CHAPTER SEVEN

2.8K 67 1
                                    

CHAPTER SEVEN

"KRIZHIA!" tawag ni Jazmine sa kaibigan ng makita niya ito sa university. May kasama ito'ng lalaki.

"Jazmine!" Agad ito'ng lumapit sa kanya. "Ano na?"

"May pinakamahabang conversation na kami ni Kyle my labs!" kinikilig na balita niya dito.

"Talaga? Kinausap ka na ng wirdong anutukin na iyon?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Aba'y ako nga, ilang taon bago niya kinausap ng matino. Anyways, wala naman ako'ng pakialam kung kausapin niya ako noon o hindi. Siyangapala, Jaz, si Sean nga pala. Sean Navarro," turo nito sa katabi.

"Hi! Ikaw pala si Jazmine. Nice to meet you," naglahad ito ng kamay.

"Ah, oo. Nice to meet you din, Sean." Matapos mag-shake-hands ay binalingan niya si Krizhia. "Break na kayo ni Aser?"

"Ha? Ano'ng--"

"We're just friends, Jazmine," natatawang sabi ni Sean na madaling na-gets ang sinabi niya. "Magkapit-bahay kami at childhood friends."

"Ahh..."

"Hoy, Jazmine. Hindi ko ibe-break si Aser, ano? Mahal ko iyon, eh. Pero baka mai-break ko ang mga buto niya kapag tumingin siya sa iba."

Napatabingi ang ngiti niya. "Sorry naman. Mula kasi ng maging kayo ni Aser, siya na lang palagi ang lalaking kasama mo."

"May klase kasi si Aser ngayon. Besides, tinutulungan ko lang mangampanya si Sean." Inabutan siya nito ng maliit na papel. "Vote Sean Navarro for secretary in Campus' Student Council election! Valedictorian at SC president siya noong highschool for three years kaya hindi ka magsisisi kapag ibinoto mo siya."

"Talaga?" Namamanghang tiningnan niya ang lalaki.

Tila nahihiyang napakamot ng ulo si Sean. "You don't have to say that, Krizhia."

"Hayan ka na naman sa pagiging humble mo."

"Talaga'ng iboboto kita Sean! Tara, sasamahan pa kita'ng mangampanya." Kinuha niya ang ilang papel kay Krizhia.

"Wala ka ba'ng klase ngayon, Jaz?"

"Katatapos lang, Krizhia... Saang school ka galing, Sean?"

Sinabi nito ang school.

"Kaklase mo si Kyle?"

"Kyle Albarda of Rebel Slam? No. Magkaiba kami ng section. Batchmate ko lang siya."

"Pwede ba, Jaz, hindi ka-level ng mga kolokoy na iyon ang utak ni Sean, ano?"

"Ikaw talaga."

"Totoo naman, ah?"

Nangingiti na lang ang lalaki.

"Oo nga pala, Krizhia, tungkol sa next step ng plano mo?"

"Bakuran mo siya. Alam mo naman na marami ring nagnanasa sa kanya. Make them feel na iyo na si Kyle. And for Kyle, make him feel special. Hayaan mo siya'ng mainis. Habang naiinis siya sa'yo, mas lalo ka niya'ng napapansin nang hindi niya alam." Makahulugang nginitian siya nito.

"Do something especially just for him," dagdag ni Sean. Sa pagkakangiti nito, tila alam na nito ang umiikot na topic sa usapan nila.

Is he that keen observer?

"Salamat. Gagawin ko talaga iyan!" determinadong saad niya.

----------------------

DATING gawi si Jazmine. Hinintay niya sa paborito niya'ng upuan na bench habang hinihintay si Kyle. Nagbasa-basa muna siya kuno ng mga kailangan niya'ng reviewhin.

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon