CHAPTER TWENTY FIVE

2.6K 72 0
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

"HINDI pumasok si Kyle?" parang gusto niyang magwala. Buong weekends niya itong hindi nakita after the acquaintance party pagkatapos ay hindi pa ito pumasok ngayon? Miss na miss na niya ito! "Baka naman pinagti-trip-an mo lang ako, Mackey?"

"Hindi, ah! Jaz naman. Magagawa ko ba sa iyo 'yon? May sakit yata siya ngayon. Bakit hindi mo i-text?"

Hindi naman ito nagre-reply sa mga text niya, paano niya malalaman?

"Hindi nga?" diskumpyado pa rin siyang nakatingin dito.

"Okay. Itanong mo pa kay Nhica." Itinuro nito ang babaeng kalalabas ng room. Napatingin ito sa kanila at napasimangot. Umirap pa ito.

"I don't like her. At ayaw kong kausap siya."

"Parehas kayo ni Kyle."

"Nasaan nga si Kyle?"

"Nasa bahay nga nila. Gusto mo, puntahan mo pa. Alagaan mo na rin. I'm sure, walang nag-aalaga doon ngayon." Ibinigay nito ang address ng bahay ni Kyle sa kanya.

"Walang nag-aalaga? Nasaan ang mommy niya?"

"Busy lagi sa trabaho iyon. Ang mga katulong naman nila ay busy sa gawaing bahay. Saka hindi si Kyle ang tipo na hihingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa kanya."

Napatingin siya sa address. "Pero Mackey--"

"Okay na, Jaz? See yah! May klase pa ako sa second year."

Bago pa siya makapagtanong ay tinalikuran na siya nito.

Napabuntong hininga siya. Muling napatingin sa address na nasa papel na binigay nito. Paano kung talagang may sakit si Kyle? At walang nag-aalaga dito? Tsk. Hindi naman kasi kapani-paniwala kapag si Mackey o si Clyde ang nagsalita.

Umalis na siya sa Engineering building. May klase pa siya ngayong umaga. Inilabas na lamang niya ang cellphone at itinext si Kyle. Tinanong niya mismo dito kung may sakit ito.

Pero tulad ng dapat niyang asahan, walang reply galing dito. She sighed again. Wala nga yata siyang magagawa kundi puntahan ito sa bahay nito. Gusto niyang makita ang kalagayan nito. She's worried about him.

Mabuti na lang at wala ang professor niya sa nag-iisang subject niya nang tanghali ng araw na iyon. May oras siya para dalawin si Kyle. Magpapaalam na lang siya sa daddy niya na huwag na siyang sunduin mamayang hapon.

Lumabas siya ng university at sumakay sa taxi. Ipinakita niya sa driver ang address.

Kinakabahan at naeexcite siya. Ano kayang itsura ng bahay nina Kyle? Siguro naman ay hindi na ito mabibigla kung susulpot siya doon. She already texted him. Kinasiguro niya pa kay Grendle ang number nito na iyon kaya siguro naman ay nabasa nito.

Ilang sandali pa at nasa harapan na siya ng malaking gate. Tingin niya ay automated iyon. Sayang nga lang at hindi niya kita ang bahay. Sure siyang malaki iyon at magara.

Nag-doorbell siya. Isang naka-uniform na katulong ang nagbukas ng gate.

"Sino po sila?"

"Ah, ako po si Jazmine. Kaibigan po ako ni Kyle."

"Kaibigan?" Kinatingnan siya nito. "Hindi niya nabanggit na may inaasahan siyang bisita."

"G-gano'n po ba?" Lihim siyang napangiwi. Baka hindi nito nabasa ang text niya?

"Pasok po kayo." Niluwagan nito ang gate. "Ngayon lang nagkaroon ng bisita si Sir Kyle na babae."

Tama nga ang hinuha niya. Malaki nga ang bahay nito. Mas malaki pa sa bahay nila. Natanaw niya sa garahe ang motorsiklo ni Kyle.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now