CHAPTER THIRTY-TWO

2.6K 65 0
                                    

CHAPTER THIRTY-TWO

INIHINTO ni Kyle ang motorsiklo sa di kalayuan nang matanaw ang bahay nina Jazmine. Huminga siya nang malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nakakaramdam siya ng kakaibang takot na iyon.

Pinausad niya ang motorsiklo hanggang sa tapat ng bahay nito. Tinanaw niya ang malaking bahay na iyon. May ilang ilaw pa rin sa ilang parte ng bahay. Sana lang ay gising pa si Jazmine kahit dis-oras na ng gabi siyang pumunta doon.

Inilabas niya ang cellphone at gumawa ng text message para dito.

"Kyle?"

Napahinto siya sa pagtipa. Lumipad ang paningin niya sa nagsalita. Ang palapit na daddy ni Jazmine ang nakita niya.

Ngumiti siya dito. Ngunit napansin niyang, tulad ni Jazmine ay may nag-iba rin sa reaksyon nito.

"Sir--"

"Ano'ng ginagawa mo dito, Kyle?"

Natigilan siya sa kalamigan ng tinig nito.

"Ahm. Hinahanap ko po si Jazmine. Gising pa po ba siya?"

Huminga ito ng malalim. Nang tumingin itong muli sa kanya ay nakita niyang tila may itinatago itong galit.

Pero para kanino?

"Leave my daughter alone, Kyle. I know how she likes you. Pero kung mapapahamak naman siya nang dahil sa 'yo, mas mabuti pang ilayo ko na lang siya sa 'yo."

Naguguluhang napatitig siya dito. "What do you mean, sir?"

"Umiiwas sa 'yo si Jazmine, hindi ba?"

Tumango siya. Paano nito nalaman iyon? "Yes, sir. Alam niyo po ba kung bakit?"

"Why not ask your mother why?"

Nadagdagan ang gatla sa noo niya. Ano'ng kinalaman ng kanyang ina dito?

"Hindi ko kayang gawin sa 'yo ang ginawa ng mommy mo sa anak ko, Kyle. Ang mabuti pa ay siya na lang ang tanungin mo. She asked Jazmine to avoid you. Kung ano ang dahilan, siya na lang ang tanungin mo. Umuwi ka na. Magandang gabi."

Hindi siya nakapagsalita nang tumalikod ito at maglakad pabalik sa malaking bahay nito. Nang mawala ito sa paningin ay saka siya nakakilos.

His mom was behind all this kaya gusto siyang layuan ni Jazmine? Napahigpit ang hawak niya sa manibela kasabay ang pagdidilim ng itsura. Kung totoo man iyon, magtutuos sila ng ina!

Pinaandar niya ang motorsiklo at pinasibad iyon pauwi sa bahay nila. He saw Karen's car at the garage. Alam niyang nakauwi na ito.

Nagmamadali siyang umibis sa motorsiklo at pumasok sa kabahayan. Natagpuan niya ang hinahanap sa komedor kasama si Jayson, ang bagong asawa nito. Napatingin ang mga ito sa kanya nang pumasok siya.

"O, Kyle..."

"Is it true, mom? Sinabihan mo si Jazmine na layuan ako?" sita niya kaagad dito.

Nabibiglang napatitig sa kanya ang ina. Nang makabawi ay nagsalita ito. Dinampot nito ang table napkin at pinunasan muna ang gilid ng labi.

"How did you know?"

Pagak na tumawa siya. "So, it is true." Hindi niya alam kung paano titimpiin ang pagsalakay ng galit.

"Sinabi ba sa 'yo ni Jazmine?" mahinahon pa ring sabi nito. Tumingin ito sa kanya. Para bang balewala dito ang ginawa.

"She did not. Now, bakit mo iyon ginawa?"

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon