CHAPTER THIRTY SIX

3.2K 78 1
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

"'TOL, gising! Gising!"

Naalimpungatan si Kyle nang yugyugin siya ni Clyde. Kulang na lang ay ihulog siya nito sa upuan niya.

Inaantok na nag-angat siya ng paningin. Ang alam niya ay nasa classroom siya nang makatulog. Ano kayang ginagawa na naman doon ni Clyde sa mga oras na ito?

"Bakit ba?"

Nakakalokong ngumiti ito.

"Nasaan si Tol Mackey?"

He irritably grunt. Muli niyang idinukdok ang mukha sa table niya. Para namang hindi nito alam na sa second year may klase si Mackey ngayon.

"'Oy, 'tol! Pansinin mo naman ang kagwapuhan ko dito!" Muli siya nitong niyugyog.

Hindi naman niya ito pinansin. Hanggang sa maramdaman niyang tumigil na ito at nanahimik. Hindi niya alam kung magtataka o magpapasalamat.

Antok na antok pa siya kahit na mukhang ilang oras na siyang nakatulog... sa klase. Wala na kasi ang propesor nila at kakaunti na lang din ang mga kaklase niyang naroon. Malamang ay lunch break na.

Hindi sya nakatulog kagabi. Magdamag niya kasing nakakwentuhan si Jazmine sa verandah ng bahay ng mga ito.

Nang maalala ang dalagita ay napamulat ang mga mata niya. Tila alikabok na nilipad ng hangin ang antok niya. Then he remembered the kiss. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso. Tuluyan nang nawala ang antok niya.

It was just a plain kiss at hindi rin naman iyon nagtagal. Subalit napakalakas ng impact niyon sa kanya. Sa tingin niya ay ganoon din iyon para kay Jazmine. After the kiss ay kitang-kita niya ang pamumula nito. Which made him smile. After a while of silence, nagsimula na silang magkwentuhan. Hindi na nga niya matandaan kung ano ang mga pinagkwentuhan nila. Basta ang alam lang niya ay nag-enjoy siya sa mga kwento nito. Kaya nga inumaga na sila sa verandah at hindi na nakatulog pa.

Nag-angat siya ng mukha para sana itanong kay Clyde kung anong oras na. At may iba pa pala siyang itatanong dito.

Ngunit wala sa kanya ang paningin nito. Sinundan niya iyon ng mata. Napaangat ang isang sulok ng labi niya nang makita kung ano ang tinitingnan nito.

Hindi pala 'ano' kundi 'sino'.

It was Nhica Marae Concepcion, ang presidente ng classroom nila. He wonders kung ano ang meron kay Nhica at natahimik bigla ang babaerong kaibigan niya. But anyway, he smells something. Mukhang may pagpupustahan na naman sila nina Grendle.

Ibinalik niya ang paningin sa kaibigan.

"Clyde!" Hindi siya nito pinansin kaya't inulit niya ang pagtawag dito.

"Oh?" Sumulyap lang ito sa kanya at muling ibinalik ang paningin kay Nhica na noo'y nagtu-tutor sa mga kaklase nila.

"Ano'ng oras na?" It's time for him to bug him.

"Huh? Ano..." Sinulyapan nito ang relo. "Magtu-twelve."

Napatangu-tango siya. Kung ganoon ay maaga lang pala silang nilayasan ng propesor nila.

"Clyde!" Muli niyang tawag dito.

"Ano? Wag kang magulo, 'tol. May pinag-iisipan ako."

"May itatanong ako."

"Ano?"

"Paano ba..." Napahinto siya. Tila nagdalawang isip bigla sa sasabihin. Ngunit itinuloy niya na rin. "Paano ba manligaw?"

"Ha?" It took a while before he react. And now, he got his full attention. "Pakiulit, 'tol? Hindi ko narinig."

"Paano 'ka ko manligaw?" ulit niya.

To his annoyance ay bigla na lang bumunghalit ng tawa ang magaling niyang kaibigan.

Napasimangot siya.

"Ano'ng nakakatawa?"

"Wala... Ikaw kasi..." anito sa pagitan ng pagtawa. Ni hindi na nito naituloy ang mga sinasabi.

Napabuga siya ng hangin sa inis. Minsan talaga ay may pagkasintu-sinto ang lalaking ito!

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka na nga diyan!" At nagmartsa siya palabas ng classroom. Pupuntahan nga rin pala niya si Jazmine ngayon para yayaing mag-lunch.

"Teka, 'tol Kyle!" habol ni Clyde. Sa isang iglap ay nasa tabi niya agad ito. "Seryoso, 'tol? You're asking me how to court?"

"Hindi. Kalimutan mo na."

"Kasasabi mo lang kanina, eh," ngisi nito.

"Malinaw mo naman palang narinig, nagtatanong ka pa," banas na sabi niya.

"Nililinaw ko lang naman. I can't believe you will ask me about that. Sino ba ang liligawan mo? Si Jazmine ba? Seriously, 'tol, hindi ko alam ang ipapayo. Babae ang nanliligaw sa akin, eh."

"Wala ka naman palang kwenta."

"Sobra ka naman. Pero kung si Jazmine nga 'yang popormahan mo, madali lang 'yan. Sagutin mo na lang siya ng 'oo' o di kaya'y sabihan ng 'mahal kita'. Kayo na after that."

"Nasaan ang panliligaw doon?"

"Easy. Hindi ba't siya naman ang nanliligaw sa'yo?"

Binato niya ng masamang tingin si Clyde. Hindi nagustuhan ng tenga niya ang tono at sinabi nito tungkol kay Jazmine.

"She's not one of those crazy girl."

"I'm not saying she is." Inosente pa itong ngumiti.

Gusto niya pa sana itong kastiguhin pero hahaba lang ang diskusyon at baka sa huli ay ito naman ang masapak niya. Napapailing na nagpatiuna na siya sa paglabas sa Engineering building.

Nakita niyang papadaan si Krizhia sa tapat. Nilapitan niya ito.

"Krizhia!"

"Uy Kyle! Kamusta? Utang na loob ko ba sa iyo na binati mo ako?" nakangiting bati nito.

"Hi, Krizhia! Si Aser?" anang kalalapit na si Clyde.

"O, Clyde. Bakit hinahanap mo si Aser?" Iba ang tingin ni Krizhia dito.

"Wala lang. Namiss ko lang siya bigla--"

"Tsk! Sabi na nga ba, may pagnanasa ka sa boyfriend ko!" palatak ni Krizhia. "Pero hindi ka makakalapit sa kanya. Over my gorgeous, yummy body. Hah! Inamin mo ring bakla ka!"

"A-ano?! Hindi ako bakla, ah!"

"Huwag ka nang mag-deny. Magladlad ka na!"

"Por favor, Krizhia! Que horror!" At nakasimangot na nilayasan sila ni Clyde.

Napangiwi na lang siya.

"Bakit mo nga pala ako nilapitan, Kyle?" Nakatingin na ito sa kanya at nakangiti na tila walang ginawang kalokohan kay Clyde.

"Pupuntahan mo ba si Jazmine?"

"Ah, oo. Iimbitahan ko siya sa birthday ko sa Sabado. Teka, bati na ba kayo?"

"Oo." Binuksan niya ang bag at kinuha doon ang isang long-stemmed white rose. Kahit paano naman ay may alam siya sa panliligaw base na rin sa mga naririnig niya.

"Ano 'yan?" Takang nakatingin si Krizhia sa bulaklak.

"Bulaklak."

"I know it's a flower. Para saan 'yan? Naku, Kyle, 'wag mong sabihing para sa akin 'yan?"

"Asa ka naman. Para kay Jazmine ito. Ipapabigay ko lang sa'yo." Inabot niya dito ang bulaklak.

Tila nakahinga ito ng maluwag. "Eh, bakit ako ang magbibigay? Ikaw dapat dahil ikaw ang nanliligaw."

Sa totoo lang, nahihiya kasi siyang personal na ibigay kay Jazmine iyon. Ewan ba niya. Ito yata iyong sinasabi ng maraming manliligaw na dinadaga ang dibdib.

"I'm not really sure--"

"Hindi ka sure sa panliligaw kay Jazmine?" bulalas nito na may halong disgusto. Para bang sa oras na magkamali siya ng sagot ay may sasalubong sa kanyang kamao.

"It's not that! I mean... I'm not sure kung tama ang ginagawa ko. I don't really know how to court."

"But you are sure of courting her?"

"Yes," walang gatol na sagot niya.

"I see..." tumatangu-tangong sabi nito.

"Now, can you give this to her? Pakisabi na rin na hihintayin ko siya sa labas ngayong lunch."

"No!" Itinulak nito sa kanya ang rosas na hawak niya.

"Why not?"

"If you really want to court her, ikaw mismo ang magbibigay niyan at susundo sa kanya." Sumilay ang pilyang ngiti nito sa labi. "I'm sure, she will like it more."

"Pero..."

"And by the way. Ikaw na rin ang magyaya sa kanya sa birthday party ko. Saturday, okay? Don't forget!"

Bago pa siya makapagsalita ay nakalakad na ito palayo sa kanya. Saglit lang at tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

Napapailing na napabuntong hininga na lang siya. He guess he had no choice but to do what Krizhia said...

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now