CHAPTER TWENTY SEVEN

2.6K 62 0
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

"IHAHATID na lang kita pauwi," wika ni Kyle kay Jazmine habang tinuturuan siya nitong maggitara. Hiniling niya ditong turuan siya kahit sinabi nito na sasakit lang ang mga daliri niya.

True. Sumasakit na nga ang mga daliri niya. Pero okay lang. Nakakagaan ng pakiramdam ang mga hawak ni Kyle sa mga daliri at kamay niya.

"Okay. Tatawagan ko na lang si dad." Sumubok siyang mag-strum. Napangiwi siya sa nilikha niyang tunog. Kanina niya pa pinag-aaralan ang strum na iyon pero hindi pa rin makuha ng kamay niya.

Mukhang pansin din nito iyon kaya inilapat nito ang kamay sa strings para patigilin siya.

"Take it easy. Hindi ka naman matututo sa loob ng ilang oras lang."

Napatingin siya dito. "Tuturuan mo pa rin ba ako after this?"

"Why not?"

Napangiti siya. Ibig sabihin, hindi ito ang huling pagkakataon na mahahawakan nito ang mga kamay niya.

Kinuha nito ang gitara. "Tama na muna 'yan for now. Namamaga na ang mga daliri mo."

Tiningnan niya ang mga daliring namumula na at may mga bakas ng strings. Masasakit na nga ang mga iyon.

Nagulat na lang siya nang kuhanin ni Kyle ang kaliwang kamay niya at hinaplos ang mga nananakit na daliri niya with his thumb. Sa ginagawa nito ay tila ba unti-unting napapawi ang kirot niyon. Napatingin lamang siya kay Kyle habang ginagawa iyon. His touch was relaxing her system. Nakasanayan na niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Hindi na siya normal kung hindi iyon aarangkada ng kabog kapag ganitong nasa malapit si Kyle.

Nakatingin si Kyle sa kamay niya kaya nagkaroon siya nang pagkakataong pagmasdan ang mukha nito. Mas gwapo ito kapag ganito ito kalapit. Parang gusto niyang haplusin ang gwapong mukha nito.

"Kyle?"

Napatingin ito sa kanya.

"Ah..." Itatanong niya ba iyon o hindi na? But she's curious. "I-iyong sinabi mo kanina sa anak ng asawa ng mommy mo..."

Waring natigilan ito. Binitiwan nito ang kamay niya at ang gitara naman ang hinarap.

"Alin doon?"

"Iyong... ah... 'Yong sinabi mo'ng what if I really am your girlfriend? A-and I-I'm yours." Napakagat-labi siya.

"Ayoko lang gawin ulit sa 'yo ni Jedrick iyon. Kapag nalaman niyang girlfriend kita, hindi ka na niya kakantiin."

Iyon lang 'yon? Hinintay niyang magsalita pa ito. Ngunit hindi nito dinugtungan pa ang sinabi. Parang gusto niyang magprotesta.

"Papaano ka makakasiguro na hindi na niya ako babastusin ulit?"

"Alam ko lang."

"Papaano kung gawin niya ulit sa akin iyon?"

"I will send him out. Hindi na siya makakatapak sa loob ng bahay na ito."

Seryoso ba ito? Gagawin nito iyon? Para sa kanya?

"Bakit?"

Hinintay niyang sumagot ito ngunit wala. Busy ito sa pagtotono ng gitara. Maya-maya'y inilapag nito iyon at tumayo.

"Hapon na. Ihahatid na kita pauwi. Dito mo na lang ako hintayin. Magbibihis lang ako." Tuloy-tuloy na itong pumasok sa isang pinto.

At hindi na nasagot ang tanong niya. Napabuntong hininga siya. Dismayado man, inisip niya na lang na, in time, malalaman niya rin ang dahilan.

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now