CHAPTER THIRTY FIVE

3K 75 0
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

"FRANCISCO and Jessa were childhood sweethearts. Mula highschool hanggang sa makatapos sila ng pag-aaral. Francisco loved Jessa so much. And she loved him too," kwento ni Rey.

Nakikinig lamang sina Jazmine at Kyle sa sinasabi nito. Pagkatapos magpalit ng damit ng lalaki ay bumaba sila sa study room kung nasaan ito. Sabi nito ay kailangan nilang marinig ang buong kwento ng nakaraan. Hindi lamang ang version ni Karen ang dapat na pakinggan.

Nilingon ni Jazmine si Kyle. Nakatingin ito sa daddy niya. Wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito.

"While me, I'm just a friend of Jessa's family. Isa lang ako sa mga matitigas ang ulong manliligaw ni Jessa kahit na alam ko na may nobyo na siya. Si Karen naman, she's a childhood bestfriend ni Francisco. Siya ang unang nag-manage sa banda. Barkada sila, eh. Tutal hindi magaling kumanta si Karen at walang gaanong alam sa instruments, nagpresinta siyang imanage na lang ang banda."

"Nagtataka siguro kayo kung bakit napasama kami ni Karen sa picture nina Francisco at Jessa? It started when Francisco's band was getting popular. Sikat na sikat na ang banda maging sa ibang bansa. Kapag nagkakaroon sila ng gig sa ibang bansa, Jessa was patiently waiting for him. Kahit na siguro ilang taon pang magshow sina Francisco sa ibang bansa, hihintayin niya pa rin ito. But something happened. Nabalitaan ni Jessa na may ibang babae si Francisco. She confronted him na nauwi sa mainit na pagtatalo. After that, saktong nakita ko siya na umiiyak. Lumapit ako sa kanya. I used to be her shock absorber and a bestfriend. Okay lang sa akin. Mahal ko naman siya, eh. But I know, hindi ako ang gusto niyang makasama."

"Doon nagsimula. Nabalitaan ni Francisco ang tungkol sa amin. They had a fight again. Sa akin tumakbo si Jessa after that. One day, she came to me and said, she talked with Karen. Karen said na merong nangyari sa kanila ni Francisco. And that she was pregnant." Tumingin ito kay Kyle. "Ikaw ang ipinagbubuntis niya noon, Kyle. But Karen knew that your dad loved Jessa. Kaya sinabi niyang lalayo na lang siya. Ayaw niya ring maging problema ng magkasintahan. It was just a mistake. Hindi sinasadya nina Francisco at Karen ang nangyari."

"But then, Jessa do the right thing. Nakipagkalas siya ky Francisco kahit na mahal na mahal niya ito at tinanggap ang kasal na alok ko. Ayaw niyang mawalan ng ama ang magiging anak ni Francisco. She doesn't want you to grow without a father, Kyle. Kaya kahit na mas nasaktan siya ng iwan si Francisco, kinaya niya iyon para sa 'yo." Mapait na ngumiti si Rey.

Napayuko na lamang siya. Hindi niya kayang magsalita. Alam niyang mabait ang mommy niya. Hindi niya alam na ganito pala ito kabait. Parang nagsisisi na siya sa paghusga dito nang sabihin ni Karen ang mga iyon sa kanya.

Wala pa ring imik si Kyle sa upuan nito.

Her father continued.

"After several years, they met each other again. Iyon ang mga panahon na palagi nang nawawala sa bahay si Jessa. Then she confessed to me, nagkikita ulit sila ni Francisco. And that she still loved him. Noon hanggang nang mga panahon na iyon, si Francisco lang. She said sorry to me. She knew her mistakes. Pero hindi sapat iyon para makaya niyang iwasan ang totoong mahal niya lalo na at lumalapit ulit ito sa kanya. All those years na hindi sila nagkita, they still loved each other."

"At iyon ang hindi matanggap ni Karen. Siya ang pinakasalan pero wala sa kanya ang atensyon ng asawa. Francisco loved her son pero siya ay hindi makuha ang pagmamahal na iyon. Lalo na at natutunan na rin niyang mahalin ang asawa niya. She learned about Jessa and Francisco. Kinausap niya ulit si Jessa. That time, pinapalayo na niya sa asawa niya ito. They both had a family at hindi gugustuhin ng mga anak nila na malamang may third party sa pamilya nila."

"One day, sinabi ni Jessa sa akin na makikipagkalas na siya ng tuluyan kay Francisco. She said, it's for the best. Para sa kanya-kanya nilang pamilya. You see, I remained to be her bestfriend kahit na mahal na mahal ko siya. I don't know. I..." Umiling ito at bumuntong hininga. Itinuloy nito ang pagkukwento. "Then, pumunta si Jessa sa tagpuan nila. That day, naganap ang aksidente na ikinamatay ni Francisco. That was one of the bitter fact for Karen. Hanggang sa kamatayan ay si Jessa pa rin ang minahal ng asawa niya."

"You don't know how my wife blamed herself. Noong una ay gusto na rin niyang mamatay. Pero lagi kong ipinapaalala sa kanya ang anak niya. So, she lived for her daughter. But really felt sorry about Francisco's son. Kung nakita ka lang sana niya noon, Kyle, she would personally apologize. But she died because of an illness." Pumiyok ang boses nito nang sabihin iyon. Kinailangan nitong tumikhim para ibalik ang composure. "Before she died, ipinagbilin niya sa akin na kapag nakita ko ang anak ni Francisco, she wanted me to say sorry for her. Hanggang nang mga oras na iyon ay sinisisi niya pa rin pala ang sarili niya sa pagkamatay ni Francisco." Huminto ito at bumuntong hininga upang alisin ang paninikip ng dibdib. Pagkuwa'y tumingin ito sa binatilyo. "So, here I am now, Kyle. I wanted to say sorry in behalf of my wife."

Lumipad ang paningin niya sa ama. Her tears were streaming down her face. Hindi niya akalaing bababa ang kanyang ama para sundin ang sinabi ng kanyang ina. And she knew, hindi lang nito iyon ginagawa para sa ina niya, kundi para din sa kanya.

Nilingon niya si Kyle para makita ang reaksyon nito. Tila nagulat ito sa sinabi ng lalaki. Nakaawang ang mga labi nito habang nakamata sa daddy niya.

"There's no reason for you to hate Jazmine or yourself. Wala kayong kasalanan sa nangyari noon. Ang kailangan lang sisihin ay kami ng mga magulang ninyo. We made everything complicated," dagdag ng daddy niya.

Inilipat ni Kyle ang paningin sa kanya. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ang paglambot ng itsura nito.

"Kyle, Jazmine, please forgive us."

Napatingin siya sa daddy niya. Ito ang lalaking nag-alaga sa kanya at gumabay habang limalaki siya. Ito ang nagbigay sa kanya lahat ng gusto niya. He was the first who made her feel that she was loved. How could she hate him? Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at umiiyak na yumakap dito.

"I'm sorry, dad. I'm sorry."

Gumanti ito ng mahigpit na yakap. Hindi na rin nito napigil ang pagluha. Nang mahimasmasan ay naghiwalay sila. Pansamantala niyang nalimutan niyang nasa loob din ng kwartong iyon si Kyle. Nang bumaling siya dito ay nakatingin lamang ito sa kanila. There's a fondness on his eyes.

Nang mapansin sigurong nakatingin sila dito ay tumikhim ito.

"It's... It's o-okay. I can't hate... my dad. And I can't find a reason to hate Jazmine's mother. I-I was just confused."

Ikinurap niya ang mga mata. Tama ba ang narinig niya? Hindi talaga ito galit? Parang gusto niya biglang sugurin ito ng yakap. Pero baka kapag ginawa niya iyon ay igarapon na siya ng daddy niya.

She saw her dad smile. "Thank you, young man." Tumayo ang daddy niya at tinapik ang balikat ni Kyle. "Maluwag na ang pakiramdam ko ngayon."

Tumango si Kyle. Tipid itong ngumiti. "And thank you for telling me these, sir."

Lumuwag ang ngiti ni Rey. "You should start calling me 'daddy' now, young man. Come, let's have dinner."

Hindi lang si Kyle ang nabigla sa sinabi nito. Pati siya! 'Daddy', hm? Ang daddy niya talaga, oh! Pinapasaya siya!

Nagkatinginan sila ni Kyle. He shrugged. Then he followed her father outside.

Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagkislap ng mga mata ni Kyle. Napangiti na rin siya ng maluwag ang sumunod sa mga ito.

Sa wakas, tapos na ang nakakatensyong kabanata sa buhay nila. At hindi nagalit si Kyle sa kanya! Parang masaya pa nga ito sa ipinapatawag dito ng daddy niya.

Dapat na rin ba siyang magsaya? Maybe. Kakampi naman nila ang daddy niya ngayon. Wala na naman sigurong magagawa ang mommy ni Kyle...

-------------------------------

HINDI alam ni Jazmine kung saan babaling habang nakahiga sa kama niya. Tahimik na ang buong kabahayan. Tulog na ang lahat. Pero siya ay hindi makatulog. Iniisip niya ang lalaking umu-okupa ng guest room.

Hindi na niya ito nakausap matapos ang dinner dahil pinaakyat na siya ng ama sa kwarto. Ang katwiran nito ay maaga pa ang pasok niya kinabukasan. Kahit napipilitan ay sumunod na lang siya. Naiwan ito sa si Kyle sa living room.

Kung may pinag-usapan man ang mga ito o wala, o naglaro lang ng chess, hindi niya alam.

Wala namang saysay ang maagang pagpapatulog sa kanya ng ama. Hanggang ngayon nga ay gising siya.

She frustratedly grab her cellphone. It was already twelve in the midnight. Parang gusto niyang suntukin na lang ang sarili para makatulog. But she changed her mind, baka magkapasa pa siya kapag ginawa iyon.

Instead of putting back her cellphone on her side table, itinext niya si Kyle. Naghintay siya ng ilang sandali. Walang reply. Idinayal na niya ang cellphone number nito. Unfair naman kung hindi siya makatulog dito habang mahimbing ito sa guest room. Kung tulog na ito, na sigurado naman dahil antukin ito, at walang sasagot ng tawag niya, hahayaan niya na lang.

Nagulat na lang siya nang marinig ang isang ring tone sa loob ng kwarto niya. Napabalikwas siya ng bangon. Sure siyang ringtone iyon ng cellphone. Kelan pa naging dalawa ang cellphone niya?

Tumayo siya at sinundan ang tunog na iyon. Galing sa banyo! And there she saw the ringing cellphone over the sink. She pressed the end call. Tumigil din iyon sa pagtunog.

Kay Kyle ang cellphone na ito. Malamang na nalimutan nito iyon nang magpalit ito ng damit. O baka ipinatong lang doon ng katulong nang kunin nito ang mga basang damit para labhan.

Dinampot niya iyon. Lumabas siya sa banyo. Hindi niya mapigilang kalikutin ang cellphone nito. Maraming new messages recieved at marami ring miscalls ang naroon. Including her text and call. Ang iba ay galing sa mga kabanda nito. Binasa niya ang isang galing kay Grendle. Hinahanap nito si Kyle. May gig pala ang mga ito ngayon pero hindi sumipot ang binatilyo.

Another message is from Kyle's mom. She was surprised when she saw the registered name. It's just simply 'Karen'. Pansin niyang lahat ng pangalan doon ay puro first name lang. Anyway, she opened one of Kyle's mother's message. Hindi niya mapigilan ang curiousity.

Tulad ng kay Grendle, hinahanap din nito si Kyle. But not because of gig. Saan na naman daw natulog si Kyle at hindi na naman umuwi. Napakunot-noo siya. Ilang araw na bang hindi umuuwi ang lalaki?

Wala siyang mahagilap na sagot sa isip. Si Kyle lang ang makakasagot niyon. Napagpasyahan niyang tingnan kung tulog na nga ito. Kakatukin lang naman niya ang guest room. Kapag walang nagbukas, siguradong tulog na ito. Ipagpapabukas na lang niya ang pagtatanong.

Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa tapat ng guest room. But before she could knock at the wooden door, napansin niyang bukas ang pinto sa verandah nila at parang may tao sa labas.

Lumakad siya palapit doon para makasiguro. Nayakap niya ang sarili nang sumalubong sa kanya ang malamig na hangin. Tumila na ang ulan.

Wala siyang nakita sa tapat ng railing. Kunot-noong lumapit siya doon. Nalimutan lang bang nakabukas ang pinto dito sa verandah?

"Bakit gising ka pa?"

Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likuran niya. Sa klase ng tibok ng puso niya, kahit hindi siya lumingon ay kilala na niya kung sino ang may ari ng boses na iyon. Isa lang naman ang nakakapagpatibok ng ganito sa puso niya.

Nakita niya si Kyle na nakasandal sa pader. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanya. Nasa liwanag man ito o nasa dilim, guwapo pa rin ito sa paningin niya.

"Ah. K-kasi..." Naalala niya ang hawak na cellphone. Itinaas niya iyon. "I-ibabalik ko lang sana sa 'yo ito."

Lumapit ito sa kanya. Pakiramdam niya ay sumikip ang mundo niya nang huminto ito sa harapan niya. But she likes this feeling. Basta si Kyle ang nasa malapit.

Kinuha nito ang cellphone sa kanya.

"Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?"

"May iniisip lang ako." Ibinulsa nito ang cellphone nang hindi iyon tinitingnan. Nakapamulsang humarap ito sa railing.

Tumabi siya dito. "Hindi pwedeng i-share?"

"Hindi."

"Kahit i-like o mag-comment?"

Biglang sumikdo ang puso niya nang ibaling nito ang paningin sa kanya. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi. Alanganing ngumiti siya dito.

"N-nasaan nga pala ang motosiklo mo?" pag-iiba niya ng usapan.

"Naiwan ko sa school."

"Ah..."

"After this night, iiwasan mo pa rin ba ako bukas?"

Nabigla siya sa tanong nito. "Hindi." Mas nabigla siya sa mabilis na sagot niya. "I-I mean, bakit naman kita iiwasan, di ba?"

"Kahit... gawin ito?"

"Ha? A-ano'ng--"

Napatigil ang pagsasalita niya at nabitin ang hininga niya nang ilapit ni Kyle ang mukha sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya while telling herself not to panic and close her eyes. Baka nilalansi lang siya ulit ni Kyle. Ayaw naman niyang ipahalata na payag na payag siyang magpahalik dito.

But to her surprise, naramdaman niya ang pagsayad ng mainit na labi nito sa labi niya. Hindi niya mapigilan ang pagsinghap. Wala na. Nalimutan na niya ang mundo. Tila nasa ferris wheel siya na napakabilis umikot. All she can do is to close her eyes and feel his mind blowing kiss. Ang alam na lamang niya ay ang malakas na pagdagundong ng mga mala-drum na kabog ng puso niya.

This is definitely a night to remember!

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now