CHAPTER FIFTEEN

2.6K 74 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"HI, miss!"

Napalingon si Jazmine sa lalaki'ng lumapit sa kanya. Tumambad sa paningin niya ang isa sa mga gwapo'ng nilalang na ginawa ng Diyos. Maganda ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya.

"Yes?"

"Ahm... Pwede ba'ng makipagkilala?" He smiled boyishly.

Nag-aabang siya noon sa tapat ng Engineering building sa paglabas ni Kyle nang lumapit sa kanya ito. Engineering din siguro ang kurso nito dahil may nakasukbit na tracing tube at t-square sa balikat nito.

Nginitian niya ito. Wala naman siguro'ng masama kung makipagkilala siya dito. Pwede niya ito'ng kuhanan ng impormasyon tungkol sa mga ginagawa ni Kyle habang wala ito sa paningin niya.

"Sure. Why not?"

Lumawak ang pagkakangiti ng lalaki. "I'm Jeremie."

"Jazmine ang pangalan ko." Inabot niya ang nakalahad na kamay nito. Binitiwan niya rin iyon kaagad. "First year ka pa lang din ba?"

"Hindi. Second year na ako... Can I sit beside you?"

'Ngee?' Paano niya ito mkukuhanan ng impormasyon, eh hindi naman nito kaklase si Kyle? Mukha naman kasi ito'ng kaedaran lang nila. Baby face kumbaga, kahit na matangkad ito.

Gayunman ay umisod pa rin siya para magkaroon ng malaki'ng espasyo sa pagitan nila.

Nakita niya sa sulok ng mga mata ang isa'ng grupo ng mga babae'ng sumusulyap-sulyap sa gawi ng kasama niya. Maya-maya'y kinikilig na nagsitilian ang mga ito. Hindi na siya magtataka doon. Eye-catcher at ala-heartthrob naman talaga ang katabi niya.

Inaamin niya'ng gwapo ito. Pero hindi siya humahanga dito. He's just handsome. Period. Mas gwapo pa rin si Kyle sa paningin niya.

"Hindi Engineering ang kinukuha mo, 'di ba? Madalas kita'ng makita dito pero hindi kita nakikita sa loob ng building namin."

"Ah, oo. Accountancy ang kinukuha ko. May inaabangan lang ako kaya ako narito."

"Who? Boyfriend?"

Sasabihin niya ba na boyfriend niya si Kyle? Gaano man siya nae-excitf sa idea na iyon ay pinigil niya pa rin ang sarili. Baka malaman ni Kyle na ipinagkakalat niya'ng sila na. Baka ma-turn off pa ito at lalo siya'ng itaboy. Sayang improving pa naman ang plano nila para dito.

Matigas ang leeg na umiling siya. "Kaibigan pa lang."

"Talaga?" Kumislap ang mga mata nito. "You mean, wala ka pa'ng boyfriend?"

"Ha?" May nase-sense siya'ng sasabihin nito. At parang ayaw niya'ng i-entertain iyon. Pero hindi naman siya sanay magsinungaling.

'Kalma lang, Jazmine! Baka talaga'ng makikipagkaibigan lang iyong tao. Masyado ka talaga'ng advance mag-isip!'

"Ah, eh--" Iyong pakiramdam na parang may nakatingin sa'yo? Ibinaling niya ang paningin sa katapat na building. Nagulat siya nang makita'ng nakatayo doon si Kyle. Kunot-noo ito'ng nakatingin sa gawi niya. Ibinaling niya ang paningin kay Jeremie at nginitian ito. "Sige, Jeremie. Mauna na ako."

"Ha? Hatid na kita." Tumayo din ito nang tumayo siya.

"Naku, hindi na. Sinusundo kasi ako ni daddy. Strict pa naman iyon. Saka, nandito na ang hinihintay ko."

"Ganoon ba? Sayang naman. Gusto pa sana kita'ng makakwentuhan. Anyway, may next time pa naman, 'di ba?" He smiled a her.

"Oo nga," labas sa ilong na sagot niya. "Sige. Bye."

Hindi na niya hinintay na makasagot ito. Naglakad na siya palayo. Ngunit hindi na niya makita si Kyle sa kinatatayuan nito kanina. Kunot-noo'ng nilinga niya ang paligid. Namataan niya ito'ng may kausap na babae'ng nakasalamin sa di kalayuan. Napabilis ang paglapit niya dito.

Bakit nito kinakausap ang babae'ng iyon? Nakakapagselos naman! Siya, hirap na hirap nito'ng kausapin pero ang babae'ng iyon... hmp!

'Relax, Jazmine. Baka classmate niya lang iyan. Saka, hello? Wala ka pa'ng karapatang ipagdamot siya!'

Inayos niya ang sarili. Hindi dapat siya paapekto sa nakikita. Isa pa ay wala namang mali sa pakikipag-usap nito. As usual ay poker face pa rin ito. Magwawala lang talaga siya kapag nakipagtawanan ito sa iba'ng babae.

Ngapatingin si Kyle sa kanya nang makalapit siya. Nginitian niya ito.

"So, gano'n nga, Kyle. Kailangan nating mag-usap-usap tungkol sa activity natin. Hindi pwede'ng kami lang ang kumilos dito." Napatingin din sa kanya ang babae habang nagsasalita. Napakunot-noo ito nang makita siya.

Tipid na nginitian niya ito. Sa likod ng isip ay iniismidan na niya ang babae.

"Yes?" taas ang isang kilay na sabi nito. Wala ito'ng kangiti-ngiti.

"Ah, eh... Tapos na ba kayo'ng mag-usap?" Itinago niya ang lumalalang pagkairita dito. Subalit hindi na niya maibalik ang ngiti.

"Almost done. May kailangan ka?"

'Napakasungit naman ng babae'ng ito!'

Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Kyle.

"May sasabihin ka pa ba, Nhica?" anito sa babae. Mukha'ng sinusumpong na naman ng kaantipatikuhan si Kyle.

Nabaling dito ang paningin ng kaklase.

"Tomorrow. Nine a.m.. Magmi-meeting tayo about our lab activity. You need to come." Inayos nito ang salamin sa mata.

"Is that so?"

Muling napaangat ang isa'ng kilay ng babae. "Siguraduhin mo lang na pupunta ka. I need every member's cooperation."

Nagkibit balikat si Kyle. "Fine."

Tinalikuran na nito ang babae. Hinayaan na naman ito ng babae kahit mukha'ng hindi pa ito kumbisido. Hinabol niya si Kyle.

"Sino 'yon?"

Wala siya'ng nakuhang sagot dito. Hindi siya sumuko. Siniko niya ito.

"'Oy, Kyle. Tinatamad ka na naman ba'ng magsalita? Inaantok ka na naman?" Dahil nakatingala siya sa mukha nito ay hindi niya napansin ang bato sa dinadaanan niya. Natisod tuloy siya nang wala sa oras. "Ay!"

Akala niya ay tuluyan na siya'ng mapapasubsob sa daan na iyon. Mabuti na lamang at may mapagpalang bisig na umalalay sa kanya. Nakapaikot ang isa'ng braso nito sa itaas ng kanyang dibdib habang ang isa pa'ng kamay nito ay nakahawak sa braso niya.

"Sa daan ka kasi tumingin!" inis na sabi ni Kyle. Ito ang nalingunan niya nang alamin niya kung sino ang savior niya sa kahihiyan at sakit ng katawan.

Napatitig siya sa mga mata nito'ng nakatingin sa kanya. May nababasa siya'ng pag-aalala doon... O baka naman naghahalucinate lang siya?

Bago niya pa makumpirma ang nakita ay nag-iwas na ito ang paningin. Wala'ng anumang inayos siya sa pagtayo at binitawan.

'Baka nga nagha-hallucinate lang ako,' aniya sa sarili. Nang tingnan niya kasi ulit ang mukha nito ay balik na naman iyon sa inaantok nito'ng itsura. Nagkibit-balikat na lamang siya.

Sumabay siya dito nang mag-umpisa ito'ng maglakad.

"Sino nga iyong babae'ng iyon?" pangungulit niya dito.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo."

Ibinaling niya ang paningin sa daan. "Eh, sino nga ba iyon? Kung makaasta, akala mo kung sino. Hina-harass ka ba no'n?"

"Hindi."

"So, sino iyon?"

Napabuntong hininga ito sa kakulitan niya. "Si Nhica Concepcion. Leader nami sa Chemistry."

"Bakit alam mo ang whole name niya?" nakasimangot na sabi niya. 'Whole name ko, hindi mo alam.'

Kunot-noo'ng sinulyapan siya nito. "Hindi ba't tinatanong mo kung sino siya?"

"Oo nga. Pero bakit nga alam mo pati ang surname niya? Hindi ko naman iyon tinatanong, ah?"

"You're hopeless," naiiling na sabi nito.

Hindi niya alam kung bakit for the first time ay na-offend siya sa sinabi nito. Napatigil siya sa paglakad.

"Whole name ko, alam mo?" mahina'ng sabi niya. Huli na para bawiin niya iyon. Inihanda na lamang niya ang sarili sa kung ano man ang isasagot nito.

Huminto si Kyle sa paglakad. Bawat segundo'ng lumilipas na hindi ito nagsasalita ay padagdag ng padagdag ang kaba sa puso niya.

Napakagat-labi siya at napayuko. Gusto na niya'ng tumalilis para hindi marinig na sabihin nito'ng hindi nito alam.

"Jazmine..."

Lumipad ang nanlalaki'ng mga mata niya dito. Sumikdo ang puso niya nang sabihin nito iyon. Iyon ang unang pagkakataon na sinabi nito ang pangalan niya!

Nilingon siya nito. "Jazmine Paulline Chua... That's your name."

She was speechless...

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon