CHAPTER NINE

2.6K 60 0
                                    

CHAPTER NINE

"I'm at the payphone trying to call home

All of my change I spent on you

Where have the times gone

Baby, it's all wrong, where are the plans we made for two?..."

"Wow! May bago sa Rebel Slam?"

"Oo nga! At ang gwapo niya rin!"

"Nadagdagan na naman ang mga crush ko!"

Waring ini-electrify na tumili ang kumpol ng mga babaeng nasa harapan ni Jazmine.

Napaismid si Jazmine. Huwag lang aangkinin ng mga ito si Kyle at magkakamatayan sila. Muli niya'ng itinuon ang paningin sa stage. Itinaas niya ang camera niya. Gusto niya sana sa frontrow para makakuha ng mas malinaw na shots pero hindi siya makasingit sa mga babaeng ito. Pribado na nga ang party na iyon pero nakasunod pa ang mga hitad na ito.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya nang masilayan si Kyle. Mas lalo pa siya'ng natuwa nang maganda ang nakuha niyang picture nito. Sa tuwa ay sumabay pa siya sa kantang iyon.

"I've wasted my nights

You turned out the lights

Now I'm paralized

Still stuck in that time when we call it love

But even the sun sets in paradise..."

Ang galing talagang kumanta ni Grendle. Kahit ano ang ipakanta dito ay nakakanta nito ng maayos at may dating. She can't blame other girls to envy Donita. Napakaswerte nito at ito ang minahal ng bokalista.

Maswerte din si Krizhia kay Aser. She can see that Aser loves Krizhia that much. Okay lang sa lalaki na mapagsabihang takot kay Krizhia. On the other hand ay totoo naman kasi iyon.

While, Kyle, bakla man ito o ano pa man, she doesn't care. Gagawin niya ito'ng straight na lalaki. Ewan ba niya kung ano ang nakita niya dito at ganito siya kapatay dito. Siguro, sa lahat ng ginusto niya, ito ang pinakamahirap makuha.

'Basta. Whatever happens, Kyle my loves, ako'y sa'yo at ika'y akin lamang.'

"I'm at the payphone trying to call home

All of my change I spent on you

Where have the times gone

Baby, it's all wrong, where are the plans we made for two?

If happy ever after did exist

I would still be holding you like this

All thos fairytales are full of sh*t

On more stupid love song I'll be sick..."

"Now I'm at a payphone..."

"Jaz!"

Napatigil siya sa pagkanta nang may humawak sa braso niya. Napatingin siya doon.

"Krizhia!"

Nang hatakin siya nito ay nagpahinuhod na siya. Hindi kasi sila magkarinigan doon.

"Kanina pa kita hinahanap," anito.

"Si Daddy kasi, eh. Napakatagal gumayak kaya hayun, late na kami nakarating dito. Sakto'ng Rebel Slam ang tutugtog. Buti na lang umabot ako."

"Gano'n ba?" Tinapik siya nito sa braso. "Sinabi ko na sa'yo, huwag ka'ng makikihalo sa mga fans nila."

"Sorry, I can't help it. Gustung-gusto ko'ng nakikita ng malapitan si Kyle habang tumutugtog." Muli siyang tumanaw sa stage at kinikilig na tumili. "Ang gwapo mo talaga, Kyle! Kaya nga labs na labs kita, eh!"

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now