CHAPTER TWENTY NINE

2.5K 64 2
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

"DUDE, nangunguna ka talaga sa uwian kahit kailan."

Sinulyapan ni Kyle ang tatawa-tawang si Mackey. Kalalabas lang nila sa last subject nila nang hapon na iyon.

"What's wrong with that?"

Tumigil ito sa pagtawa. "Wala naman. Ayos nga iyan, eh. Hindi maiinip kahihintay si Jazmine sa 'yo."

Ibinaling niya ang paningin sa daan. Kahapon niya pa hindi nakikita ang dalagita. Hindi ito dumaan sa building nila bago umuwi. Hanggang gabi kasi ang last subject nila kahapon. Pero usually ay sumasaglit doon si Jazmine bago ang last subject nila at bago ito umuwi. Hindi kaya ito pumasok kahapon?

Pero hindi. Ang sabi ni Clyde, na sa pagkagala ay napupunta sa Accountancy building imbes na nananahimik sa HRM building, nakita daw nito ang dalagita. How come na hindi ito sumaglit doon?

"Dude, ano nga bang score niyo ni Jaz? Kayo na ba? Balita namin, binugbog mo ang kapatid mo para sa kanya."

Kunot-noong hinarap niya ito. "He's not my brother. At paano mo nalaman iyan?"

"Well, nakakwentuhan ko lang minsan ang isa sa mga maid niyo," nakangising sagot nito. "Ang sabi nila, girlfriend mo na daw si Jazmine?"

Napailing siya. Tama bang pati ang maid nila ay landiin nito? Ipinagpatuloy niya ang paglabas sa building nila.

He can feel his heart beating faster habang palapit siya sa labasan. What the heck? The thought of seeing Jazmine when he got out of the building excites him.

Napabuntong hininga siya. Ganito na ba ang epekto ng babae sa kanya? There are times na hindi na siya nakakatulog dahil ginugulo nito ang isipan niya. Ayaw man niya, gustung-gusto ng utak niya na isipin ang nakangiting mukha ng dalagita. Huh? Ang gulo talaga niya.

Huminga siya nang malalim. Binilisan niya ang paglakad... para lang madismaya nang hindi makita si Jazmine sa bench na pinupwestuhan nito. Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala talaga ito.

Hindi na niya napansin ang paglapit ni Mackey.

"Wala na naman si Jazmine?"

Hindi niya ito sinagot. Lumapit siya sa bench na inuupuan nito. Baka masyado lang silang maaga pinalabas. Baka hindi pa naglalabasan ang mga ito.

Sumunod sa kanya si Mackey.

"Uy, hinihintay niya si Jazmine!"

Tiningnan niya ito. "May problema ba doon? Besides, ano'ng masama sa pagtambay dito?"

Lumawak ang ngiti ni Mackey. Kita niya sa mga mata nito ang iniisip. Ngunit bago pa nito iyon maisaboses ay tinawag sila ni Clyde. Kasama nito sina Grendle at Aser.

"Wassup wassup, mga 'tol!"

"Ang corny mo, Clyde."

"Nasaan ba dito ang sinasabi mong babae na nambasted sa 'yo?"

"O, buti naman at napadaan kayo dito, mga dude!" bati ni Mackey sa mga ito.

"Ang kulit kasi nitong si Clyde. Gusto lang namang makita ang kaklase niyo, kinaladkad pa kami," reklamo ni Grendle. Naupo ito sa tabi niya. "What's up, Kyle? Wala yata si Jazmine?"

"Kahapon pa hindi nagpapakita si Jaz, dude Grendle."

"Na naman, 'tol? Hindi kaya natauhan na si Jazmine at napagtanto niyang ako ang gusto niya?"

Pinukol niya ito ng masamang tingin.

Inakbayan naman ni Aser si Clyde. "Clyde, huwag ka nang umepal. Sila na nga ni Jazmine, eh."

Napakunot ang noo niya. Kung hindi siya nagkakamali ay si Mackey ang nagkwento sa mga ito nang napag-usapan nito at ng katulong nila.

"Ano na nga bang stand sa puso mo ni Jazmine, Kyle?" tanong ni Grendle sa kanya. "I will not ask kung gusto mo na siya dahil hindi mo naman siya papansinin kung ayaw mo sa kanya. So... mahal mo na ba siya?"

Natahimik ang mga ito. Nakatutok ang paningin sa kanya na tila hinihintay ang sagot niya.

Mahal na nga ba niya si Jazmine? She's the only girl na hinayaan niyang makapasok sa buhay niya. Ang unang babaeng pinansin niya. Ang pinagkwentuhan niya nang tungkol sa ama niya. Ang nakapasok sa kwarto niya. Ang kinantahan at ginitarahan niya... the one who makes him smile and makes him forget everything that depresses him. Pansamantala niyang nalilimutan ang pagkabagot sa mundo nang dahil dito. Her bright smile and her lovely chinky eyes were making him feel fine...

Mahal na ba niya ang dalagita? Pinakiramdaman niya ang sarili. His heart beats fast as he asked himself. He wanted to protect her at nagagalit siya kapag may bumabastos dito o di kaya ay nagsasalita ng masama. Iyon ba ang palatandaan na umiibig na siya dito?

Inilapat niya ang palad sa kalaiwang dibdib niya. Hindi nga siya dinadaya ng pakiramdam, kumakabog nga ng mabilis ang puso niya.

Hindi iyon nakaligtas sa paningin ng mga kaibigan niya. Tinapik siya ni Grendle sa balikat.

"Welcome to the club, Kyle!" malawak ang ngiting sabi nito.

"Okay! Panalo kami ni Krizhia sa pustahan! Pay up now," masayang sabi ni Aser.

"Hay! Masyado ka palang mabilis, dude Kyle! Talo ako." Naglabas ng sampung piso si Mackey at ibinigay kay Aser.

Naglabas din ng sampung piso si Clyde. "Pambihira. Talo na naman ako!"

"Ano bang ipinusta mo?"

"Na sa akin maiinlove si Jazmine at hindi kay 'tol Kyle."

Binatukan ito ni Aser. "Gago! Napakalayo sa katotohanan ng ipinusta mo."

Napatingin siya sa mga ito. Hindi siya makapaniwalang pinagpustahan sila ni Jazmine ng mga ito. Ang sasarap pag-untugin ng mga ito! Pero sabagay, noong sina Grendle at Aser din naman ang nagkaroon ng interes sa babae ay pinagpustahan din nila ang mga ito.

Napailing siya. Minsan talaga ay tinatamaan sila ng saltik sa utak.

"Pagpupustahan niyo lang kami. Sampung piso pa."

Ilang sandali pa at nagkukulitan na sila. Pero wala sa mga ito ang utak niya. Kalahating oras na pero hindi pa rin nagpapakita doon si Jazmine. Medyo nag-aalala na siya dito.

Inilabas niya ang cellphone at pinadalhan ito ng mensahe. Nasilip naman iyon ni Mackey.

"Dude, baka hindi pumasok si Jazmine? Baka may sakit? Puntahan mo kaya sa bahay nila?"

Nagdududang tumingin siya dito. "As far as I know, iyan din ang sinabi mo kay Jazmine kaya nagpunta siya sa bahay."

"He-he." Ngumisi ito at nag-peace sign.

Napabuntong hininga siya. Namataan niya ang padaan na si Sean. Tinawag niya ito at nilapitan. Kung may dapat man siyang pagkatiwalaan sa impormasyon, ito iyon. Batid niya noong high school pa lamang sila kung gaano karami ang alam nito sa paligid nito.

"Oh, Kyle!"

"Nakita mo ba si Jazmine?"

Napakunot-noo ito. "Si Jazmine?" Saglit nag-isip ito. "Nakita ko siya kanina sa building nila. Nagkaklase pa sila noon. Pero ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya. Baka umuwi na."

Bahagya siyang nadismaya sa sagot nito. But at least, nalaman niyang pumasok naman pala ang dalagita.

"Iyon lang ba, Kyle? Ipinapatawag pa kasi ako ni Riyel, ang president ng student's council sa library ngayon."

Tumango na lang siya. "Salamat."

Ngumiti ito at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Nag-aalalang bumalik siya sa mga kaibigan. Baka may nangyari nang masama kay Jazmine. Pero baka naman maaga lang itong sinundo ng ama?

Ah, sana nga!

------------------

IPINATONG ni Jazmine ang ulo sa nakatiklop na mga tuhod. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam ang gagawin niya. Gulung-gulo ang utak niya. Pakiramdam niya ay pinagkaitan siya sa lahat ng bagay.

Maya-maya'y may narinig siyang tumatawag sa pangalan niya. Nang hindi siya mag-angat ng paningin ay nilakasan nito ang pagtawag sa pangalan niya.

"Jazmine?"

Nasiguro niya na hindi niya iyon guni-guni lang. Si Sean ang nakita niyang nakatayo sa gilid ng bookshelf. Tumalikod siya dito at pasimpleng pinahid ang luha sa pisngi niya.

"Jazmine, ano'ng ginagawa mo dito sa library?"

"S-Sean, i-ikaw pala!" Tumikhim siya upang alisin ang paggaralgal ng tinig. Naroon siya sa lugar sa library kung saan nakita niya dati si Kyle na natutulog.

Saglit na hindi umimik si Sean. Waring pinag-aaralan ang kalagayan niya.

"Hinahanap ka kanina ni Kyle." Naupo ito sa tabi niya.

Pinilit niyang ngumiti dito kahit na parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang pangalan ni Kyle.

"T-talaga? I-ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"

"May pinag-usapan kami ng presidente ng SC dito... And I guess, para bigyan ng panyo ang isang kaibigan."

Napatitig siya dito nang abutan siya ng panyo. With the sight of it, muling nanubig ang mga mata niya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya.

"Mukha pa namang masaya si Kyle kanina nang makita ko kasama ang mga kaibigan niya. Tapos ikaw ay umiiyak dito. Isn't it unfair?"

There's a sympathy on his voice na tila nakapag-trigger pang lalo sa mga luha niya. Nag-uunahan iyong humulagpos sa mga mata niya.

"J-Jazmine, may mali ba sa sinabi--" Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isubsob niya sa balikat nito ang mukha niya. Kung nagulat man ito ay hindi na niya inintindi pa. Mas mahalagang makaiyak siya ngayon.

Hinayaan naman siya nitong umiyak sa balikat nito. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng karamay na kayang umintindi sa kanya.

"Life is so unfair, Sean," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"It is. But it's being unfair makes life more exciting, isn't it?"

May punto ito. Pero hindi iyon mai-digest ng magulong utak niya.

"It hurts."

"Everything will be fine, Jazmine."

"I don't know. Hindi ko na alam ang gagawin ko," aniya sa pagitan ng paghikbi.

"Ssshh... 'wag mo munang isipin kung ganoon. Umiyak ka na lang muna at pagaanin ang loob mo. You're strong, Jazmine. You can make it. Always think that you can make it."

And so she did. Sa ngayon ay iiyak muna siya...

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon