CHAPTER TEN

2.7K 69 0
                                    

CHAPTER TEN

"ANO 'yan?" nakasimangot na sabi ni Kyle nang ilabas niya mula sa likod ang kinuhang pagkain kanina sa buffet table.

"Food. Ikinuha na kita. Baka kasi gutom na, eh. Sabi nina Aser, wala ka naman daw arte sa pagkain. Kaya, heto na." Iniabot niya dito ang hawak with matching beautiful smile.

Kunot-noong tinitigan nito iyan. Pinagbuti niya ang pananalangin sa lahat ng santo na sana ay tanggapin nito iyon.

Ibinalik nito ang paningin sa kanya. "Kaya ko'ng manguha ng sarili ko'ng pagkain."

"Papagurin mo pa ang sarili mo? Saka, kinuha ko talaga ito para sa'yo," giit niya. 'Lord, please naman, oh. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ang kahilingan ko.'

Habang hindi ito umiimik ay padagdag ng padagdag ang kaba niya. Medyo nawawalan na siya ng pag-asa. Nasa kalagitnaan siya ng pagre-recite sa isip ng 'Our Father' nang kumilos ito. Kinuha nito ang plato ng pagkain sa kamay niya!

"Sa susunod, huwag mo na ulit ako'ng ikukuha ng pagkain. I don't need your help. Kaya ko'ng kumuha ng sarili ko." Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Naiwan siya'ng natitigilan. Totoo ba'ng tinanggap ni Kyle ang binigay niya dito? Napatingin siya sa kamay. Wala na nga doon ang plato. Totoo nga ang nangyari!

Kasabay ng reyalisasyon na iyon ang pagguhit ng malapad na ngiti sa mga labi niya.

"Yes!" Napatalon pa siya at napasuntok sa hangin. Mukha'ng unti-unti na'ng nagkakaroon ng kinabukasan ang pagsinta niya kay Kyle! 'Wagi!'

Nang makabawi sa saya ay agad niya'ng hinanap ang binatilyo. Kasama na ito ng mga kabanda nito sa isa'ng mesa at nagsisikainan na.

Napagdesisyunan niya'ng maki-join sa mga ito. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang nang may tumawag sa kanya.

"Jazmine!"

Napalingon siya sa pinanggalingan niyon. "Dad!"

"Kanina pa kita hinahanap na bata ka," anito nang tuluyang makalapit.

"Bakit niyo po ako hinahanap?"

"Let's go home."

"Po?" Napakunot ang noo niya. "Bakit po? Kadadating lang natin, ah?" 'Hindi pa ako nakakapagpa-cute ng bongga kay Kyle my labs, eh!'

Kung malalaman lang ng ama ang nasa isip niya, malamang ay kinaladkad na nga siya nito pauwi.

"Hindi ko gusto ang layunin ng project na pinaplano nina Senator. Kaya there's no reason for us to stay."

"Pero maaga pa, dad!"

"Jazmine--"

"Hi, Tito Rey!"

Sabay sila'ng napalingon ng ama sa sumingit na iyon. Nagkaroon siya ng pag-asa ng mapagsino iyon.

"O, Krizhia, iha. Kumusta?"

"Hi, Tito Rey! Mabuti naman po ako," malambing na sagot ni Krizhia. "Kayo po ba?"

"Heto, okay lang din naman. Tutugtog ba kayo dito?" Tumingin ito sa nakasukbit na gitara ni Krizhia. "Napakatalented talaga ng anak ni Aliyah."

"Hindi naman po. Tito, talaga." Nahihiyang tumawa si Krizhia. "By the way, Tito, uuwi na po ba kayo?"

"Oo, eh. May trabaho pa ako bukas."

"Pwede po ba'ng dito muna si Jazmine? Ako na lang po amg maghahatid sa kanya mamaya." Palihim siya'ng kinindatan nito.

"Ha? Ah, eh..." Tumingin sa kanya ang ama.

Pinagmukha niya namang kaawa-awa ang itsura. "Sige na, dad. Minsan-minsan lang naman ito, eh."

"Oo nga naman, Tito. Besides, ako naman ang kasama niya. Hindi ko pababayaan si Jazmine, promise!" Itinaas pa nito ang isang kamay.

Napabuga ng hangin si Rey. "Okay, girls. But Jazmine, I'm just giving you until eleven, okay?"

Nanlaki ang singkit niya'ng mata.

"Wow! Yes, dad! You're the best!" Sa sobrang tuwa ay niyakap niya pa ito at hinalikan sa pisngi.

"Hmm. Nambola ka pa." Bumaling ito kay Krizhia. "Hanggang eleven lang si Jazmine, ha, iha?"

"Yes, Tito Rey! Sakto'ng eleven naroon na si Jazmine!"

Matapos ng ilang paalala ay umalis na rin ang daddy niya doon para umuwi.

"May dalawa't kalahating oras ka pa pala para makapanligaw sa taong-bato," ani Krizhia habang palapit sila sa mesa'ng kinauupuan nina Grendle, Aser at Kyle. Sina Clyde at Mackey ay nasa isang umpok ng mga babae sa kabilang mesa.

"Yeah. Buti nga hanggang eleven na ako ngayon. Dati, hanggang alas dyes lang ako."

"Kaya nga sulitin mo na ang gabi'ng ito."

"Syempre!"

Malawak ang pagkakangiti niya nang ibaling ang paningim sa mesa. Napatabingi nga lang iyon dahil wala sa kanya ang atensyon ni Kyle kundi nasa plato nito.

"Loves, saan ka galing?" salubong ni Aser kay Krizhia. Tumayo ito at ipinaghila ng upuan ang nobya.

"Ipinagpaalam ko lang si Jazmine sa daddy niya. Uuwi na kasi dapat sila."

"Ganoon ba?"

Naupo siya sa silya'ng katabi ni Kyle na tila wala pa ring pakialam sa paligid.

"Buti nga pinayagan ako ni Daddy, eh," aniya sa mga ito. Bumaling siya kay Grendle na abala sa cellphone nito. "Nasaan si Donita?"

Nang marinig ang pangalan ng nobya ay agad ito'ng nag-angat ng paningin. "Ha?"

"Si Donita, nasaan?" esplika niya.

"Ah... Nasa bahay nila. Wala kasing kasama ang kapatid niya doon ngayon kaya hindi na lang siya sumama dito."

"Maloko nga si Donita. Sasabihin ko'ng nambababae ka dito." Inilabas ni Aser ang cellphone nito.

"Don't bother, Aser. Hindi siya maniniwala sa'yo. Magkatext kami ngayon."

"Maniniwala siya sa akin. Kyle, itext mo rin si Donita."

Tila noon lang nakasumpong ang binatilyo. Taas ang dalawang kilay na nag-angat ito ng paningin. May nginunguya pa ito sa bibig.

"Lalo namang hindi papaniwalaan ni Donita si Kyle, ano?" singit ni Krizhia.

Nilunok muna ni Kyle ang kinakain bago nagsalita. "Bakit nasama ako diyan?"

"Wala naman. Kumain ka na lang ng kumain diyan," nakangising sagot ni Aser. Malambing na inakbayan nito si Krizhia. "Loves, bagay pala sila'ng dalawa, ano?" Inginuso sila nito.

Napangiti siya. Nagustuhan niya ang sinabi nito'ng iyon. Ibinaling niya sa katabi ang paningin upang malaman ang reaksyon nito. Subalit wala na sa kanila ang atensyon nito kundi nasa pagkain na naman.

"Kyle, mukhang nagutuman ka na naman, ah!" buska dito ni Grendle habang tuloy ang pagtitext. "Pansinin mo naman si Jazmine."

'Sige lang. Tudyuin niyo pa kami. Masaya iyan! He-he.'

Inabot niya ang baso ng tubig at inilapit iyon sa kanyang irog.

"Tubig, o."

Tumingin ito sa baso pagkatapos ay sa kanya. Tumahip bigla ang dibdib niya nang magtama ang mga paningin nila.

Umawang ang mga labi nito na tila may gustong sabihin subalit bandang huli ay nagkibit-balikat na lang.

Itinuon nito'ng muli ang paningin sa plato nito.

Nakapangalumbaba na humarap siya dito. Nakuntento na lang siya sa pagmamasid dito. Napakasarap talaga nito'ng panoorin kahit ano ang ginagawa nito.

"Kyle, gusto mo pa ba?" Malapit na kasi'ng maubos ang pagkain nito.

Inabot nito ang basong inilapit niya at uminom doon. Lihim na umawit ang puso niya. May future na talaga siya dito!

Umiling ito pagkatapos. "Ayoko na. Ayoko'ng kumain nang may nakatitig sa akin."

Saka niya lang napansin ang ginagawa niya'ng pagtitig dito kanina pa. Ngunit sa halip na alisin dito ang mga mata ay mas lalo niya pa'ng pinag-igi ang pagtitig dito.

"Kahit ako lang ang nakatitig sa'yo?"

Bigla ito'ng humarap sa kanya. Tila wala'ng anuman dito na dumeretso sa mga mata niya ang mga mata nito. Hindi tuloy niya alam kung paano aawatin ang puso sa pakikipagkarerahan. Unti-unti'ng inalis ng mga mata nito'ng iyon ang lahat ng laman ng utak niya!

"Will you stop staring at me?"

Nagulat pa siya nang magsalita ito. Inabot ng ilang sandali bago mag-sink sa utak niya ang sinabi nito. Pero syet lang! Hindi niya maalis ang mga mata sa kulay tsokolateng mga mata nito!

"I-ikaw... ikaw rin kaya." Kahit na siya ay hindi naintindihan kung ano ang sinabi niya. Bahala na. Wala siya'ng kakayahang mag-isip ng tama ngayon.

"Tss..." Napailing ito. Laking dismaya niya nang iiwas nito ang paningin. "You're hopeless."

Hindi na niya inintindi ang sinabi nito. May aftershock pa siya sa pagtititigan nila ni Kyle. Aaminin niya, sobrang kinikilig pa rin siya kahit ilang segundo o minuto niya lang ito'ng nakatitigan. For her, it felt like years. Mukhang hindi siya basta-basta makakatulog nito mamaya!

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon