CHAPTER ONE

5.6K 99 1
                                    

CHAPTER ONE

"I dreamed I was missing

You were so scared

But no one would listen

Cause no one else cared..."

ITINUTOK ni Jazmine ang camera sa bandang tumutugtog sa stage, partikular na sa gwapong  gitarista na iyon. Sumilip siya sa lente niyon.

'Ang gwapo talaga niya! Grabe!'

Pinakasipat niya ang magandang view. Pipindutin na niya ang camera saka naman may tumabig sa kanya. Ang malaking amplifier tuloy sa gilid ang nakunan niya.

'Kyle, my labs,' nanlulumong saisip niya.

Inis na binalingan niya ang babaeng tumabig sa kanya.

"Ano ba? Wagas ka kung makapandumog, ah!" singhal niya dito.

"Hindi kita dinumog! Sadya lang na nakaharang ka diyan!" pasinghal  na sagot din ng babae.

Lalong nag-init ang ulo niya. Kung pwede lang bugahan niya ito ng apoy, ginawa niya na.

"Ano'ng nakaharang? Baka gusto mo'ng ikaw ang ipangharang ko sa mga amplifier na iyon?" turo niya sa mataas na amplifier.

Mukhang nahintakutan ang babae, well mukha na nga naman siyang halimaw ngayon dahil hindi siya nakakuha ng magandang shots kay Kyle. Talagang lalapain niya ang babaitang ito.

Mabuti na lang at nagdadabog na umalis ito sa harapan niya matapos iwanan siya ng nakamamatay na tingin.

"Aalis din naman pala. Nakipagtalo pa," bulong niya.

Bumaling siyang muli sa The Rebel Slam band na kasalukuyang tumutugtog sa stage. Napangiti siya ng matamis. Itinutok niyang muli kay Kyle ang camerang dala.

"So if you're asking me

I want you to know...

When my time comes

Forget the wrong that I've done

Help me leave behind some

Reasons to be missed

Don't resent me

And when you're feeling empty

Keep me in your memory

Leave out all the rest

Leave out all that rest..."

"Woohh!!! I love you, Grendle!!!"

Muntik na niyang matakpan ang mga tenga nang tumili ang mga babaeng katabi niya.

"Sus! Mas gwapo naman si Kyle my labs kay Grendle, ano?" bulong niya.

It's been three months after she announced to the world na crush niya si Francis Kyle Albarda, ang gwapo ngunit antuking gitarista ng bandang The Rebel Slam. Pero hanggang ngayon, ang grade niya pa rin dito ay zero.

'Mabuti na lang at college na kami. I made sure na sa papasukan niyang school ako makakapag-aral. He-he.'

Malapit na rin ang pasukan at excited na siya. Hindi na siya mahihirapang makipaghanapan kay Kyle kapag nagkataon.

Naalala niya pa nang una niya itong makita...

Inis na inis si Jazmine habang nag-aabang ng taxi. Tirik na tirik pa naman ang araw noon at talaga namang napakainit. Kanina pa siya pumapara ng taxi pero walang humuhinto sa tapat niya. Halos isang oras na siyang naroon, ah!

'Grr. Hindi ba nila napapansin ang kagandahang ito? Kung makapandedma sila, wagas!'

Tinawagan kasi siya ng daddy niya kanina at sinabing hindi siya nito masusundo kaya napilitan siyang magtaxi.

Lumingon siya sa waiting shed na nasa harapan ng pinanggalingang mall. Medyo malayo iyon sa kalsada kaya siguradong lalo siyang dededmahin ng mga bwisit na taxi na ito kung doon siya pupwesto.

Napansin niya ang lalaking iyon na nasa sulok ng shed. Mukhang natutulog habang nakaupo sa isang sulok at hawak ang gitara nitong nakasandal sa pader. Hindi niya makitang masyado ang mukha dahil natatakpan ng may kahabaan at gulo-gulong buhok nito.

'Buti pa ang lalaking iyon. Mukhang walang pinoproblema sa buhay. Sana lang wag manakawan dahil kung saan-saan natutulog. Hay, bakit ba pinoproblema ko siya?' Muli siyang bumaling sa kalsada.

May paparating na taxi. Agad niyang pinara iyon pero katulad ng naunang mga taxi, nilagpasan lang siya.

Gusto nang umusok ng bumbunan niya. Ano bang meron sa katanghaliang tapat na iyon at walang taxi'ng humihinto sa tapat niya?

Naipadyak niya ang paa. Kung pwede lang batuhin ang taxing iyon ginawa na niya. Mabuti na lang at wala siyang makitang bato sa paligid.

'Relax, Jazmine. Matutusta ka lang naman sa arawan.' Napahawak siya sa braso na nagsisimula nang mamula. Gusto niyang maiyak. 'Ang flawless white skin ko.'

Namalayan niya na lang na may lumapit sa tabi niya. Nilingon niya ito.

Ito ang lalaking prenteng natutulog sa waiting shed kanina. Mukhang mag-aabang din ito ng masasakyan.

Matangkad pala ito kapag nakatayo. Hanggang balikat lang siya nito. Gumawi ang tingin niya sa tila nababagot na mukha nito. Walang makikitang emosyon doon. But still, it doesn't change the fact that he's so handsome. Idagdag pa sa appeal nito ang may kahabaan at gulo-gulong buhok nito. And with his style, black t-shirt, black short pants and guitar on his shoulder, nahinuha niyang nagbabanda ito. He's a rocker.

Hindi lang basta rocker, he's a cool guy with oozing sex appeal.

Hindi niya na alam kung gaano katagal niya itong tinititigan, kahit ba hindi man lang siya nito sinusulyapan. Basta naramdaman niya na lang na unti-unting bumibilis ang pintig ng puso niya.

Crush na yata niya ang lalaking ito... at first sight este second sight pala! Yung first sight ay noong nakita niya itong natutulog sa waiting shed kani-kanina.

Nakita niyang pinara nito ang taxi pa parating. And to her surprise, huminto nga iyon sa mismong tapat nito.

Saka lang siya natauhan. Siguro naman papayag itong makishare siya sa taxi? Hati naman sila sa bayad at makakatipid pa ito.

Nagpaskil muna siya ng napakagandang ngiti sa labi bago niya ito lapitan.

"Ah, excuse me, pwede bang makisabay sa taxi?"

Pero ni hindi siya nito sinulyapan. Akala niya ay dededmahin siya pero nagsalita ito.

"Go on."

"Sala--" napatigil siya ng bigla na lang siya nitong talikuran at maglakad patawid ng kalsada. Hinabol niya ito. "Hey, wait! Hindi ka ba sasakay?"

"Hindi."

"Eh, bakit mo pinara 'yong taxi?" Is it because of her? Agh, kinilig ata siya doon, ah!

"Para makadaan ako," walang anumang sagot nito at nagtuloy-tuloy na sa pagtawid. Hindi man lang siya sinulyapan o nginitian.

Naiwan siyang natitigilan...

"Forgetting

All the hurt inside

You've learned to hide so well

Pretending someone else can come

And save me from myself

I can't be who you are..."

Nagbalik siya sa kasalukuyan.

He's rude, yes. But he's still charming. Hindi niya nakuhang magalit dito, mas naappreciate niya ang pagpara nito ng taxi para sa kanya. Iyon ang gusto niyang isipin kaya iyon ang iisipin niyang dahilan. Period!

It's been a while bago niya ito makitang muli. Nakita niya ito sa valentines party ng school nila. And that was three months ago. Since then, ito na talaga ang naging ultimate crush niya. At ipagsisigawan niya iyon sa buong mundo!

-------------

FEATURED SONG:

LEAVE OUT ALL THE REST by Linkin Park

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon