CHAPTER THIRTY-FOUR

2.9K 68 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

HER heart sank. Kyle is now holding her hand telling her not to go. Totoo ba ito? Hindi siya nananaginip lang? Walang stir?

Pero ramdam niya pa rin ang malamig na kamay ni Kyle sa isang kamay niya. At naroon pa rin sila sa ulanan. He's looking up at her. Siya naman ay nakayuko dito.

She heard Grendle's voice on the back of her mind.

'Walang makakatulong sa kanya kundi ikaw. So if you really love him, you will fight.'

Pwede pa nga ba siyang lumaban kahit tinanggap na niya na talo siya? Maybe. Kung hindi siya nito itataboy, tulad ng sinabi ni Sean, hindi siya susuko.

Tumingkayad si Jazmine paupo sa harapan nito at ikinulong sa mga palad ang malamig na kamay nito. Mukhang kanina pa ito doon sa sobrang lamig ng kamay nito. Hindi siya sigurado kung nakatingin ito sa kanya. Nakatakip pa rin kasi ang basang buhok nito sa mga mata nito.

Nag-atubili pa siya nang abutin ang mukha nito para hawiin ang buhok na iyon. Hinintay niyang pigilan siya nito at sigawang muli pero hindi nito iyon ginawa. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang gustong gawin.

Hinawi niya ang mga buhok na tumatabing sa mukha nito. Ramdam niya ang mainit na tubig na iyon sa mukha nito bukod sa tubig ulan. His eyes were red. Then she knew, he was crying.

There's this pang on her heart again. Nasasaktan siya para dito. Parang gusto niya itong aluin at yakapin. Para itong bata na nasaktan at kailangan ng kalinga. Pero naalala niyang hindi dapat sila magtagal doon. Baka lalo itong mapulmonya.

Before she could stand, naramdaman niya ang isang kamay nito sa pisngi niya. Pinahid nito ang mga luha niya. Napatitig siya sa mga mukha nito. Pareho lang silang nasasaktan dahil sa sitwasyon nila ngayon. Dahil sa nakaraan.

She collect all her sanity and stood up. Hinila niya ito patayo. Pinayungan niya ito. Maliit lang ang payong kaya kailangan nilang magsiksikan. She really don't mind being close to him. Wala siyang pakialam kahit basang-basa ito.

"Let's go home."

"I don't have home."

She looked at his eyes. Kita niya ang hinanakit at sakit sa mga iyon. It's like he's letting her know how he feels. Kung pwede niya lang itong yakapin at halikan ngayon, dito mismo, gagawin niya upang maalis ang matinding lungkot sa mga mata nito.

"Kids! Let's go inside the car! Sobrang lakas na ng ulan!"

Napalingon sila sa daddy niya. Nakatayo ito sa di kalayuan hawak ang payong nito. Iniwan pala nito ang kotse sa gilid ng kalsada at sumunod sa kanya.

Tumango siya. Duda siya kung nakita nito iyon dahil sobrang lakas na ng ulan.

Inakay niya si Kyle pasunod sa ama. Hindi niya binibitiwan ang kamay nito. Malamig pa rin kasi iyon. Sumakay sila sa backseat. Hininaan ng daddy niya ang aircon. Lihim na lang siyang nagpasalamat. Baka kasi magyelo na ang katabi niya.

Tahimik silang tatlo habang nagbibiyahe. Sumulyap siya kay Kyle. She caught him staring at her. Hindi nito iniiwas ang mga mata. Pakiramdam niya tuloy ay para sa kanya lang ang mga matang iyon. She felt her heart race. Na-miss niya ang antuking ito. Sobra.

Hindi na niya namalayan na nasa tapat na sila ng bahay nila. Nakakawala kasi sa sarili ang titig ni Kyle. Pakiramdam niya ay sila lang ang tao sa mundo. Kung hindi pa nagsalita ang ama ay hindi siya matatauhan at malalamang wala na sa kanya ang mga mata ni Kyle.

"Jazmine, papasukin mo na si Kyle sa loob. Pahiramin mo na rin siya ng tuyong damit." Nilingon sila ni Rey. "I guess we all need to talk after you take care of him."

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now