CHAPTER TWENTY ONE

2.8K 62 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

INIHATID niya si Kyle sa motorsiklo nito. Gabi na rin nang payagan itong makauwi ng daddy niya. Nagkataong kakilala ni Rey ang ama ni Kyle na si Francisco Albarda. And they were friends way back then. Maraming ikinwento ang lalaki tungkol sa ama ni Kyle dito.

Isa pala sa pinakamagagaling na gitarista ang daddy ni Kyle sa buong bansa. Kasali ito sa isang legendary band na tinitingala kahit ng henerasyon ngayon. But sad to tell, namatay ang lalaki sa isang car accident eleven years ago. Dahil doon ay nag-disband ang banda nito bilang paggalang na rin sa pagkawala ng gitarista.

She feels so sorry about Kyle while her dad is telling it. Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Kyle habang nakikinig. Gayunpaman ay halatang interesado ito sa mga kwento tungkol sa daddy nito.

"'Sensya ka na kay daddy, Kyle. Ginabi ka tuloy. Di ba maggagawa ka pa ng drawing niyo?" aniya nang makarating sa motorbike nito.

"It's okay. Nag-enjoy naman ako sa pakikinig sa daddy mo." Sumakay ito sa motorbike nito.

"I'm sorry about your dad." Malungkot na nginitian niya ito. "Sabi ng mga kaibigan mo, bigay daw sa'yo ng daddy mo ang necklace na ito," turo niya sa kwintas na may palawit na gitara.

Tumingin ito sa doon. "Yeah." Inabot nito iyon at hinawakan ang pendant. Parang nahirapan tuloy siyang huminga nang dumaiti sa ibaba ng leeg niya ang kamay nito. "He gave me this when I was three. Sabi niya, I can be the best like him."

"You are."

Umaangat ang mga mata nito sa mukha niya. Tipid na ngumiti ito at umiling. Binawi nito ang kamay. Nilaru-laro ng daliri nito ang manibela ng motorbike nito. Doon ito nakatuon.

"I don't know. I was six nang mamatay siya. Kakaunti lang ang panahong nagkasama kami. Hindi ko nalaman kung gaano siya kagaling."

Tila may malamig na kamay na humaplos sa puso niya. Parang gusto niyang haplusin ang malungkot na mukha nito. Inaayos niya ang mukha at tinapik ito sa balikat. Gusto niyang pagaanin ang sitwasyon.

"Ano ka ba! Mana ka sa daddy mo kaya magaling ka rin maggitara. There's no doubt about that."

Tumingin ito sa kanya. Tila nadoble ang pintig ng puso niya sa tingin na iyon.

"Thank you. You're making me feel good all the time. Pakisabi sa daddy mo na salamat."

He smiled. No wonder, malawak ang pagkakangiti niya ngayon.

"Talaga? Sabi ko na sa'yo, sa akin ka magdididikit. Goodvibes tayo palagi. Lalo ka lang mai-stress kapag sina Mackey ang kasama mo."

Lumawak ang ngiti nito. She can see amusement on his eyes. Tila may nagsiawitang mga anghel sa puso niya.

"I'm going."

Ilang saglit pa siya nitong tinitigan bago buhayin ang makina ng motorsiklo nito. Gusto niyang habulin ang paningin nito nang iiwas nito iyon sa kanya.

'Naman! Ang sarap pa ng feeling ko habang katitigan ka, eh. Pwede ba'ng mamaya ka na lang umuwi?' gusto niyang sabihin. Ngunit naalala niyang kanina pa nga pala ito sa kanila. Baka hinahanap na rin ito ng pamilya nito.

"Sige, ingat ka na lang sa daan. Salamat at pinagbigyan mo ang daddy ko." Lumapit siya dito. Balak niya sanang halikan ito sa pisngi dahil sobrang natutuwa siya dito ngayon. "Thanks for this night."

Pero hindi niya inaasahang lilingon ito sa kanya. Nagkagulatan pa sila nang dumapo ang halik niya sa gilid ng labi nito. Tila nakuryenteng inilayo niya ang mukha dito. Dali-dali siyang dumistansya dito.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now