CHAPTER TWENTY SIX

2.5K 64 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

BAHAGYANG nagulat si Jazmine nang pabalagbag na isara ni Kyle ang pinto. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong iyon. Ilang gitara ang naka-display doon. May mga murals na gitara din sa dingding. Sa isang parte ay may naka-spray paint na 'The Rebel Slam'. It was so artistic. This room is so artistic. Napakaganda sa paningin ng pinaghalu-halong kulay niyon.

Malawak ang kwarto. May malaking kama sa isang sulok, may component, may flat screen t.v., there's couches, computer, at iba pang appliances and gadgets. Tingin niya ay bahay na iyon para sa nakatira sa apartment. Kumpleto sa gamit.

'Room ba ito ni Kyle my loves? Ang ganda ng room niya!'

"That guy is really a pervert. Hindi ka niya dapat ginano'n!" Nadinig niyang galit pa ring sabi nito. Nasundan niya ito ng tingin nang sumalampak ito sa couch.

Halu-halo ang emosyon niya sa mga nangyari kanina. Mga emosyong nakakapagpakilig at nakakapagpasaya sa kanya. Hanggang ngayon ay tila hindi pa siya nahihimasmasan.

Pinilit niyang ibalik sa sarili ang lumilipad na diwa. Nilapitan niya ito sa couch. Para itong batang inagawan ng laruan. Ang cute pa rin nito kahit na nagagalit.

"Kapatid mo pa rin siya." Naupo siya sa katabing couch nito.

Tumingin ito sa kanya. "Sino'ng may sabing kapatid ko siya?"

Nagulumihanan siya. "H-hindi ba't--"

"We're not brothers. Anak siya ng bagong asawa ng mommy ko. He's not even my stepbrother."

Naalala niya ang sinabi ni Jedrick kanina. 'We're 'like' brothers.' Bakit hindi pumasok sa isip niya na hindi magkapatid ang mga ito?

"G-gano'n ba?"

Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. May gusto siyang itanong dito pero hindi niya alam kung paano. Ito naman ay abala sa pagtingin sa labas ng bintana.

Hanggang sa siya na ang hindi makatiis sa katahimikan.

"N-nabasa mo ba ang text ko?"

"Yeah."

"Bakit hindi ka nagrereply?"

"Wala akong load."

"Sabi ni Mackey, may sakit ka?" Lakas loob na hinaplos niya ang noo nito. Napatingin ito sa kanya. Lalong bumilis ang pintig ng puso niya. Binawi niya ang kamay. "Hindi ka naman mainit."

"Nagpunta ka ba dito dahil d'yan?"

Nabigla siya. Sasabihin niya ba? Kung bakit ba naman kasi ngayon pa siya inatake ng hiya after all that happens!

"Ah, eh. O-oo." Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Alanganing napangiti siya. "Nag-aalala lang naman ako sa 'yo," mahinang dugtong niya.

"I'm fine. Baka napagtripan ka na naman ng mga iyon."

"Baka nga. Bakit nga ba hindi ka pumasok?"

Nag-iwas ito ng paningin. "Sumasakit ang ulo ko kanina."

"Talaga? Uminom ka na ba ng gamot?" alalang sabi niya.

"Yeah. Okay na ako ngayon."

"Hindi ka ba nasaktan kanina sa pambubugbog sa kapatid-- I mean sa lalaking iyon? Ang kamay mo, hindi ba masakit?" Kinuha niya ang kanang kamay nito. Namumula pa iyon. Hinaplos niya iyon. "Magpakuha ka kaya sa katulong niyo ng yelo? Namamaga pa yata ang kamay mo."

Hindi nito binawi ang kamay sa kanya. "I'm fine. Kulang pa ang ginawa kong pambubugbog sa kanya sa pambabastos niya sa 'yo. Kung nandito ang mga kaibigan ko, I'm sure, pupulutin siya sa ospital."

The Rebel Slam 3: KYLEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin