

The Rebel Slam 3: KYLEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt