CHAPTER THIRTEEN

2.7K 68 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN

MULING napailing si Kyle nang maalala ang nangyari kani-kanina lang.

'Nasisiraan na talaga ng bait ang babaeng iyon.' Talagang ipinapakita nito na hindi ito susuko sa kanya.

Subalit bakit ano man ang gawin niya'ng pag-ayaw ay tila nanunuksong nagpapabalik-balik sa balintanaw niya ang nakangiti'ng mukha nito at singkit na mga mata nito? He knew, she's always staring at him. Hinahayaan lamang niya ito. Nakakatamad na'ng paulit-ulit ito'ng pagbawalan dahil hindi naman siya nito pinapakinggan.

'Baka naman nagugustuhan mo rin na nakatingin siya sa'yo kaya hindi mo siya pinagbabawalan?'

Ipinilig niya ang ulo upang maalis sa isipan ang mga iniisip tungkol sa babae. Ayaw niya muna'ng kaisipin ang lahat. Itinuon niya ang paningin sa daan. Malapit na siya sa bahay nila.

Natanaw niya ang isa'ng kotse'ng papasok pa lamang sa malaking gate ng bahay nila. Napakunot-noo siya nang makilala ang kotse na iyon. Napatingin siya sa wristwatch.

Thirty minutes na lang at mag-aalas dose na ng hatinggabi pero kadarating pa lang nito. Napabunto'ng hininga siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa oras ng uwi nito?

Ipinasok niya ang motorsiklo sa garahe ng bahay nila. Naabutan pa niya sa garahe ang sakay niyon at halata'ng hinihintay siya. It was Karen, his mom.

"It's almost midnight, Kyle. Nasasanay ka na yata na hating-gabi o madaling araw na umuuwi?"

Bumaba siya sa motorsiklo at tinalikuran ito. Wala siya sa mood makipagtalo ngayon dito. Inaantok na siya. Hindi sana niya ito papansinin subalit humabol ito sa kanya at pinigilan siya sa braso.

"Hindi kita tinuruan na bastusin ako, Kyle!" gigil na saad ni Karen.

Hinarap niya ito. "May naituro ka ba sa akin, mommy?"

Natigilan ito. Bumakas sa magandang mukha ang pagkalito. "W-what--"

Binawi niya ang braso dito. "Matutulog na ako. I suggest you do the same." Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

"You're so cold to me, Kyle. Hindi na kita kilala."

'Hindi mo ako kilala dahil wala ka namang ginagawa para kilalanin ako,' mapait na saisip niya. Hindi na lamang niya ito sinagot. Nagtuloy-tuloy siya sa kwarto niya.

His father died when he was barely six years old. Eversince that day, wala na'ng naging oras para sa kanya ang ina. She's always busy on their business. She can give him whatever material things he needed, but she can never give him what he truly needs. Ni minsan, hindi niya naranasan na alagaan nito. He's always on his own at nasanay na siya doon. Kung dati hinahanap-hanap niya ang ina, hindi na ngayon. Nakakapagod din pala na maghintay.

Nang mag-asawa'ng muli ang kanyang ina ay hindi man lang nito isinaalang-alang ang pagtutol niya. That time, he was afraid. Baka kapag nag-asawa ito'ng muli ay lalo siya nito'ng mabalewala. At ganoon nga ang nangyari. There's nothing he can do but to make himself strong. No one can help him, no one understands him.

Ibinaba niya ang gitara sa isa'ng sulok. Pagkuwa'y kinuha ang acoustic guitar sa lagayan niyon. Kung meron man siya'ng nagiging outlet, ang musika iyon. Kapag tumutugtog siya ay pansamantala niya'ng nalilimutan ang lahat ng mga problema. Isa iyon sa mga ipinagpapasalamat niya dahil nakilala niya sina Grendle, Aser at Clyde. Masaya'ng kasama ang mga ito at ipinaparamdam nito sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Pero may kulang pa.

Tumipa siya sa gitara.

There's a hole on his heart that his friends and music can't heal.

The Rebel Slam 3: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon