CHAPTER NINETEEN

2.7K 65 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

"NASAAN sina Mackey at Clyde?" anang kadarating na si Aser. Agad nito'ng dinampot ang bass at itinono iyon.

"Hindi pa sila dumadating. But I already texted them," sagot ni Grendle.

Napabunto'ng hininga si Aser. "Sigurado'ng nambababae na naman ang dalawa'ng iyon."

"Kung wala ka'ng Krizhia, I'm sure, kasama ka rin nila." Tinipa niya ang kanta'ng pinag-uusapan nila ni Grendle na tutugtugin sa acquaintance party. Naimbitahan kasi sila na tumugtog doon.

"Yeah. Kyle is right, Aser. Thanks to Krizhia," tatawa-tawa'ng sabi ni Grendle.

Nangingiti'ng napailing ang kaibigan nila. "Kayo talaga... O, nandito pala si Jazmine?" Kinawayan nito ang dalagita'ng nakaupo sa sofa. "Hi, Jazmine!"

"Hi, Aser! Nasaan si Krizhia?"

"May klase pa siya ngayon. Susunduin ko nga siya mamaya, eh."

"Nandito rin ako, Aser."

"Lagi ka naman nandito, Donita. What's new? By the way, buti naisama mo dito si Jazmine?"

"Naku, hindi si Donita ang nagsama sa akin dito."

"Ha? Eh, sino?"

Nag-angat ng paningin si Kyle at tumingin sa kaibigan. "Ako. Bakit, may problema ba?"

Umangat ang dalawa'ng kilay nito nang bumaling sa kanya. Tila hindi makapaniwala. Pero maya-maya'y sumilay ang nanunudyo'ng ngiti sa mga labi nito.

Gusto niya'ng mainis sa ngiti'ng iyon.

"Oh, I see," tumatangu-tango pa'ng sabi nito.

Napailing na lang siya. Sigurado'ng kukulitin siya ng mga kaibigan kapag sila-sila na lang. Sigurado kasi'ng nagtataka ang mga ito kung bakit niya isinama ang dalagita doon.

Kung siya ang tatanungin, hindi niya rin alam kung bakit. Basta... Basta lang. Lahat ba kailangan ng reason? Basta nahihirapan siya'ng tanggihan ito, period!

"Hi, everyone! Sorry we're late!"

Pumasok ng music room sina Clyde at Mackey. All smiles agad ang mga ito.

"What a dramatic entrance," narinig niya'ng sabi ni Aser.

"They look very happy," wika ni Grendle.

"Sigurado'ng may nabiktima na naman ang dalawa'ng iyan," sabi naman niya.

Palapit na ang mga ito sa set nang mapagawi ang paningin sa sofa. Lumawak ang ngiti ni Clyde nang makita si Jazmine.

Parang pinagsisisihan na tuloy na na isinama doon ang dalagita.

"Hi, Jazmine la--"

"Clyde!" maging siya ay nabigla sa lakas ng boses niya. But who cares? Ang mahalaga ay mailigtas niya si Jazmine sa mga kamay nito. "You're already late. It's better if we will start practicing. Para matapos tayo ng maaga. Marami pa ako'ng gagawin. Gagawa pa ako ng plate."

***A/N: PLATE - ang nakakaistress at madugo'ng DRAWING ng mga engineering students. ***

Halata'ng nagulat si Clyde. Ngunit mabilis ito'ng nakabawi. He can't blame him, as far as he knew, this is the first time na nagtaas siya ng boses.

"O, cool lang, 'tol Kyle. I'm just going to say 'hello' to Jazmine."

Tinapik ito sa balikat ni Mackey. "Dude, I told you for a million times, taken na si Jazmine. Magagalit lang si Kyle sa'yo kapag ipinilit mo pa rin iyan."

The Rebel Slam 3: KYLEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora