CHAPTER ELEVEN

2.8K 63 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"HUWAG muna tayo'ng umuwi. Kumain muna tayo!" ungot ni Clyde habang naglalakad sila palabas ng party.

Lihim siya'ng sumang-ayon dito. Feel na feel pa niya ang pagkakasama nila ni Kyle. Ayaw niya'ng matapos kaagad ang gabi'ng iyon.

"Hindi ka ba nakakain sa loob?"

"Hindi, eh, 'tol Grendle. May maii-suggest ka ba'ng pwede'ng kainan?"

"Palibhasa babae ang inatupag mo sa party!" buska ni Aser dito.

"What can I do? Pogi, eh." Itinuro pa nito ang sarili nito'ng mukha.

"Besides, babae ang lumalapit sa amin, dude Aser. Nakatayo nga lang kami ni Clyde kanina nang may lumapit na chicababe at niyaya kami sa table nila."

"Tama! We're just generous, mga 'tol."

"Mga babaero 'kamo."

"Shuddup, 'tol Kyle. Binalato ko na nga sa'yo si Jazmine, eh."

"So? Babaero ka pa rin."

"Magandang lalaki lang."

"Babaero."

"Ikaw talaga." Pabiro'ng inipit ni Clyde ng braso ang leeg ni Kyle.

Natatawa lang siya habang pinanonood ang mga ito. Wala naman siya'ng dapat ipag-alala sa ginagawa ni Clyde kay Kyle. Mukha namang wala ito'ng balak saktan nang totohanan ang kaibigan.

"Hay naku! Sinumpong na naman ng kabaliwan ang mga iyan! Ang sakit nila sa bangs! Jazmine, huwag mo'ng pakikinggan ang mga iyan. Hindi ka matutunawan."

Nilingon niya si Krizhia. Ito na lang ang naiwan sa bandang Sinner Saints, kanina pa umalis ang mga kabanda nito.

"Nakakatuwa nga sila, eh."

Sa totoo lang ay ngayon niya lang nalaman na may pagkamadaldal din pala si Kyle sa harap ng mga kaibigan nito. Lumalaban ito ng asaran sa mga kaibigan at hindi nananahimik lamang sa isa'ng tabi katulad ng madalas nito'ng gawin.

"Ano'ng nakakatuwa? Nakakairita 'kamo. Minsan nakakatindig pa ng balahibo kapag nagsama-sama ang mga iyan, eh." Tinanaw ni Krizhia ang nagkukulita'ng mga lalaki. Ngayon ay si Kyle naman ang napagbalingan ng mga pang-aasar. "But I won't stop Aser to be with his friends. I know, bukod sa akin, sa mga kolokoy niya'ng kaibigan nakukumpleto ang kasiyahan niya. And I always wanted to see him happy."

There's fondness on Krizhia's eyes while staring at Aser. Napangiti siya. Masaya siya para sa dalawa. Tila siya lang ang namumroblema ngayon.

"Krizhia?"

"Hmm?"

"Bakla ba si Kyle?"

Biglang napaharap sa kanya si Krizhia. Nakakunot-noo ito. "Ano?"

"Eh, inamin niya kasi sa akin na bakla siya, eh." Napasimangot siya nang maalala ang scene na iyon. "Hindi totoo iyon, di ba?"

Ngunit sa halip na sumagot ay humagalpak ng tawa ang kaibigan. Hindi niya tuloy alam kung maaasar o makikitawa siya.

"Krizhia?"

Tumigil ito sa pagtawa. "Ano'ng gagawin mo sakaling bakla nga siya?"

"Krizhia naman, eh."

"Ano nga?"

"Itutuloy ko pa rin ang pagpapa-cute sa kanya. Gagawin ko siya'ng lalaki. O kahit hindi na. Mas mahalaga'ng ma-fall in love siya sa akin. Pero paano ko gagawin iyon kung hindi naman katulad ko ang type niya?"

"Paano mo nalaman?"

"Sinabi niya rin."

Muli'ng tumawa si Krizhia. Tinapik siya nito sa balikat. "Paniwalaan mo kung ano ang gusto mo'ng paniwalaan. Sabi nga, 'kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraan'."

"Ha? Ano'ng konek niyan sa problema ko?"

"Kung gusto mo talaga si Kyle, gagawin mo lahat para mapa-inlove siya sa'yo. Kung na-turn off ka na dahil sa sinabi niya, titigilan mo na siya."

"Hindi ako na-turn off sa kanya. Na-challenge lang ako sa sinabi niya."

Ibinaling niya ang paningin sa kanya'ng irog. Pinuputakti na ito ng kakulitan ng mga kabanda nito.

'I won't give up, Kyle. I am not a quitter.'

Lumapit siya sa mga ito. Inalis niya ang pagkakaakbay dito ni Clyde. Pumagitna din siya sa dalawa. Mahirap na, baka si Clyde pa ang ma-type-an nito at hindi siya.

"'Oy, itigil niyo nga iyan. Kinakawawa niyo naman si Kyle, eh."

Dahil sa ginawa niya ay umugong ang tuksuhan.

"Uuy! May savior na si Kyle," tudyo ni Aser.

"Kyle's knight and shining armour."

"Parang mali, 'tol Mackey."

"Ha? Paano'ng mali?"

"Babae si Jazmine, eh."

"Oo nga, ano?"

"Bakit hindi na lang Kyle's princess?"

Napangiti siya sa sinabi'ng iyon ni Grendle. 'Kyle's princess? Hmm... Bagay!'

"Pwede ba'ng Clyde's princess na lang?"

"Huwag ka na'ng humirit, Clyde."

"Taken na si Jazmine, dude."

Napailing si Grendle. "Ano'ng masasabi mo, Kyle?"

Lahat sila ay napabaling sa gawi ng lalaki. Subalit wala na ito doon.

"Hala! Nasaan na siya?" ani Aser.

"Napikon niyo na naman si Kyle," ani Krizhia. "Nauna na siya sa parking lot."

"Iyon talaga, hindi nang-aaya," naiiling na sabi ni Mackey.

Sinundan na nila ito kung saan nakaparada ang mga motorsiklo ng mga ito. Naabutan nila'ng may kinakalikot si Kyle sa compartment ng motor nito.

"'Tol Kyle! Huwag ka muna'ng umuwi, kumain muna tayo."

"Busog na kami, Clyde. Ikaw lang ang gutom dito," ani Grendle.

"Bakit hindi muna tayo pumunta sa videoke-bar?" suhestyon ni Mackey.

"Sure! Basta wala'ng alak doon."

"Aser, bar nga, eh. Natural may alak doon," ani Krizhia.

"Ay, huwag na pala tayo doon, loves. May suggestion ka ba? Maaga pa naman, hindi naman siguro magagalit si Mommy Aliyah kapag iniuwi kita ng midnight."

"Hindi iyon magagalit. Ikaw ang kasama ko, eh. Alam mo namang tiwala iyon sa'yo."

Tila may sarili'ng mundo na nagtitigan at nagngitian ang dalawa.

"Pumunta na lang tayo sa funhouse! Susunduin ko sina Donita at Donna. Sigurado'ng sasama iyon," ani Grendle.

**A/N: Si Donna ay kapatid ni Grendle (From The Rebel Slam 1)**

"Funhouse? May babae ba doon?"

"Clyde, ano ba'ng ipupunta mo sa funhouse? Babae o kasiyahan?"

"Pwede'ng both? Babae ang kasiyahan ko, eh."

"Tsk. Tsk. Kailan kaya dadating ang babaeng magpapatino sa'yo?"

"Ah... Oo na lang." Binuntutan iyon ng tawa ni Clyde.

"Asa ka pa'ng may dadating," ani Kyle. Humarap ito sa mga kaibigan matapos isara ang compartment. "Uuwi na lang ako."

"Hindi pwede iyon!"

'Oo nga, hindi pwede iyon!' lihim na sang-ayon niya kay Mackey. Paano na siya kung uuwi ito? Wala na'ng thrill ang gabi niya kung mawawala ito.

"Kyle, mamaya ka na umuwi," hindi niya napigilang sabi niya.

Bumaling sa kanya ang inaantok na paningin nito. Para ba'ng sinasabi niyon na: 'Ano'ng magagawa mo para pigilan ako?'

Sinusubukan ba siya nito?

Para namang nang-iinis na tumahimik ang mga kasama nila. Tila talagang hinihintay kung ano ang gagawin at sasabihin niya.

Ano nga ba'ng gagawin niya?

'Ah! Bahala na!' Hindi naman siguro siya itatapon ni Kyle sa pinakamalapit na kanal.

Lumapit siya sa motorsiklo ni Kyle at sumakay doon.

"Huwag ka muna'ng umuwi. Sumama muna tayo sa kanila. It will be fun." Nginitian niya ito ng pagkaganda-ganda. Pinilit niya'ng labanan ang kaba.

Napasimangot si Kyle. "Sinabi ko ba'ng sumakay ka sa motorsiklo ko?"

"Nakasakay na ako."

"'Baba."

"Ayoko. Nakakatamad." Humalukipkip pa siya. "Hindi lang ikaw ang may karapatang tamarin, ano?"

Gusto niya'ng matawa nang makita ang aburido'ng mukha ni Kyle habang nakatingin sa kanya. Gayunpaman ay ipinagpasalamat niya'ng hindi na ito kumontra pa.

"Okay! Pumunta na tayo sa funhouse!" malakas na sabi ni Aser nang hindi na magsalita pa si Kyle.

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon