CHAPTER TWELVE

2.7K 65 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"THERE will be no ordinary days for you
If there is someone who cares like I do
You got no reason to be sad anymore I'm always ready with a smile
With just one glimpse of you..."

"Hoy, Jazmine! Matunaw si Kyle!"

Natauhan siya nang malakas siya'ng hampasin ni Mackey sa balikat. Muntik na siya'ng mapasubsob sa sahig ng funhouse na iyon.

"Aray! Bakit ba?" Inirapan niya ito.

Tatawa naman ito. Hindi niya alam kung maiinis o di-deadma-hin na lang ito. Feel na feel pa naman niya ang pagtitig kay Kyle habang kinakanta nina Grendle at Donita ang kanta'ng iyon. Sa isip niya ay siya ang kumakanta niyon habang magkatitigan sila ni Kyle.

Nakakalungkot nga lamang dahil malayo sa reyalidad ang pinapangarap niya. Nakapikit kasi si Kyle ngayon habang prenteng nakaupo sa bench na iyon. Ang advantage niya lang ay magkatabi sila ngayon. Halos magkadikit na ang mga tuhod at mga braso nila. Gayunpaman ay kuntento na siya kahit hindi niya ito makausap. Malaya naman niya'ng natititigan ang gwapong mukha nito ngayon.

"You can watch sad movies in a different light
Coz I will be right there beside you
Hugging you oh so tight
Your hands will never feel so cold and empty again
Coz I will keep on holding on
And won't let go..."

Ibinalik niya ang paningin kay Kyle. Matunaw na kung matunaw. Minsan-minsan niya lang matitigan ng ganito kalapit si Kyle, eh!

Ngayon lang din siya nakalapit kay Kyle ng ganito. Thanks to their friends. Pagdating nila doon ay tinudyo-tudyo pa sila ng mga ito.

Nagpapasalamat din siya dahil hindi siya tinapon ni Kyle sa bangin dahil sa pagiging atribida niya kanina. Imagine? Nakasakay siya sa motorbike ni Kyle for the first time!

'Hindi lang siya gwapo, malinis at mabango pa!' Siya na talaga ang pinakamaswerte'ng babae ngayong gabi.

"You don't have to search no more
Coz I am someone
Who will love you for sure..."

'Ako na 'yan, Kyle. Huwag ka na'ng maghanap ng iba.'

"So if we fall in love
Maybe we'll sing this song as one
If we fall in love
We can write a better song than this
If we fall in love
We will have this melody in our heads
If we fall in love
Anywhere with you would be a better days..."

Paano nga kaya kapag inibig din siya ni Kyle? Agh! Siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng universe! She felt excited on that thought.

"Feel so good when you're around
One smile from you
And I just feel so right..."

"Woooh! Ang galing ni Donita!" ani Krizhia habang pumapalakpak.

"Ang sweet ninyo talaga, Kuya at Ate! Nakakainggit!" kinikilig na tili ni Donna.

Nadistract ang pagmumuni-muni niya dahil sa tilian ng mga ito kaya napatingin siya sa magkasintahang kumakanta. Ang sweet nga nga mga ito habang nakatayo sa harapan ng videoke. Magkaakbay ang mga ito at kumakanta habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa.

Napabuntong-hininga siya. 'Ang sweet nga nila. 'Kakaingit!'

"Pwede rin tayo'ng maging ganyan ka-sweet, Donna babes! Sagutin mo lang ako ngayon, lalagpasan natin ang ka-sweet-an nila." Kunwaring nag-inat si Clyde pagkatapos ay dumapo ang braso nito sa balikat ni Donna.

"Sorry, Kuya Clyde. Mas type ko ang kapatid mo, eh." Inalis ni Donna ang braso ng lalaki sa balikat nito.

"Si Charlize? Kilala mo siya?"

"Uh-huh. Classmate ko siya at gusto ko siya dahil mabait siya."

"Mabait din naman ako, ah? Mas gwapo pa ako doon, ano?"

"Mas gwapo'ng poporma si Charle kesa sa'yo."

"Dude, huwag na ipilit. Tanggapin mo na'ng basted ka. Two times na." Binuntutan iyo ng tawa ni Mackey nang sumimangot si Clyde.

"Saka aminin mo, Clyde. Mas maganda nga'ng poporma sa'yo ang kapatid mo," buska pa ni Aser.

"Lalaki ako, tomboy lang 'yon."

"Kahit na. Mas gwapo pa rin siya'ng poporma." Dinampot ni Donna ang songbook at iyon ang pinagtuunan ng pansin.

Napailing na lang siya. Babaero talaga ang Clyde na ito. Duda siya kung may babaeng magpapatino dito.

But nothing's impossible, right? Tulad na lang din ng pagsinta niya kay Kyle. Impossible man sa paningin ng iba, gagawin niya pa rin iyong posible.

Dumampot siya ng isa'ng sitsiryang binili nila kanina sa convinience store. Kakain muna siya tutal ay tulog pa naman si Kyle. Gusto niya sana ito'ng kulitin pero naalala niya'ng sumasáma nga pala ang mood nito kapag binubulabog ang pagtulog.

Iginala niya ang paningin sa paligid. Solo nila sa isa'ng videoke doon. Kakaunti na lang kasi ang mga tao at karamihan ay naglalaro ng video games.

"Jazmine! Sa iyo yata ang kanta'ng ito!"

Lumipad ang paningin niya sa screen. Noon lang rumehistro sa utak niya ang tugtog na iyon. Napangiti siya. Naririnig niya pa lang ang intro niyon ay nakakarelate na siya. Dagling tumayo siya.

"Akin nga iyan!" Inabot niya ang mic kay Donita.

"Yes! Si Jazmine labs na!"

"Woohooh! Go, Jaz!"

"Galingan mo, Jazmine! Para kay Kyle iyan!"

"Pwede ba'ng para sa akin na lang?"

"Heh! Manahimik ka diyan, Clyde!"

Hindi nakahirit si Clyde nang soplahin ito ni Krizhia.

"Alam niyo na kung para kanino ito," naka-mic na sabi niya. Humarap siya sa mga ito. Tumingin siya kay Kyle. Nagulat pa siya nang makita'ng nakadilat ito. Sumikdo kaagad ang puso niya. Kasabang ng pag-iinit ng mga pisngi ang paglawak ng ngiti niya.

'To the highest level ang kanta'ng ito, Kyle my loves! This is especially for you!'

"Nang kita ay makilala
Napatulo ang laway ko
Binti ko ay nangatog
Ako'y sumemplang at nauntog..."

Nagsipalakpakan at nagcheer ang mga kasamahan niya. Except, of coarse, kay Kyle. Inilabas nito ang cellphone at iyon ang pinagtuunan ng pansin.

'Mas maganda naman ako sa cellphone niya, ano? Hmp!'

"Ewan ko, ano ba'ng meron ka't kikay na ito'y napaamo mo
Nabihag mo ang puso kong pihikan
Agad na inlove sa'yo..."

Lalo'ng umugong ang tuksuhan. Nang mapansin ni Aser na sa cellphone nakatutok si Kyle ay hinablot nito iyon sa kamay ng huli. Napasimangot si Kyle. Babawiin sana nito ang aparato pero agad na tumayo si Aser at ibinigay sa kanya ang cellphone.

Tumayo si Kyle. Akmang lalapit ito subalit kinantyawan na naman ito ng mga kaibigan nito. Hindi tuloy nito itinuloy ang balak.

Tiningnan lamang siya nito ng naiiritang mga mata nito.

"Ikaw ba ay isa'ng droga at naaadik ako
Isa'ng kindat mo lang mapapatumbling na ako..."

Kinindatan niya si Kyle. Tingin niya ay lalo'ng sumama ang mukha nito.

"Tinamaan na ako, walanghiya ka kupido
Nasira ang schedule ko, putris na kabaliwan ito..."

Inis na lumapit sa kanya si Kyle. Kinukuha nito ang cellphone sa kanya pero sumenyas ang mga kaibian nito na huwag niya'ng ibibigay. Inilayo nga niya iyon dito.

Hindi niya pinansin ang pagkainis nito. Kinantahan niya pa ito.

"Lumalaki na'ng eyebags ko
Di makatulog dahil sa'yo
Nagmumukhang zombie na ako
Di mapakali ano ba 'to?"

Kahit ano'ng gawin nito ay hindi niya ibinigay ang cellphone nito. Nang mainis siguro ay lumayo ito at tinalikuran siya.

'Oh my! Come back!'

"Sana lang mapapansin mo rin ang kagandahan ko'ng ito
Hirap na kasi ang lola mo nabaliw na ata sa pagpapantasya sa'yo
Daig mo pa si darna, napatumba ako
Isa'ng sulyap mo lang natotorete na ang utak ko..."

Huminto si Kyle sa paglalakad. Bigla ito'ng humarap sa kanya. Deretso ang mga mata nito sa mga mata niya. Muntik na tuloy niya'ng malimutan ang lyrics ng kinakanta. Kumabog ng husto ang puso niya nang maglakad ito palapit. Wari'ng naging slow motion ang lahat.

Hindi na malinaw sa kanya ang kinakanta. Mabuti na lang at plakado niya iyon kundi ay baka kanina pa nagkaramble-ramble ang mga lyrics niyon.

'Syet! Tinamaan na talaga ako sa'yo, Kyle!' Gusto niya sana iyo'ng isigaw. Mabuti na lang at naawat niya ang sarili.

There's something on his eyes that make her feel the shiver. Wala'ng bahid ng pagkairita iyon. It's like he's just serious. Maloloka na nga yata siya ng tuluyan dahil lang sa titig nito!

"Tinamaan na ako(My papa)
Pansinin mo ako(O sana)
Oras ko'y iyung-iyo(Kaloka)..."

Ang maloloko'ng kaibigan nila ay nanunudyong sinabayan pa ang pagkanta niya. But ofcoarse, wala sa mga ito ang pansin niya. Nasa lalaki'ng hindi niya namalaya'ng nakalapit na pala ng tuluyan sa kanya. Huminto ito ilang pulgada ang layo sa kanya.

Matangkad si Kyle. Hanggang balikat lamang siya nito. Kinakailangan niya tuloy tumingala dito para makita ang mukha nito.

Muntik na siya'ng mapatili sa kilig nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Pinigilan nga lang niya ang sarili dahil ayaw niya'ng masira ang moment na iyon.

"Sabihin mo lang sa akin
Na mahal mo ako't ililibrd ko ang tropa mo..."

Dinig niya ang paghihiyawan ng mga kasama.

Isa'ng dangkal na lang yata ang layo ng mukha nito sa mukha niya nang huminto ito. Nararamdaman na niya ang mainit at mabango'ng hininga nito na dumadampi sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung guni-guni lamang ba niya ang nakita'ng saglit na dumaang emosyon sa mga mata nito.

Nang mapag-isip-isip niya ang kasasabi'ng lyrics ay naramdaman niya ang pag-iinit ng buong mukha. Ano kaya'ng iisipin ni Kyle doon? Mapapag-isip-isip na ba nito na siya ang gusto nito?

Hindi na niya inintindi ang kinakanta niya, pati na ang nanunudyong mga kasama nila. Hinintay niya kung ano ang susunod na gagawin nito.

Subalit sa pagkadismaya niya ay dumistansya ito. Parang bulang sunud-sunod na pumutok ang mga pangangara niya. Gusto niya sana ito'ng lapitan nang makita ang itinaas nito sa kamay. Ang cellphone nito!

Dagli niya'ng tiningnan ang kamay. Wala na doon ang cellphone! Hindi niya namalayang nakuha na pala nito iyon!

Nang ibalik niya ang paningin kay Kyle ay nakatalikod na ito. Tuloy-tuloy ito palabas ng funhouse na iyon. Kahit ang mga kaibigan nito ay hindi ito napigilan.

Parang gusto niya'ng pektusan ang sarili.

'Absent-minded ka talaga, Jazmine! Kung hindi nakuha ni Kyle ang cellphone niya, sigurado'ng mamaya pa siya uuwi!!'


FEATURED SONG

If We Fall In Love by Yeng and RJ

Tinamaan Ako by Anne Curtis

The Rebel Slam 3: KYLEWhere stories live. Discover now