CHAPTER TWENTY EIGHT

2.5K 66 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

HINDI makapaniwalang napatitig si Jazmine sa ginang na nasa harapan niya. Hindi yata kayang tanggapin ng puso't isip niya ang sinasabi nito. Pinuntahan niya ang mommy ni Kyle sa coffee shop tulad ng sabi nito sa mga kaklase niya.

"P-po?"

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Chua. I don't like you for my son. And I want you to stay away from him," walang kangiti-ngiting sabi nito.

"P-pero po..." Isipin niya pa lang na lalayuan niya si Kyle ay hindi na siya makahinga. At the same time ay tila gusto niyang magalit dito. "B-bakit po?"

Tama. Bakit gusto nitong lumayo siya kay Kyle? Bakit ayaw nito sa kanya? Bakit hindi muna siya nito kilalanin bago nito sabihing hindi siya nito gusto para sa anak? Bakit...

Ramdam niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. But she refused to cry. Kailangan niyang magpakatatag sa harapan nito kahit gusto na niyang maglupasay.

"You're just not good for him. He deserves someone better."

"Ma'am, why do you think that I'm not good for him? T-tungkol po sa nangyari sa bahay niyo, ang pag-aaway po nina Kyle at Jedrick. Alam ko pong ako ang dahilan niyon. Sorry po. Just... just give me a chance to prove myself to you..."

Itinaas nito ang isang kamay para patigilin siya sa pagsasalita. Hindi nagbago ang matigas na itsura nito.

"It's a little more complicated than what you are thinking, Miss Chua. I bet you wouldn't want to know it."

"Gusto ko pong malaman. Mahal ko po si Kyle, Ma'am. Hindi ko siya kayang layuan," matapang na saad niya. Ngunit wala siyang nakitang simpatya sa mukha nito.

"Then, you leave me no choice but to tell you the truth."

Natigilan siya. Hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa katotohanang gusto nitong sabihin. Hinintay niyang magsalita ito.

"Sisirain mo lang ang buhay ng anak ko, Miss Chua. At ayokong mangyari iyon."

"Po?" Lalo siyang naguluhan. "H-hindi ko po alam ang--"

Ibinagsak nito ang kamay sa mesa. Nabigla siya sa poot na bumalatay sa mga mata nito.

"You will ruin his life... Just like what your mother did with his father."

Napakunot ang noo niya. Nagulat siya. Paanong nasali dito ang mommy niya?

"A-ano pong...?"

Nang-uuyam na ngumiti ito. "Your father didn't tell you, did he? Well, bakit nga ba niya sasabihin sa iyo ang kasiraan ng asawa niya?"

Lalo siyang nahiwagaan sa mga sinasabi nito. Nakaramdam siya ng galit dito. Pakiramdam niya ay iniinsulto nito ang mommy niya.

"Ano po bang ibig ninyong sabihin, Ma'am?"

She stared at her. Kita'ng kita niya ang galit sa mga mata nito.

"Ang magaling na ina mo ang dahilan kung bakit naaksidente si Francisco. Siya ang dahilan kung bakit namatayan ng ama si Kyle!"

Napatayo siya sa kabiglaan. Parang may bomba itong itinutok sa kanya at bigla nitong pinasabog sa mukha niya. Ramdam niya ang pagre-rebelde ng puso. Hindi matanggap ng isip niya ang sinabi nito. Napailing siya.

"Hindi po totoo iyan." Namalayan na lamang niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

Bahagyang lumambot ang hitsura nito. "Believe it or not. That's the truth. If you want to know the story, maupo ka. Nakakakuha ka ng atensyon ng iba." Tumingin ito sa mga customer ng coffee shop na iyon.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now