CHAPTER EIGHTEEN

2.6K 70 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

DALI-DALI'NG umayos ng tayo si Jazmine.

"Okay lang ako." Sa lakas ng kabog ng puso niya ay pinagdududahan niya ang sinabi.

Nakita siya ni Kyle sa bisig ng iba'ng lalaki! Hindi kaya ma-turn off ito sa kanya?

'Huwag naman sana!' Saka aksidente lang naman ang nangyari. Nagulat lang siya nang bigla'ng isigaw ni Clyde ang pangalan niya.

"Sure ka?" nag-aalalang tanong ni Jeremie. Hindi nito napapansin ang tatlo'ng palapit sa kanila.

"Oo. Sige na. Mauna na ako sa'yo." Sasalubungin na sana niya sina Kyle pero pinigilan siya nito.

"Wait, Jazmine. What's your answer? Papayag ka ba'ng maka-partner ako sa acquaintance?"

Hinarap niya ito at sinalubong ang mga mata. Ayaw niya ito'ng paasahin sa kanya.

"No. I'm sorry. May ka-partner na kasi ako."

Napabuntong hininga ito at malungkot na ngumiti. "Gano'n ba? Sayang naman. Nahuli pala ako sa pagyaya sa'yo."

Nginitian niya ito. "Marami pa naman d'yan na papayag na makapartner ka. I'm sure--"

Hindi na niya natapos ang sinasabi nang may umakbay sa kanya. Si Clyde.

"Hey, Jazmine, na-miss khta. I'm sure na-miss mo rin ako," anito. Bumaling ito kay Jeremie. "What's up? May problema ba?"

Napatingin si Jeremie sa braso nito'ng nakaakbay sa kanya. Pagkuwa'y napatingin sa mukha ng lalaki.

"Wala naman... Sige, Jazmine. 'Til next time."

"Sige, sorry talaga, ha?"

Ngumiti ito sa kanya at tinanguan ang tatlo'ng lalaki. Ipinagpatuloy na nito ang paglakad papunta sa Engineering building.

"What's that all about? Pinagsiselos mo ba ako, Jazmine loves?"

Bago pa niya matanggal ang braso nito sa balikat niya ay naramdaman niya'ng may nagtanggal niyon.

"Leave her alone, Clyde," nakasimangot na sabi ni Kyle. Ito ang nagbaklas ng braso ng kaibigan sa balikat niya.

"Whoah! For the first time!" ngisi ni Clyde. "Bakit, nagsiselos ka, 'tol?"

Lumipad ang paningin niya kay Kyle. Gusto niya ring marinig ang isasagot nito. Feeling niya ay nagsisimula nang magmarathon ang puso niya.

"Why should I?" Tinapunan siya nito ng naiiritang tingin at nilayasan na sila doon.

Nalaglag tuloy siya sa mataas na pangangarap. Napasimangot na lang siya.

"Inasar mo na naman si Kyle, dude."

"'Tol Mackey, wala ako'ng ginagawa, ha? Binibiro ko lang siya."

Napailing na lamang si Mackey. "Jaz, hindi mo ba siya susundan? Napagalitan lang siya ng instructor namin kaya masama ang mood."

"Napagalitan na naman siya, 'tol?"

"Oo. Pinag-iinitan kasi siya ng isa'ng instructor namin kasi palaging tulog sa klase."

"I'm sure, boring ang klase niyo."

"Yeah. Psychology, ang nakakaantok na klase. Kaya nga bumagsak ako doon last year, eh."

Natawa si Clyde. "Sabi na nga ba."

Kaya pala para'ng galit na naman si Kyle sa mundo. Tama si Mackey, kailangan niya'ng sundan si Kyle.

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon