CHAPTER THIRTY SEVEN

3K 64 0
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

IGINALA ni Jazmine ang paningin sa paligid nang makapasok sila sa malawak na bakuran na iyon. It was Saturday night. Birthday ni Krizhia. Marami na ang mga bisita. Para ngang sila na lamang ni Kyle ang hinihintay.

Ibinaling niya ang paningin sa lalaking kasabay niya. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya may pagkakataon siyang titigan ang kabuuan nito. Napaka-cool nito sa suot na leather jacket with green undershirt at black pants. Magkaterno sila ng get-up. Green blouse and black skirt naman ang suot niya. Gulo-gulo pa rin ang buhok nito pero nakadagdag lamang iyon sa pagka-cool nito. Lalo na ang sukbit nitong gitara. No wonder, almost all girls in that party had their eyes on them… este, on him lang pala.

Napasimangot siya sa obserbasyon sa paligid. Parang gusto niyang sundutin ang mga mata ng mga babaeng iyon.

She took a deep breath to lessen her irritation. Wala na dapat siyang ipagselos o ikainis. Kyle told her he’s going to court her. Ang saya, di ba? Ang haba talaga ng hair niya!

Kyle shifted his gaze on her. He caught her smiling. He smiled back. Para na talaga siyang idinuduyan sa alapaap. Her heart begins to race. Hindi naman talaga ito nabibigong gawin iyon sa tuwingnginingitian siya nito.

“Jazmine!”

Napakurap siya nang marinig ang pangalan. Hindi niya namalayang nakatitig na naman pala siya sa kanyang amore.

“Jazmine!”

Napatingin siya sa kung sinong humatak sa braso niya. It was Krizhia. She composed her sanity immediately and gives her a big smile. 

“Happy birthday, Krizhia!”

“Thanks, Jazmine!” Makahulugang inilipat nito ang paningin kay Kyle. Pati ang kurba ng labi nito at tila may kahulugan din.

“Happy birthday,” kaswal na sabi ni Kyle dito. Tipid na ngumiti lang ito.

“Gift nga pala namin.” Kinuha niya kay Kyle ang hawak nitong paperbag na may lamang box na naka-giftwrap ng pink. She chose what’s inside that box. Kyle paid it. Gusto niya sanang maki-share sa bayad but he insisted.

“Thank you,” Krizhia said sweetly as she reached for the gift. “By the way, Kyle, hinihintay ka nga pala nina Grendle. Naroon sila.”

Sinundan nila ng tingin ang direksyong itinuro ni Krizhia. Nasa tabi ng stage ang mga kaibigan ni Kyle at nakatingin sa kanila. Kumaway pa ang mga ito ng tumingin sila.

“As for Jazmine, hihiramin ko muna siya sa’yo.” Hinawakan ni Krizhia ang braso niya at kumindat pa sa kanya.

Ngunit bago pa siya nito mahatak sa kung saan, naramdaman niya ang paghawak ng kamay ni Kyle sa isang kamay niya. Tila may kuryenteng tumawid doon. Napatingin siya dito.

Nasa mukha nito ang pagtutol.

“Girl’s talk lang naman ito, Kyle. Sandali lang kami. Pramis!” ani Krizhia.

Wala sa sinabi ni Krizhia ang buong atensyon niya kundi na kay Kyle. The way he looks at her. Parang gusto niya nang tumambling sa kilig. Funny, hindi niya magawang kumilos o di kaya ay hatakin ang braso sa hawak nito.

Naramdaman niya ang banayad na pagyugyog ni Krizhia sa braso niya.

“Let’s go, Jazmine. Sandali lang tayo,” pangungulit nito.

Waring nagising siya mula sa pagkawala niya sa titig ni Kyle. Huminga siya ng malalim at ngumiti kay Kyle. Matagal na niyang hindi nakakakwentuhan si Krizhia. Hindi niya pa nga nasasabi dito na nagsabi na si Kyle na liligawan siya nito.

“Sandali lang kami, Kyle. Babalik na lang ako mamaya. Hindi pwedeng hindi.”

She heard Krizhia slightly laugh.

Saglit pa siyang tinitigan ni Kyle. Waring nag-iisip kung papaya ito o hindi.

“I don’t trust, Krizhia.”

“Aba, aba, Kyle. Ngayon mo lang naisipang hindi mo ako pinagkakatiwalaan? Malapit nang matapos ang love story niyo, happy ending na,saka mo pa ako hindi pagkakatiwalaan, ha?” nakapameywang na react ni Krizhia.

Natawa siya sa reaksyon ni Krizhia. Para bang magkamali pa ng salita si Kyle ay sasabunutan na nito.

“It’s okay, Kyle. Diyan lang naman ako dadalhin ni Krizhia. Hindi kami lalayo.”

Ibinalik ni Kyle ang paningin sa kanya.

“Okay. Bilisan niyo lang.”

“Makautos ka, Kyle. Parang kayo na, ah?”

“Krizhia, halika na!” Hindi niya alam kung bakit nag-init ang mga pisngi niya sa sinabing iyon ni Krizhia.

Matapos ngitian ng alanganin si Kyle ay hinatak na niya si Krizhia paalis doon. Kahit na ba hindi niya alam kung saan sila pupunta.

Batid niyang pulang-pula ang mga pisngi niya dahil lang sa sinabi ni Krizhia.

Siguro ay dahil kumakabog na naman ng hindi normal ang puso niya. She kinda feel excited about that thought.

Excited na siyang tawaging boyfriend niya si Kyle.

"Hindi halatang kinikilig ka, friend."

Malawak ang ngiti na bumaling siya kay Krizhia.

"Obvious ba?"

"Asus! Nagtanong pa!" Marahang tinampal siya nito sa braso.

Natawa siya. Oo, tama. Kinikilig na naman pati bangs niya. Si Kyle kasi eh...

Naisipan niyang lingunin ito. Ngunit may pader nang nakaharang sa line of vision niya at sa kanyang irog. Gusto niya sanang sumilip pa dooo pero hinila na siya ni Krizhia papunta sa sala ng bahay nito. Nagulat pa siya nang makitang naghihintay doon si Donita.

"Jazmine!"

"Oh, hi, Donita! Nandito ka pala."

Excited na nilapitan siya nito. Hinawakan kaagad siya sa braso. "Marami kang ikukwento sa amin."

"Tama!" segunda ni Krizhia.

"Teka, hindi niyo muna ba ako papakainin?"

Itinulak siya ng mga ito sa sofa.

"Mamaya na. You need to tell us first what's going on... Kayo ba ni Kyle ay magkasintahan na?" tanong ni Krizhia. "Did we succeed?"

Nakangiting umiling siya.

Napakunot ang noo ng dalawa.

"Bakit?"

"Yeah, bakit nga ba? As far as I can remember, nanliligaw na siya sa'yo, di ba? He even asked me how to court you."

"Talaga, Krizhia?"

"Yeah, he seems serious about that. O, e, bakit nga ba hindi pa kayo?"

"Dapat nang sinabi niyang 'I love you', nag-'I love you too' ka na agad." Natigilan si Donita nang mapansing nabawasan ang ngiti niya. "Hindi pa ba siya nagtatapat sa'yo?"

Tama. Hindi pa nga sinasabi ni Kyle sa kanya ang three magic words na iyon. Hindi naman talaga iyon big deal sana. Masaya siya at ninanamnam niya pa ang sinabi ni Kyle nang nagdaang araw tungkol sa panliligaw nito. Actually, ngayon niya lang napag-isip isip ang tungkol doon.

Bakit nga ba hindi pa nag-a-I love you si Kyle sa kanya?

"Ah! Ang magkakaibigan talaga na iyon. Minsan ay sakit sa ulo," sambit ni Krizhia nang mapansin ang iniisip niya.

"Sabi niya, liligawan niya ako. 'Di ba, ibig sabihin lang niyon na gusto niya ako? At may nararamdaman siya sa akin?"

Tumabi sa kanya si Donita.

"Jaz, mas maganda pa rin na sinasabi. Hindi lang puro gawa. Nakakalito rin minsan ang gawa, eh."

"Oo nga, Jazmine. Ah! Alam ko na! 'Wag mong sagutin si Kyle hangga't hindi siya nagtatapat sa'yo. Ano, okay ba iyon?"

"Paano kung magsabi siya ngayong gabi?"

"Oh, e di, party-party. Sagutin mo na."

"'Wag ka nang magpatumpik tumpik pa!"

Nag-apir pa ang dalawa at naghagikgikan.

Iyan ay kung mag-a-'I love you' na nga si Kyle mamaya. Napabuga siya ng hangin.

"Ako na lang kaya ang unang magsabi?"

Pinandilatan siya ni Donita. "Huwag mong gagawin 'yan, Jazmine."

"Trabaho ng lalaki iyon, ano? Kailangan din naman nating magpakipot."

"Eh... Kung gano'n, tutulungan niyo ba akong mapagtapat siya?"

Nagkatinginan ang dalawa. Parehong may pilyang ngiti sa mga labi. Pero bago pa makapagsalita ang mga ito ay sumingit si Hanna. Kasama nitong pumasok doon ang iba pang kabanda ni Krizhia, sina Mia at Bob.

"Krizhia, naka-set na ang stage."

"Gano'n ba? Paunahin niyo nang tumugtog ang mga rebeldeng kolokoy na iyon." Pagkatapos ay malawak ang ngiting hinarap siya ni Krizhia. "Ofcoarse we will help you. What are friends for, right?" Kumindat pa ito sa kanya.

To be continued...

The Rebel Slam 3: KYLEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora